Ang daigdig ang ating tinitirahan, kung saan tayo ay nabubuhay at namamalagi kasama ang kalikasan, kung saan likas na kinokonsumo ng mga tao, hayop, at halaman ang mga naririto, walang pakundangan.
(The Earth is where we reside, in which we live and lie within nature, in which humans, animals, and plants naturally consume what is in it without a plan of stopping.)
Ngunit kahit hindi tayo tumigil sa pag-ani sa kanyang likas-yaman, walang reklamong maririnig sa kapaligiran. Diba hindi nagsasalita ang bundok, lupa, ilog, at kagubatan? Oo wala silang bibig, ngunit hindi nila ito kailangan para ipahiwatig na "Sige lang, kuha lang mga nilalang na nasa aking katawan. Ibibigay ko ang lahat ng mayroon ako dahil alam kong responsable ang
mga ina-alagaan ko, ang sangkatauhan."
(But even if we will not stop on harvesting her natural resources, you will not hear any complains from her. The mountain, the ground, the river, and the forest say nothing, correct? Yes, they d not have a mouth. But they do not need one to tell us "Keep going, reap more from me, o creatures residing within me. I am ready to give anything for you all as I know that these children that I take care of are responsible, and that is humanity.")
Sa loob ng higit sa dalawang milenyo, nakatayo parin ang sibilisasyon. Sibilisasyong nagsimula bago nabuhay ang ating mga kanuno-nunuan. Kasama dito ang mga ninuno nating nabuhay sa takot at pangamba pero nabuhay sila dahil ang talino nila ang kanilang pinaka-kalakasan.
(For more than 2 millennia, Civilization is still standing, the same Civilization that started way before our ancestors was born. This includes our ancestors who lived in fear and dread, but they lived because their intellect was their greatest strength.)
Ngunit doon rin sumibol ang kasamaan, mga kaluluwa rin ay nilamon ng kadiliman. Parang asal-hayop na walang bahid ng kabutihan, nananatili sa planetang ito upang makamit ang personal na kasiyahan. Walang pake sa kahit ano, kahit kanino, kundi sa kanyang sarili.
(But there also arose evil, souls also got enveloped by darkness. Like an animal without any hint of morality, alive in this planet only to achieve their personal satisfaction. They do not care about anything, anyone, except for theirselves.)
At sa mga nagdaang panahon, hindi lang tayo ang sinira ng ating pagiging makasalan, kasama narin ang sarili nating tirahan, ang kalikasan. At alam man natin kung paano natin ito ginawa at sinimulan, hindi natin ito maibabalik sa dati. Hindi rin natin masasabi kung kailan ilalabas ng mundo ang kanyang hinagpis, hinagpis ng binigong ama na ang galit ay binuhos na parang karagatan. Karagatang nabuo upang linisin tayo sa pamamagitan ng kaparusahan, ang natatanging kapalit lamang ay ang ating kamatayan. Dahil sa pagkawala ng pinaka-salarin ng pinakamakapinsalang pwersa ng kasaysayan, kahit anong oras ay ang sarili nitong kuwento ang susulatan nito ng katapusan.
(And as time passes, not only we savaged each other by our sinful selves, this also include our very home, nature. And even if we know how we did and started it, it can not help bring it back to how it was back then. We also can not even predict when will our Earth let out his wrath, the wrath of a disappointed father who's rage rained and poured like an ocean, an ocean which will refine us through castigation. Which in return serves our very demise. As through the disappearance of the biggest culprit of the most destructive force of history, only oneself remains whose story shall she write its ending.)
Kaya huwag nang paabutin sa hangganan ang kanyang pasensya, malapit nga tayo sa kadulo dulohan ngunit hindi pa sa mismong dulo nito. Pwede pa nating bawasan ang ating mga kapinsalaan upang hindi umabot sa punto kung saan wala na tayong babalikan. Tumingin sa hinaharap at isipin mong "Kasama ka sa aayos ng ating kapalaran, at sisimulan mo ito sa kasalukayan. " Magtapon ka lang ng kalat mo sa tamang basurahan, isang ambag na ito upang makamit ang inaasam na kalinisan. Isang misyon kung saan ang bawat taong nabubuhay ay nagtutulungan na gawing mas maayos ang buhay natin at sa henerasyong susunod sa atin. At kapag dumating na ang panahon na iyon, di mo man marinig ay malalaman mong tayo ay kanilang pinasalamatan.
(That's why we should stop pushing her limits, we may be near the end but not in the exact end of it. We can still reduce the damage so we don't come to a point of no return. Look and stare at the future to its very eyes as you think to yourself "You are one of those who'll fix humanity's fate, and you shall start this in the present." As simple as throwing your trash in a proper trash bin, you have made a decent contribution which helps achieve the desired cleanliness/cleanness. It is a mission which involves each and every single human alive help each other reach a future that have a better life for us and the generation that will soon live in this world. And once that future arrives, we might not be there to hear it but you should know that they left us a thanks in their minds.)
YOU ARE READING
Random Literatures
RandomPoems, Stories, Speech, Monologues, Theories, Ideas, anything can be here. Look for whatever you see interesting