Sa loob ng isang linggo nagbago na ang tahimik kong pamumuhay sa school. Well hearttrob na nga, crush pa ng bayan! At hindi pa dun nag-tatapos ang kalabaryo ko, sa tuwing mag cross ang path namin, lagi niya akong nginingitian, binubwisit, at higit sa lahat pinapakilig.
Face palm, panu na toh? Pano kung mahulog ako? Hindi pwede! Ayuko! Masakit magmahal ng isang beast!
"hi beauty!" bati sakin ni beast.
Hindi ko siya pinansin kahit super gwapo niya today!
"ang sungit mo naman ngayon, di bale maganda ka pa rin!" sabi naman nito.
" pwede ba! Tigilan mo ko! Wala kang makukuha sakin!" sabi ko sa kanya
Ang gago nginitian ako.
" alam kong wala akong makukuha, kase hindi naman yun ang gusto ko." sabi nito.
Anu raw?
"alam mo bahala ka na sa buhay mo! Mag rugby ka pa more ah" sabi ko at umalis na. Kaso sinundan ako nito.
"anu ba--" hinili niya ang kamay ko, para mapaharap ako sa kanya. Kaso sumakto ang lips ko sa lips niya.
First kiss ko!!! Hindi pede!!! Napupumiglas ako kaso ang higpit ng hawak niya sakin.
"wait, stay still ka lang." bulong na sabi sakin nito.
"oh my gosh! Faye look si terrance at si isabel!!" rinig kong sigaw ng isang student.
Nang pasimple kong tignan ay nanlaki ang mata ko, at tumigil na sa pagpupumiglas. Si Faye Euphy Sanchez, ang Campus Queen. Sheet! Gulo toh!!!!
"good job! Beauty!. Sa tingin mo nag selos siya?" sabi sakin ni beast
Ewan ko pero bakit parang nakaramdam akong galit at ...sakit?
"gago ka ba?! Hahalikan mo ko, kinuha mo ang pagka birhen ko, para lang pag selosin ang ibang babae? Gago ka ba?!" sigaw ko sa kanya at saka tumakbo paalis.
Ang sakit, ganito pala pag--
"anu ba yan!!! Kanina pa ah!! Friday the 13th ba?! Kaasar na ah!" galit kong sabi sa taong nakatapon ng coke sakin.
"sorry miss, nag mamadali kasi ako eh. Tulungan nalang kita para okay na tayo." sabi sakin nito.
"okay? Okay? Anu ka feeling close? Eh hindi nga kita kilala tapos okay na tayo" sabi ko nang hindi ko pa siya tinitignan.
"haha you're funny" sabi nito tsaka tumawa. Aba naka rugby din?
"hoy manong....manong anu.. Ah" nawala ang asar ko sa kanya ng makita ko ang itsura niya. Si christian grey ba toh?
"yes? Ms beautiful." sabi nito.
Umuulan yata ng mga gwapo ngayon sa manila. Bakit hindi ako nainform ng PAGASA.
"ah, wala never mind mo nalang." sabi ko sabay yuko, syempre nakakahiya kaya.
"hey, its okay, by the way, i am Caiden Sebastian Torres. And you are?" sabi naman nito.
"isabel nalang. Ah pano sige una na ako ah" sabi ko at dali daling naglakad paalis.
Shet nakakahiya! Bakit mo ba kase siya sinigawan? Eh kase bad trip ako, pero kahit na!!!! Ahhh turn off yun sa kanya!!!