MASK

481 4 0
                                    

Chapter 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 3

Laking pag ka dismaya ng apat nang makitang wala man lang ni anino ng bangka ang naroon. Nag lakad pa ang apat at hinanap sa magkabilaan ng isla ang nakita nilang bangka, sa akalang nag hanap lang ito ng madadaungan. Ngunit tanging Ang malapad at puting buhangin lang ng isla ang naroon.

Tumatakbo na ang Oras, ubos na Ang kanilang dalang supply. Hindi na maaaring manatili pa sila doon ng isang buong araw pa. Muli na naman nag sisihan ang dalawa, Angel at Tony.

"Plano mo itong lahat ano?! Ano ba ang atraso namin sa iyo bakit pinag ti-tripan mo kami?!" Muling pag bintang ni Angel kay Tony.

Sa pagka pikon na itulak ni Tony si Angel at na buwal ito sa buhangin. "Ilang ulit ko ba dapat ipaliwanag sa iyo. Na wala akong alam sa putang inang sitwasyong ito! Kung naiinip ka na. Mas ako. Kasi responsibilidad ko kayo!" Ang galit na sabi ni Tony.

"Ngayon mo ipaliwanag sa amin ang responsibilidad na sinasabi mo! Nasaan na ang susundo sa atin?! Paano mo ipaliwanag ang mga nangyayari? Nawala sina Cris at Kurt nang nawala din kayo. Ano iyon coincidence lang?" Panunumbat ni Angel kay Tony. Pikon na pikon na ito sa mga nangyayari sa kanila.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Sino ba sa atin ang unang nagtiwala kay Hero na iyon? Hindi ba ikaw? Ano ngayon nangyari kina Cris? Si Kurt, diba kinidnap siya ng Hero mo?" Paninisi din ni Tony kay Angel.

"Tama na kayo sa inyong pagsisihan. Wala rin namang maitutulong iyan ngayon. Mas lalo lang tayo hindi makakaisip ng paraan kung patuloy kayong ganyan. Wala sa atin ang may alam na mangyayari ito, kaya huwag tayo mag away." Napaupo na lang sa buhangin si Nicolo, gulong gulo din ito.

"Mga pare, Hali kayo dito. Bilisan niyo!" Biglang sigaw ni Benson na naka tayo malapit sa mga bakawan. Agad na lumapit ang tatlo.

"Tingnan niyo, may mga yapak ng paa dito sa mga buhangin. Bago palang ito. Hindi pa gaanong na bura sa buhangin. At nakita ko ito kanina sa mga bato, malapit doon. Lighter ito mo ito diba pare?" Si Benson at pinakita ang hawak kay Nicolo.

"Sa iyo nga iyan ang lighter pare, ako nag bigay sa iyo niyan diba? Paano na punta iyan dito?" Nagtaka si Tony.

"Hiniram sa akin ni Banjo ang lighter noong nag bonfire tayo. Hindi niya pa naisasauli sa akin yan. At malamang kay Banjo din ang mga marka na iyan.  Dito na siya galing kanina. At bumalik na nang wala din siyang nakita dito." Paliwanag ni Nicolo.

Lihim na nag dududa si Benson kay Nicolo.

"Bumalik na tayo baka nag hihintay na sa atin doon si Banjo. Wala rin naman tayong napala dito." Lumakad pabalik si Nicolo, dismayado ang lahat sa kanilang pag punta sa kabilang parte ng isla.

Libugantes IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon