Chapter 1

6 2 0
                                    


Thalia's POV

Welcome to Saldovar Boarding School Academy

"Muka namang hindi kawelcome-welcome." bulong ko sa sarili ko.

Sira-sira na kasi yung karatulang pinagsusulatan nito. Mukang luma na talaga tong school.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bago, I mean lumang school na papasukan ko. Malawak na pader ang nakaharang at napakataas na gate. Halos hindi makita yung building sa loob. Napakahigpit siguro sa paaralan na to dahil mukang hindi pinapayagan ang mga estudyanteng makalabas.

Hindi ko alam kung saang lugar to. Pero alam kong nasa isa akong probinsya. Tila nasa gitna ng kagubatan itong paaralan dahil puro puno at halaman lang ang makikita sa paligid.

Hindi ko alam kung anong naghihintay saakin sa loob. Pero dahil nandito ako dahil sa parusa ng magulang ko, hindi na ko aasa na maganda ang mangyayari saakin sa loob.

Ipinadala ako dito ng magulang ko bilang parusa. Dito na ako mag-aaral hanggang sa matapos ko ang highschool. Walang TV, walang gadgets, walang barkada, walang gala. Lahat ng ginagawa ko sa Maynila, kabaligtaran na ng gagawin ko simula ngayon.

At lahat ng yon ay dahil sa lintik kong pinsan.

Lahat ng ginagawa ko sinusumbong nya sa magulang ko. At hindi lang basta sumbong. Dahil ginagatungan nya to ng kasinungalingan. Halimbawa na lang na namasyal kami ng mga kaibigan ko dahil nagcelebrate kami sa pagkakapanalo ko sa quizbee. Pero sinabi niya sa magulang ko na gumala ako at madaling araw nang umuwi dahil sa kalasingan.

Nagalit ako noon sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit nya iyon ginawa samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Sinubukan kong magpaliwanag sa magulang ko na nasa malayo dahil pareho silang nagta-trabaho sa ibang lugar. Pero huli na dahil hindi lang pala iyon ang unang beses na nagsumbong siya ng kasinungalingan. Marami na siyang ginawang kwento na hindi ko alam dahilan ng tuluyang pagkawala ng tiwala sakin ng mga magulang ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon na lang kasama ang ugali niya.

Nakaramdam ako ng pagv-vibrate ng phone ko sa aking bulsa.

Habang hindi pa ako nakakapasok sa loob ng paaralan ay magagamit ko pa tong cellphone ko pero pag nakapasok na ako, kukumpiskahin agad nila ito. Iyon ang sabi sakin ni Mama bago niya ko ipadala dito.

"Hi Thalia! Kamusta? Nakarating ka na ba sa bago mong school? Ingat ka ha. Aral mabute! :D"

Nang mabasa ko kung kanino nanggaling ang mensaheng ito, parang bigla kong gustong ibalibag ang phone ko .

Galing ito kay Brianna. Ang napakabait at napakahonest kong pinsan. tsk.

Kahit lunurin ko siya, lulutang at lulutang talaga siya dahil sa kaplastikan nya. Akala mo kung sinong anghel kapag kaharap ang mga magulang ko.

Pinatira si Brianna sa bahay para may makasama ako dahil nasa ibang lugar nga ang mga magulang ko at nagta-trabaho. Isa hanggang dalawang beses lang sa isang buwan sila umuwi sa bahay at hindi man lang umaabot sa tatlong araw ang pananatili nila. Ganon sila kabusy.

Kaya hindi na ako magtataka kung hindi nila ako pagkatiwalaan. Hindi naman kasi nila ako kilala dahil hindi naman ako lumaki na nasa tabi ko sila.

Sigh.

Napabuntong hininga ako bago lumapit sa doorbell. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba talaga ako dito o tatakas at maglalayas na lang. Psh. Pag ginawa ko naman yun, magiging patunay lang na tama yung mga kasinungalingan ni Brianna.

NapoleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon