CULPRIT

651 4 2
                                    

CAPTIVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CAPTIVE

(Kurt's POV)

"Putang Ina, anong kalukuhan ito Hero? Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ni Kurt kay Hero nang makalayo na sila sa tent Nina Angel. Dinala si Kurt ni Hero sa masukal na bahagi ng gubat.

"Pasensiya na pare, pero kailangan ko gawin ito. Sumunod ka na lang sa mga sasabihin ko. Pangako ako ang bahala sa iyo. " Si Hero habang tinatalian ang mga kamay ni Kurt sa likod nito.

"Teka teka, bakit mo ako tinatalian. Bitiwan mo nga ako."pag pupumiglas ni Kurt.

"Makisama ka na lang sa akin pare, para din ito sa inyo. Huwag mo na akong pilitin pang gamitin ito sa iyo." Sabay dinantay ni Hero ang hawak na baril sa batok ni Kurt para pasunurin ito.

"Hayop ka Hero, ano ba ang pinaplano niyong gawin sa amin?" -Kurt.

"Malalaman mo rin. Pero kung gusto mong iligtas ang buhay mo at nang mga kasama mo. Sumunod ka na lang sa gagawin ko sa iyo. At inu-ulit ko ako ang bahala sa iyo. Maki sakay kana lang." Pangumbensi ni Hero.

Naki ayon din si Kurt sa gusto ni Hero sa paniniwalang tutulungan sila nito. Ngunit nang ma itali na nito si Kurt, biglang pinalo ni Hero ng hawak nitong baril si Kurt sa likod ng ulo nito, dahil nang unti unting pagkawala ng malay ng isa.

Iyon ang huling sandali na naalala ni Kurt. Nang magkamalay ito meron na itong piring sa kanyang mata, at may pasak na pinunit na tela sa kanyang bibig para pigilan ang lilikhaing ingay nito.

"Walang hiya ka, hayop ka. Nasaan ka! Ano ang gagawin mo sa akin. Pakawalan mo ako dito?" Mga sigaw ni Kurt, ngunit tanging siya lang ang nakakarinig.

Walang nagawa ang kanyang pag pupumiglas, naka tali ang magkabilang kamay nito sa kanyang likod.

Nakaramdam si Kurt ng pagod sa kanyang ginagawa. Pumirme ito sa isang sulok at nakikiramdam sa kanyang paligid. Pader na bato ang nasa kanyang likod. Maging ang sahig ng kanyang pinag lalagian ay mga bato. Pakiwari nito na nasa isang kuweba siya.

Umayos si Kurt para ihiga ang kanyang katawan. Inilapat sa sahig ng kuweba ang kanyang tenga. Sa ganoong paraan malalaman niya kung may paparating na tao, o kung may kasama ba itong tao sa loob.

Makaraan ang kanyang pag hihintay may lumapit sa kanya. At binulungan ito.

"Tatanggalin ko ang takip mo sa bibig, pero pangako mo. Huwag kang gagawa nang ano mang ingay. Alam Kong gutom kana. Dinalhan kita ng makakain." Si Hero dala ang pagkain para kay Kurt. Marahan nitong tinanggalan ng busal si Kurt. At pina upo ito.

Dinuraan ni Kurt si Hero. At tinamaan ito sa kanyang mukha. Hindi naman umimik si Hero sa tugon sa kanya ni Kurt. Mahinahon parin itong inayos si Kurt sa pagkakaupo. At hinawakan ang dalang pagkain para isubo dito.

"Kainin mo iyan hayop ka. Huwag kang umastang concern ka sa akin. Gawin mo na Ang gusto mong gawin sa akin. Tiyakin mo lang na hindi ako makakatakas dito. Dahil kapag nakawala ako dito. Hahanapin kita at ibabaon dito sa isla kasama ang kasabwat mo." Galit na salita mula kay Kurt.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Libugantes IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon