Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 5 - Gaydans (Part 1)

6.3K 234 119
                                    

Sebastian Lerwick's POV

Nandito kami ngayon sa haydawt ng Yaji islash Roswells islash Blak Organiseyshon.

Yu herd it rayt, ma men. Kami na rin ang namamalakad ngayon sa Blak Organiseyshon simula no'ng mawala na sa landas namin ang mga dating lider nito.

Magmimiting kasi kami ngayon para pag-usapan ang susunod na magiging treyning ng mga bata. Sinamantala na rin namin ang oras na wala pa ang mga bata at abala sa pag-aaral.

Gusto kasi namin na maaga silang matuto para maipagtanggol nila ang mga sarili nila balang araw.

Alam naming hindi basta-basta ang buhay na mayroon kami kaya sigurado kami na maraming mangyayari pagkalipas ng ilang taon o maaaring sa mga susunod na araw lang din.

Hindi dapat mabangasan ang kagandahan at kagwapuhan ng mga anak namin.

Nandito kaming lahat kasama ang mga asawa't anak namin maliban kina Bossing at Ma'am Aemie.

Wala rin dito sina Lee at Ms. Fauzia dahil kasalukuyan silang nananatili pa sa Amerika.


"Bakit ba kailangan pa ako rito?" reklamo ni Ms. Amesyl. Kanina pa iyan naba-badtrip dahil abala raw siya sa mga labahin niya nang parang unggoy raw na lumambitin sa kaniya si Lampe para lang sumama rito.

"Utos ni Mr. Roswell, Babylabs," sagot ng gagong si Lampe nang nakangiti kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Ms. Amesyl.

"Eh kung siya ang utusan kong labhan ang mga labahin ko roon sa bahay, ha, unggoy? Isa ring bungol 'tong asawa ni insan, eh. Ang kapal ng mukhang magpapunta rito, e, siya nga ang wala rito," gigil na sabi niya kay Lampe na ngayon ay parang natatakot sa asawa niya.

Bahagya tuloy akong tumalikod sa gawi nila dahil hindi ko na talaga mapigilan ang matawa. Baka sa akin mabuhos ang inis ni Ms. Amesyl, mahirap na. Si Bossing nga hindi sinasanto, eh, ako pa kaya?

Petengene! Laptrip din talaga minsan 'tong si Ms. Amesyl pero mas madalas na nakakatakot.

Ang alam ko kasi ay bisi ang mag-asawang hayblad. May inaasikaso raw silang importante pero hindi naman nila dinetalye sa amin. Pero sabi naman sa akin ng maganda kong asawa kanina ay may iniwan na raw sina bossing na gagawin. At si Mei ang naatasang magbaba niyon sa amin.

"I think we should get started because we all have other work to do," sadjeschon ni Cassandra.

Nagsitanguan naman kaming nandito at umayos na. Nakapalibot kaming lahat sa isang mahabang konperens teybol at nakaharap sa isang malaking iskrin kung saan ipi-present ang nasa prodyektor.

Tumayo na si Mei at lumapit sa gilid kung nasaan ang teknikal ekwipments namin. Nagsalpak siya ng isang plasdrayb at maya-maya lang ay nagplas na sa iskrin ang treyning plan.

Petengene!

Aliw na aliw ako habang pinapanood iyon. Syur na syur akong si bossing ang gumawa nito dahil pulido at kumpleto sa detalye. Talagang panonoorin mo na lang nang mabuti para maintindihan.

Nang matapos ang bidyo presenteyshon ay tumayo na ulit si Mei sa gitna at nagsimulang mag-ekspleyn about sa bidyo na pinanood namin.

"That plan was created by Mr. Roswell and Ms. Aemie. It was originally meant to be our mission, but I believe they find it extremely easy and think that the kids can do it alone." Nakatitig lang ako sa maganda kong asawa habang nag-e-ekspleyn.

"As stated in the video, their training will be carried out in a cruise ship. And this is not merely their regular training. This is going to be their very first mission. Simply put, there will be more serious and dangerous situations."

Paking dip, ma men! Ang ganda talaga niya. At mas lalo pa siyang gumaganda sa paningin ko kapag nagseseryoso siya. Tumingin sa akin si Mei na nakakunot ang noo.

"Ang ganda mo," wala sa sarili kong sabi.

Saka lang ako natauhan nang may nagpeyk ubo kaya napatingin ako sa mga kasama namin. Nakatingin sila sa akin na para bang sinasabing mukha akong tanga. Ampupu!

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon