Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 12 - Treyning (Part 6)

5.3K 211 73
                                    

Sebastian Lerwick's POV

As yuswal ay nagyayabangan sina Cody at Azure habang nakasunod kay Amber na nauunang maglakad at panay ang bukas ng mga kuwarto.

Pero sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na iyong mishon ang inaatupag nilang tatlo.

"Azure, nakita mo ba iyong babae kanina? Sigurado akong kinikilig na 'yon dahil nakita na ang guwapo kong mukha," sabi ni Cody. Hindi pa rin nito tinatanggal ang sheyds na suot magmula pa kanina.

"Hindi hamak na mas guwapo naman ako sa 'yo," balik na sagot naman ni Azure kay Cody. Nagtatalo ang dalawa sa bawat babaeng dumadaan sa harap nila.

"Walang sinuman ang makahihigit sa isang Cody Lerwick." Inalis nito ang suot na sheyds at inilagay sa ulo at ginawang hedban.

"Puwede n'yo nang maging nanay 'yong babaeng pinag-uusapan n'yo, wengya. Ano, pati sa matanda kumakagat kayo? Palibhasa walang nagkakagusto sa inyo," sabat ni Amber sa yabangan ng dalawa.

"Magpatuli muna kayo, erkey?"

Patawa-tawa ako rito sa isang tabi bago ako napabaling kay Mei na ang sama ng tingin sa akin ngayon.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "A-ang galing nila," kabadong sabi ko at napalunok pa nang ilang beses bago ulit binalingan ang iskrin, pero narinig ko namang nagsalita si Mei.

"Mukhang nagmana talaga sa ama." Napabaling ako sa kanya at nakitang hawak-hawak niya ang sentido niya na parang sakit ng ulo ang dala ng mga sinasabi ni Cody na natural lang ay nagmana sa akin.

"Sis, alam naman natin na sa akin nagmana ang mga anak mo, 'di ba?" sabat ni Lampe kaya napatingin ako sa kanya nang masama.

"Gago mo, 'tol. Hindi naman ikaw 'yong tatay, pa'nong sa 'yo nagmana 'yong guwapo kong anak?" Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"S'yempre naman 'tol, ako 'yong tito, e. Nananalaytay pa rin sa kanya ang dugo ng mga Lamperouge." Nagtaas-baba pa ang mga kilay nito kaya napailing na lang ako at itinutok sa iskrin ang mga mata.

"Mas malakas blad sels ng mga Lerwick."

Ilang saglit pa ay napatutok kaming lahat sa iskrin. Dahil pagbukas ni Amber ng pinto ay sumalubong sa kanila ang samu't saring baril, ammos, paket naybs, plasbam, at iba't ibang klase pa ng bomba.

"Jusko, nandito lang pala," sabi ni Amber kaya nagkatinginan kami ng iba pa naming mga kasama.

"Nandito lang pala? Ano'ng ibig sabihin nitong maarte mong anak, unggoy? Sadyang baril at mga bomba hinahanap niya? Tarantado talaga, eh," mahabang komento ni Ms. Amesyl kaya gusto kong matawa.

"Babylabs!" Wari ko'y hindi na rin alam ni Lampe kung papaano pang ipagtatanggol si Amber dahil pati siya'y pinag-iinitan nito.

"Ibig bang sabihin, Twin Sis, ito talaga ang pakay mo rito sa ilalim ng cruise ship?" 'Di na rin napigilan ng kakambal niyang si Azure na magtanong.

"Heller, mukha bang nandito sa ilalim ng cruise ship iyong pinakamayaman? Duh!" sagot ni Amber sa kanya at saka humarap sa isang salamin na naroon sa istoreyj rum.

"Talagang tarantado, eh," komento na naman ni Ms. Amesyl. Pft!

"Ito akin 'to, at ito, pati ito. Uy! Ang gandang baril nito, akin na rin 'to," pinagsasabit ni Cody ang lahat ng matipuhan nitong baril. Petengene! May teyst talaga sa baril itong anak kong guwapo.

"Mas marami dapat akong makuhang baril." Tumango-tango pa si Azure at dinampot nang dinampot ang nakikitang baril. Kumuha rin sila ng mga bomba at mga bala. Habang ang babaeng anak naman ni Lampe ay tahimik lang sa tabi habang nananalamin. Hindi ito nakikigulo sa dalawang batang lalaki at hinahayaan lang ito sa kanilang gusto.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon