Thalia's POV
"Hi."
Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid ko matapos kong umayos sa pagkakaupo.
Tinignan ko ang may malawak na ngiting nagsalita at sandaling natulala sa kanya.
May katangkaran siya. Maputi ang kanyang balat at balingkinitan ang pangangatawan. Makinis ang mukha, malalim na mga mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi.
"Uhm. Hi?" Tila nabalik naman ako sa katinuan ng magsalita muli siya.
Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil napatitig pa ako sa kanya. Kasi naman. Nakakatulala ang kagwapuhan ng lalaking nasa tabi ko.
"A-Ah. Hi." nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako sa mga babaeng kasama ko sa lamesa namin at lahat sila ay na saamin na ang atensyon.
"I'm Yosef Filo." Inilahad niya ang kamay niya at agad ko namang tinanggap
"Nathalie right?"
"Nathalia. Pero Thalia na lang."
"Oh. I'm sorry. Sige. Thalia, ako nga pala ang representative ng boys. Isang karangalan para sa akin na makilala ang isang napakagandang binibining katulad mo." naramdaman kong umakyat ang dugo sa pisngi ko at uminit ito. Lalo na nung yumuko siya at hinalikan ang likod ng palad ko.
*ehem*
Agad naman kaming napatingin sa tumikhim sa likod ko at nagulat nang makitang iyon yung lalaking kanina pa ako tinititigan na nanlilisik ang mga mata.
Hanggang ngayon ay ganun parin ang ekspresyon niya. Muka parin siyang galit. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit parang galit na galit siya sa akin samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya at ngayon pa nga lang kami nagkita.
Lumipat siya sa tabi ni Yosef na nasa gilid ko kaya mas maayos at mas malapit ko na siya ngayon matitignan.
Napaawang ang bibig ko nang pagmasdan ang buong mukha niya.
Kung ikukumpara siya sa katabi niyang si Yosef, di hamak na mas angat siya.
Mas malaki ang katawan niya at halatang may muscles. Mas matangkad din siya kumpara kay Yosef at higit sa lahat ay mas gwapo siya.
"Magsisimula na tayong kumain." Sabi niya kay Yosef at napabaling siya sa kamay kong hawak parin ni Yosef hanggang ngayon.
Agad kong binawi ang kamay ko at nag iwas ng tingin. Nakita ko na halos lahat ng estudyante ay sa direksyon namin nakatingin.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Yosef kaya napatingin akong muli sa kanya. Pero imbes na kay Yosef mapunta ang mga mata ko ay napunta sa katabi niya.
Saka lang nabaling ang tingin ko kay Yosef nang magsalita siya.
"Sige. See you around na lang Thalia." nginitian niya ako bago siya naunang umalis sa katabi niya. At yung lalaking katabi niya naman ay binigyan ulit ako ng nanlilisik na tingin bago sumunod kay Yosef.
Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa tingin na yun. Mas nakakatakot siya kapag malapitan.
Kinalabit ako ng katabi kong si Selena kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang gwapo niya no?" sabi niya habang inaayos ang mga kubyertos sa harap niya.
"H-ha?" Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang gwapo dahil sa dalawang lalaking lumapit dito kanina. Pareho naman silang gwapo.
"I mean, gwapo silang dalawa pero mas gwapo si Leo. Ayoko kasi kay Yosef."
May mga lumalapit na din sa mesa namin at naghahatid na ng mga pagkain.
"Leo? Iyon ba yung pangalan nung isa?"
Tumango siya.
Leo. Bagay sa kanya. Mukang matapang.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
Kung kaninang nakatingin ang mga estudyante samin ngayon ay abala na sila sa pagkkwentuhan ng kung anu-ano at parang bigla akong nawala sa paningin nila dahil hindi na muli nila ako pinansin.
"Alam mo kasi si Yosef , chickboy yun! As in lapitin siya ng mga sisiw dito. Kaya ayaw ko sa kanya. Para siyang inahin na hindi maiwan iwan ng mga sisiw. Kaya ayan, lumalaki ang ulo. Well, hindi naman siya playboy na pumapatol sa kahit sinong babae pero napakalandi at napakayabang niya kaya inis na inis ako dyan eh. Pero wag kang maingay ah? baka awayin ako ng mga nagkakagusto sa kanya."
napatawa naman ako dahil sa taglay niyang kadaldalan. Hindi siguro ako maboboring kapag kasama ko siya.
Nang matapos na ang paghahatid ng mga pagkain sa mesa ay umupo na rin ang mga naghatid at nagbigay ng hudyat si Mr. Silvestre na pwede na kaming kumain.
Sabi ni Selena ay pwede daw makipagkwentuhan habang kumakain dahil yun naman talaga ang purpose kung bakit sabay-sabay kaming kakain. Dapat hindi namin maramdaman na nag-iisa kami at dapat maramdaman namin na pamilya kami dito.
Nakilala ko na rin ang iba pang mga kasama namin sa mesa. Sina Welly, Tween, Marla, Kath, Beth at marami pang iba. Sila yung mga nakaroom sa katabi ng room namin, yung iba nasa 4th floor at yung iba ay nasa 5th floor.
Karamihan ay mababait pero hindi lahat.
Tulad na lang ng grupo daw ni Ana. Si Ana ang representative ng girls at kasama namin siya dito sa mesa dahil sa 5th floor ang room niya. Taga 4th at 5th floor kasi ang mga nakaupo dito sa pangalawang lamesa samantalang mga taga 1st, 2nd at 3rd floor naman ang nakaupo sa unang lamesa. Ganun din sa boys.
Nang ipakilala niya ang sarili niya sa akin ay parang sa tono ng boses niya, kailangan ko siyang galangin dahil siya din ang tumatayong leader ng girls at malalagot ako kapag hindi ko siya sinunod. Nakataas kasi ang kilay niya habang nagpapakilala at hindi man lang ako nginitian. Pinapakita niya ang pagiging maawtoridad sa pamamagitan ng tono ng boses niya at kilos niya.
Dapat talaga ay maging maingat ako dito para maiwasan ang kahit anong gulo.
Napatingin ako sa gawi ni Ana at ng mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila habang nagkkwentuhan. Pero ng mapatingin din siya sa akin ay biglang nawala ang ngiti niya kaya agad akong nag iwas ng tingin.
Namimiss ko na kasi ang mga kaibigan ko. Ganyan din kami kapag magkakasama. Hindi nawawalan ng kwento at puro tawanan. Kaya madalas kong nakakalimutan yung mga problema ko dahil sa kanila. Masaya silang kasama at sa kanila ko lang nararanasan ito dahil never naman akong tumawa sa bahay. Sino naman kasi ang tatawanan at kkwentuhan ko doon? Si Brianna? Ha. Mas gusto ko pang yung aso kong si fifa ang makasama kesa siya. Kaya lang pati siya, iniwan ako dahil nasagasaan siya at namatay.
Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang plato kong wala ng laman dahil ubos na ang pagkain, ganun na din ang desserts.
Naalala ko nanaman kasi yung masasakit na nangyari sakin.
Sana naman sa pananatili ko dito sa paaralang ito ay hindi lang pagkakaroon ng bagong buhay ang maranasan ko.
Sana magkaroon din ako ng masasayang ala-ala.
BINABASA MO ANG
Napoleon
FantasyHindi ko akalaing ang taong mamahalin ko ng totoo ang magbubuhat sa akin sa kapahamakan.