Prologue

213 4 0
                                    

'Bakit sa dami dami ng tao sa mundo na naghahanap nang taong katulad nila, eh sa ibang tao napapadpad? Kailangan ba talaga sa taong ka opposite mo ikaw mapunta?'

"hoy Isabel! Gumising ka na! Papasok ka pa!" sigaw ni nanay. Agad namang nagpagising ng diwa ko.

Syempre nag ayus muna ako ng hinigan ko, tsaka inasikaso ang mga gamit na gagamitin ko, nang matapos ako ay agad na akong naligo at nagbihis.

"nay! Anu ba naman tong sapatos na binili niyo sakin!? Ang panget panget!" pag kababa ko palang eto agad ang bungad sakin. Si Andrea ang pangalawa kong kapatid.

"oh bakit? Anung problema? Maayos pa naman ah? Tsaka tsamba nga ako dito sa ukay-ukay kahapon eh biruin mo bente lang binenta sakin yan" sabi ni nanay. Na mas lalong kinagalit ni andrea.

"ah nay una na po ako ah, baka po kase malate pa ako" sabi at nag bless kay nanay. At tsaka umalis na.

Hindi ko alam kung bakit ganun si andrea, kung sabagay sa aming magkakapatid ako lang raw ang naiiba. Sabi ng mga kapitbahay namin ako lang raw ang may itsura, at talino pati magandang ugali.

"isabel!! Watch out!!!" sigaw sakin ng nag iisa kong kaibigan si Denise. Lilingun pa sana ako nang may mabilis na kotseng dumasn sa tapat ko, nang naging dahilan ng pag talsik ng putik sa uniporme ko. Galit kong tinignan ang kotse at tinandaan ito.

"bwiset yun ah! Akala mo kung sinong mayaman! Masama naman ang ugali!" gigil kong sabi

"isabel naman kase tumingin tingin ka rin sa dinadaanan mo sometimes pwede? Tara na nga baka malate pa tayo sa school!" sabi sakin ni denise, at sumakay kami ng tricycle papunta sa school.

St. Matt elementary school yan ang pangalan ng school ko, biruin niyo nakapag aral ako sa private school? Talino lang naman yan nuh.

"isabel bakit ang dirty, dirty ng uniform mo? And so smelly pa eww!" bungad sakin ni trisha, hay naku kaartehan alert!

"tara na friend! Ignore mo nalang, dali papahiramin kita ng bagong uniform!" denise. At pumunta sa kanyang locker. Buti nalang may kaibigan akong ganito kahit papaano.

"friend eto--omy! Ang gwapo!" denise.

Napatingin ako sa taong tinitignan niya, at nakita ko yung lalaking gwapong sinasabi niya, gwapo nga kaso mukhang bad boy,..

"sige denise kunin ko na to ah then palit na ako, dyan ka muna ah" sabi ko dito at dali daling umalis na.

Nang makapag palit ako agad akong nakalabas ng may marinig akong kinagalit ko.

"grabe you're unbelievable! Nagawa mong talsikan yung babae kanina ng putik? Seriously? Kase ayaw mong malate lang?" sabi nung lalaking isa sa lalaking sinabihan ni friend na gwapo.

"well its not my fault kung tatanga tanga siya." sabi pa nito.

" kung tanga ako, eh anung tawag mo sa sarili mo, masama ang ugali. Alam mo sayang ka eh, gwapo ka, kaso yung ugali mo lang eh" sigaw dito.

"and who are you do say that to me?" galit nitong tanung sakin.

"ako? Ako lang naman yung babaeng pinag uusapan niyo ng kaibigan mo!" sabi ko dito. Nakita kong na patawa naman ito.

"ah kaya ka pala nagagalit, eh mukhang okay ka na naman eh" sabi pa nito.

"oo nga, tsaka miss di mo ba kilala tong kinakausap mo?" sabi naman sakin ng kaibigan niya.

Na nginitian ko ng super laki.

"yes, i know him. He is beast, yung pogi na naging panget dahil sa kasamaan ng ugali niya! Kaya alam mo kung hindi mo babaguhin niyang ugali mo papanget ka din!!!" sabi ko dito at umalis.

From that day, ang daming nag bago, na kickout ako sa school dahil nakita ni ms. Principal ang video na sinasabihan ko ng bad si beast, syempre bawal yun, and lalo na sa millionaire's heir ng mga Tan. Kaya ayun kailangan kong mag raket para makapag aral ako uli, at para narin makatulong kay nanay.


Pero kahit anung mangyare hinding hindi ko talaga makakalimutan yung Beast na yun.

Beauty is dating The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon