Clash 1

22 1 0
                                    

A/N: I dedicate this chappy to @moonjinhyo for the BC. Thank you once again :) Happy reading!

--

(Sheya's POV)

"Oh my gosh! Totoo ngang dito mag-aaral ang CC!!!"

"Shet pare ang ganda ni Kylie sa personal!"

"Waaaahhhhh! Merlia I love you!"

"Sheya! pakasalan mo na ako, ang ganda mo talaga!"

"Candice pahingi number!"

Samu't saring bulungan at sigawan ang naririnig namin habang cool na cool kaming naglalakad sa hallway. Hayyyy nako ang hirap talaga maging sikat. Pero kidding aside. Akala ko sa internet lang kami sikat pati din pala sa personal.

Agad kaming dumiretso sa classroom namin, pero hanggang dito din pala may sumisigaw pa rin.

"Omy Color Coding!"

"Kaklase natin sila halaaaa!"

"Oo nga ang swerte natin!"

Umupo kami sa may bandang likuran ng classroom. First day palang sumasakit na ulo ko sa sigawan nila. 

Napalingon naman ako sa katabi kong si Merlia na ngayon ay hawak ang cellphone at nagseselfie.

"First day of school today. Hashtag Merlia <3" paniguradong ipinost niya agad yun sa IG niya. Ewan ko h sa babaeng to.

"Seriously Lia first day na first day dito selfie inaatupag mo? Nako lahat nalang ata ng ginagawa mo may kasabay pa na selfie. Yung totoo gumagawa ka ba ng documentary tungkol sa buhay mo?" sabat ko sa kanya.

Siya si Merlia Summers ang Ultimate Selfie Queen ng grupo.

"Seriously Sheya maylabs first day na fisrt day highblood ka? Gusto mo groupie nalang tayo?"

Hayyy, kahit kelan talaga. Napailing nalang ako sa kabaliwan ng isang to.

"Sheyaaaaaa! May lollipop ka ba diyan?"

Isang nakangusong Candice Villacorpus ang tumambad sa harap ko. Siya naman ang Childish Brat-Slash Pabebe Queen sa amin. Palibhasa kasi pandak. Pero wag ka nag-iibang anyo yan pag sumasayaw.

"Ewan ko sayo Candice diyan ka humingi kay Kylie oh"

Saka ko tinuro si Kylie Morgan na naglalaro sa cellphone niya. Iniabot niya naman ang lollipop niya kay Candice ng hindi inaalis ang tingin sa cellphone nito. 

Siya ang leader namin. Si Monster Queen. Kaya monster kasi hayop sa halos lahat ng bagay. Hayop sa kagandahan. Hayop sa pagsasayaw. Hayop sa kaseksihan. At iba pang kahayupan. 
Kung titignan siya lang ata ang normal siyempre pati ako sa aming apat. Maliban nalang sa tuwing sumasayaw siya, nagiging abnormal na. Abnormal sa kagalingan.

"Hayy nako ang Menopausal Princess namin umaarangkada nanaman." sabi ni Kylie na patuloy pa din sa pgalalaro ng di ako tinitignan. kaya daw ako Menopausal kasi parati daw akong masungit? Duhhhhh. Di kaya. Mga baliw nato.

Kung nagtataka kayo kung bakit daw kami "sikat" kasi nagpopost kami ng vidoes namin habang sumasayaw. Naging viral yung first video namin which is napagkatuwaan lang namin na ivideo kaya ayun pinagpatuloy namin ang pag-uupload hanggang sa makilala kami dahil dun. Tsaka nagkakilala kaming apat ng dahil din sa pagsasayaw. Talagang hilig namin to kaya kami nagkakasundo at naging magbestfriends. 

Hindi naman talaga namin gusto ng Fame eh. Naging viral lang talaga yung video namin , at BOOM instant sikat!

Teka bat ba ako nagkukwento sa inyo? Sinasayang ko lang saliva ko eh.

Clash of the DancersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon