Sa edad na 38 ay kailangan kong kumayod para sa aking pamilya. Dalawa na ang anak ko at ang isa ay kailangan pa ng matinding suporta sapagkat mag-iisang taon pa lang siya.
Si Oscar at Arnold, sila ang mga anak ko at si Jessa ang nag-iisa kong asawa.
Nakatira kami sa Sitio Manggahan at simple lang ang may-bahay ko. Kapwa kami highschool graduate at ako lang sa aming dalawa ang nakatuntong sa kolehiyo sa kursong Criminology.
Pero dahil walang pera ang mga magulang ko ay hindi na rin ako nakapagtapos kaya naman tanging pagko-construction lang ang ikinabubuhay namin ng aking pamilya.
Maganda si Jessa at kahit na hindi kami mayaman ay hindi niya pinababayaan ang kanyang sarili, bagay na gustong gusto ko sa kanya.
Napapawi ang lahat ng pagod ko sa construction kapag umuuwi ako at nakikita ko ang aking magandang asawa.
"Pa, umuwi ka ng maaga mamaya, birthday ni Oscar," wika ni Jessa habang naghahanda ng almusal ko sa pagpasok.
Tulog pa ang mga bata kaya't kami pa lang na mag-asawa ang nasa kusina.
"Ganoon ba, sige, susubukan kong magdelihensya mamaya ng pandagdag sa pancit na handa ng anak natin," wika ko habang kumakain.
"Naku, huwag ka nang masyadong mag-alala. Nagawan ko na ng paraan iyan. Ako na ang bahala, at saka, nagbigay rin naman ng kaunting pera ang ninang niya sa bayan kahapon, kaya't eksakto na iyon, pa." Hinimas pa ni Jessa ang likuran ko habang kumakain ako.
"Kaya nga mahal na mahal kita ma, kasi masyado kang magaling sa buhay." Sabay kindat ko sa kanya.
"Mas mahal kaya kita." Sabay kiliti niya sa akin.
Natawa na lang ako saka kami nagpatuloy sa pagkain.
"Oh, mamaya ha? Maligo ka ng maaga," biro ko pa sa kanya.
"Lagi naman akong naliligo," bwelta niya.
"Susundan na ba natin si Arnold?" tanong ko pa.
"Naku, huwag muna sana pa. Mahirap ang buhay. At tingnan mo nga ikaw oh, pagod ka na sa kakatrabaho mo. Kaya nga kung sakaling malaki na si Arnold, susubukan kong mangibang-bansa para man lang makatulong ako," mahina niyang wika.
Natahimik ako sa kanyang sinabi kaya't ipinaalala ko sa kanya ang aking pangako.
"Hindi ba't pangako ko sa'yo na ako ang magtataguyod sa pamilyang ito? Kaya't hindi ka mag-aabroad,ma. Okay?" Hinawakan ko pa siya sa kanyang kamay sabay tingin sa kanyang mga mata.
Hindi na siya sumagot pa sa akin, bagkus ay nagpatuloy na kami sa pagkain.
POBLACION, SAN ISIDRO
Ito ang bayan at sentro ng industriya sa aming lugar. Dito pinatatayo ang isang semi-small kung saan ako nagtatrabaho.
Marami kaming trabahador at isang taon ang kontrata namin upang matapos ang lahat ng ito.
Tatlong buwan pa lang kaya't medyo kaunti pa lang ang nagagwa namin. Kaya naman panay ang pag-uutos sa amin ng aming engineer maging ang may-ari nito na palaging nandito upang magbantay.
"Brad, birthday ng anak ko ngayon, sa tingin mo kaya ay makakabali ako sa boss natin?" tanong ko kay James na kasama ko sa construction.
"Naku tol, huwag mo nang subukan sa engineer natin, masyadong masungit. Diretso ka na lang sa may-ari at baka maawa pa sa'yo. Balita ko, mabait naman daw iyon, kahit na byudo na." Tugon ni James habang naghahalo ng semento.
Tama nga siya, kay Boss Ian na lang ako lalapit mamaya, total, sahuran naman ngayon.
MABILIS lumipas ang oras ngayon ay alas cinco y media na ng hapon. Tapos na ang lahat ng trabaho at nakapila na kami para sa sahuran.
Excited na akong umuwi dahil birthday ng panganay ko, mayroon akong maiuuwing sahod at baka makabali pa ako ng pandagdag.
Nang ako na ang bibigyan ng sahod ay sinabi sa akin ni Engr. Alfonso, 45 taong gulang:
"Conor, di ba't babali ka? Si Boss Ian ang kausapin mo, nasa loob siya ng opisina ngayon," wika niya saka binigyan ng sahod si James na ngayon ay nasa likuran ko.
Kanina kasi, nakausap ko ang boss namin at sabi niya ay ibibigay na lang niya ang babalihin kong pera kapag sahuran na. At ito na nga, pinapupunta niya ako sa kanyang mini-opisina, sa lumang building sa tabi ng ginagawa namin ngayon.
"Tol, mauuna na ako. May motor ka naman," paalam ni James sa akin.
"Sige tol, ingat."
Pagkasabi ko nito ay nagtungo na nga ako sa kabilang gusali, sa second floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Boss Ian.
Wala nang katao-tao doon ngunit nasa labas pa ang kotse niya kaya't natitiyak kong naroon pa siya. Siguro ay mayroon lang talagang inaasikaso.
Bago ako kumatok sa pintuan ay nag-alangan ako dahil pawis na pawis ako ngayon, bilad sa araw at hindi presentable na pumasok sa kanyang opisina.
Pero wala nang oras, pinapupunta niya ako dito kaya't hindi na ako mahihiya pa.
Kumatok ako at ilang saglit lang ay binuksan niya iyon.
"Boss, pinatatawag niyo raw po ako," nakangiti kong wika.
"Conor, hindi ba?" pagkumpirma niya.
"Opo boss."
"Pasok," wika ni Boss Ian.
Sa tantiya ko ay nasa edad 45 na rin siya at mas matangkad nga lang ako ng mga limang pulgada. Sa pagkakarinig ko ay dalawa ang kanyang mga anak at dalaga na rin ang isa. Biyudo na siya at wala rin naman akong naririnig na kasama niya o kaya'y nililigawan.
Pagpasok ko ay nahiya ako sa suot kong butas butas na pantalon, lumang t-shirt na ginawang sando at ang isang bag ko na naglalaman ng ilang mga pinagbihisan ko mula sa pagtatrabaho.
Naupo siya sa kanyang swivel chair at nakatayo ako sa kanyang harapan.
"Boss, bali iyon po palang sinabi ko kanina ay ..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"Heto ang pera, nariyan na ang sahod mo." Inilapag niya ang 15,000 pesos sa mesa.
Ang tantya ko ay nasa tatlong libo lang ang sahod ko ngunit heto at nakapagtatakang bibigyan niya ako ng 15,000 pesos.
"Boss, ang laki po nito, hindi ko po agad mababayaran ito,boss." Wika ko sabay lapit sa kanya.
"Sahod ngayon hindi ba, Conor?" Tumingin siya sa akin direkta sa aking mga mata.
"Opo, boss."
"Ayan, pinasasahod na kita."
"Pero boss, masyado pong malaki ito."
"Huwag kang mag-alala Conor, mabilis mo lang iyang pagbabayaran."
"Hindi ko po alam kung..." hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko.
"Basta't pasahurin mo rin ako," aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano iyon ngunit nakapagtataka.
"Paano po iyon Boss?" tanong ko.
Itinapat niya sa akin ang isang babasaging baso na sa tingin ko ay ininuman niya ng red wine dahil may bote ng alak sa tabi at saka siya sumandal muli.
Nagtaka naman ako kung para saan iyon.
"Para saan po ito?" tanong ko.
"Para sa sahod ko," aniya.
"Paanong..."
"Isahod mo riyan ang tamod mo. Bilang kabayaran sa 15,000 pesos na ito."
Nabigla ako at hindi makapagsalita sa sinabi niya.
"B-boss?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Narinig mo naman hindi ba? Isahod mo riyan ang katas mo. Ngayon na."
At dahil nasilaw ako sa pera, hinawakan ko agad ang buckle ng belt ko at tinanggal iyon.
Bahala na.
BINABASA MO ANG
KALAGUYO - RATED SPG
RomanceAng akala ni Conor, pag nakapasok siya sa construction na kanyang in-applyan, magkakaroon siya ng pera upang makabili ng gatas ng kanyang kambal na anak. Ngunit pagpasok niya sa construction site, siya ang magagatasan ng kanyang among si Fabian na...