Prologue

171 7 0
                                    

"Tigilan niyo  nga si Marianne!" matapang na sigaw ko sa mga bata na umaaway sa kambal ko. Nakayakap siya sa likod ko at humahagulgol sa gitna ng playground sa parke. 

Kahit kambal kami, marami ang pinagkakaiba namin.  Emosyonal kasi siya habang ako naman ay matapang. Dahil dito, lahat ng umaaway sa kanya ay ako ang humaharap  dahil hindi niya ito kayang labanan.

"Si Marianne kasi! Naglalaro kami ng mga kaibigan ko pagkatapos, makiki-sali." reklamo ng batang babaeng kulot at maitim. 

Gosh, she's ugly and dirty! 

Sandong puti na may bakas pa ng huli niyang kinain, leggings na violet at tsinelas lang ang kaniyang suot. Wari ko'y wala pa ang sahod ng kaniyang mga magulang sa aking allowance kada buwan para makabili ng maayos na mga damit. Sa init ng araw din ay para bang sinalo niya lahat kaya't naging madilim ang kulay ng kaniyang balat at amoy araw din ang kaniyang amoy.

"Look, curly head." nilapitan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Ngumiwi ako sa pandidiri. Mas maganda pa din ang mga kuko ko sa paa. "If you don't want my twinie to play with a freak like all of you, pwede naman sabihin niyo  nalang. Hindi 'yung pagsasalitaan niyo pa siya ng kung anu-ano."

"Totoo naman lahat ng sinasabi naming kung anu-ano. Inilalarawan ko lang kung ano talaga siya. Totoo namang mahina, balat-sibuyas at nagbabait-baitan lang siya. Tingnan mo, konting galawl lang  umiiyak at magsusumbong sayo!" tumawa sila. 

I balled my fist in anger. Rinding-rindi ang mga tainga ko sa tunog ng kanilang mapangasar na halakhak.

Alam kong mag-isa lang ako dito pero lalaban ako.

"Ah ganoon?" I smiled sarcastically sweet. "Nilalarawan mo siya? Sige, hayaan mong ilarawan kita." Lumapit ako sa babaeng ngayo'y nakapamaywang sa aking harap. Ang kaliwang kilay niya'y naka-taas, tila bang nanghahamon.

"Margarette tama na." pag-pipigil sa akin ni Marianne habang hinihila ang kaliwa kong braso. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy.

"Maitim ka. Kulot. Mahirap. Madumi. Mabaho. Nalilligo ka ba? Wala ka bang pambili ng iba pang damit kasi kaunti nalang aakalain kong galing ka sa araw dahil sa kulay at amoy mo!" Huminto ako ng sandali para kalmahin ang sarili. Itinaas ko din ang kaliwa kong kilay. "Tapos sasabihin mo balat-sibuyas ang kapatid ko? Well, fine. She's a bit emotional. Kaysa naman amoy-sibuyas. Teka, naiiyak ako sa amoy mo." Umarte akong umiiyak. Nagsitawanan naman ang ibang bata. 

Maangas akong humalukipkip at ngumisi habang pinapanood ko siyang nagpipigil ng iyak sa galit at inis sa akin.

I don't know what happened next pero ang alam ko lang ngayon ay nakaupo ako sa aming sofa na may magulong buhok galing sa sabunot at maduming damit na puro lupa. Si Daddy at mommy ay nakaupo sa mahabang sofa, kaming kambal ay tig-isa sa isahang sofa. 

Madami akong pasa pero wala lang naman ito. Ang kapatid ko ay madumi at iyak ng iyak. Hindi ko alam kung bakit umiiyak pa din siya kung mas nasaktan ako. Natulak lang naman siya at iyon na iyon. Ako, nasubuntan, nangudngod, nasapak at nasampa. But I managed. I won anyway.

"Ano'ng nangyari, Margarette?" tanong ni Mommy. Naka-upo siya ng maayos sa sofa at naka dress ng hapit at may suot na blazer. Si Daddy naman ay naka-suit and tie pa. Galing sila sa trabaho.

"Mom, I was just saving my twinie. They called her weak and balat-sibuyas!" I explained. "Though I don't know what that means." bulong ko. "They bullied Yanyan, mom! They made my sister cry! I just saved her!" I explained. 

Inaasahan kong mauunawaan ni Mommy ang paliwanag ko ngunit mariin lang siyang napapikit at umiling.

"You saved her? Tingnan mo nga ang hitsura ng kapatid mo!" sigaw ni mommy. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Differences (Mercedes #2) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon