Chapter 3-Met again

15 0 0
                                    

Val's Pov

Dahil excited akong makapasok sa school eh alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ako. Stretch dito. Stretch doon. Konti na lang achieve ko na ang mala-Miss U na katawan. Long legs, petite bodeh, and my undeniable beauty and gumagatang brain. Makapag audition na nga sa susunod na BB PILIPINAS. Ang chachaka na kasi ng mga sumasali eh. Yung iba hipon. Yung iba di naman biniyayaan ng height. At least ako,complete package na. Haaaaay! Kung babae lang ako,talbog ko na sila. Kaso meron silang biyayang di pinagkaloob sa akin. HUHUHUHU pero okay lang. Maganda namanako sapat na yun.

At kasi ang daldal ko dito. Natapos na ako sa aking beauty routine. Ligo, linis ng face and baby powder, perfume and my clothes. Ambongga! Oh diba? Hindi ako katulad ng ibang beki dyan na anchachaka. kung anu-ano sng nilalagay sa feslak. Mas maganda kaya yung simple lang. Naalala ko yung nagtreat sa akin dun sa mall nung bumili ako ng school supplies. Siya si Megan. Ang simple ng beauty, pang Miss U rin. Pero I think hindi matino yung brain. Naiwan yung sukli eh. Sorry for the term pero, medyo tanga. Hayyy! Erase. Erase. Kumain na ako ng breakfast at pinagluto na ang mag inang Ramos. Yun kasi ang deal eh. Di ko dapat ibreak yun para makatapak naman ako ng college sayang din beauty ko kung walang pinagmamalaki diba?

Umalis ako ng bahay pagkaalis ng pinsan kong bratinela. Kung hindi malilintikan nanaman ako doon. Nag abang ako ng traysikel sa may kanto papunta ng school.

Pagkarating ko ay humarurot na ako papuntang Dean's office para kunin yung schedule ko. At sa sobrang madali ko eh may nabangga ako.

"Megan!?"

"Val!?"

Sabay kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa. Nagtawanan pa kami dahil sa dinami dami ba naman ng taong pwede ko makita siya pa. Ang cute niya pag tumawa. Gusto ko na siya maging friend. HAHAHAHA Sabay kaming kumuha ng schedule at lumabas.

"Eh sinungaling ka pala eh!" Bulalas niya sa akin pagkalabas namin. "Ha!? Bakit naman?" nagulat ako sa sinabi niya. Noong huling pagkikita namin sa mall grabe ang pasasalamat niya dahil sa kabaitan ko, tapos ngayon sinungaling naman!? "Kasi sabi mo doon sa mall na gutom ka at wala ka nang pera. Tapos sabi mo pa nun hindi man halata sa beauty mo eh mahirap ka lang. Tapos dito ka rin pala nag aaral." Para akong matatawa sa kanya. para siyang batang iniwan ng parents nya pra mag outing kasama ang mga classmates nila (Alam niyo ba yung feeling na yun. HAHAHAHA ^^)  "Ano ka ba! Nakapasok ako dahil sa scholarship no. At saka nakatoka ako ngayong sem sa library para maging student assistant kapalit nito." Napanganga si Megan. "Ganun pala yun. sorry napagbintangan pa tuloy kita. Im sorry" para siyang napahiya. Ang cute lang. "Hindi okay lang" At doon nagsimula ang friendship namin.

Alam mo yung parang nahanap mo ang soulmate mo? No, not romantically. Yung tinadhanang bestfriend mo. Hayyy ngayon lang ako ulit nagkaroon ng kaibigan since I was ten. Noong nawala ang mga parents ko na parang bula. After nun ang pamilya na ni Shamcey ang humawak ng company at ako ay naging dakilang Cinderella. tsk tsk tsk. Back to my destined bff, destined talaga kasi akalain mo yun? Magkasama kami sa trigo at bio the whole week ansaya! HAHAHAHAHA

After nun ay pumunta na kami sa kanya kanyang klase namin. Nagexchange rin kami ng numbers para magkasama sa breaks. Yes, kami ang magkaagapay ngayon dito sa school ng mga brats. Mabuti na lang ay may kasama akong parehas ang pananaw sa buhay.Napakasimple at makatrungan. HAHAHA DELOKOLANG.

This will be a long journey and I hope maging masaya naman siya.

xxxxxxxxxxxxxx

Note: I'm sorry if this is too cliché for you but please be patient to wait for the plot twist. I hope it won't disappoint you.

A Twist In My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon