Ang Montecillo University ay isang prestihiyosong paaralan na siyang pinapasukan ng mga estudyanteng nakakaangat sa buhay. Pangarap na makapag-aral ng lahat dito pero iilan lang ang pinapalad na makapasok.
Sa MU, may tatlong paraan para makapasok ka. Una sa lahat, kabilang ang pamilya mo sa tatlong porsyento na mayayaman sa bansa at nagbigay sila ng kaukulang donasyon para sa unibersidad. Sa ikalawa naman ay maaari kang makapag-aral kung may kamag-anak ka na nagtatrabaho sa loob ng Montecillo. At ang huli ay isa ka sa masuwerteng napili na pagkalooban ng scholarship.
Ginto, Pilak at Tanso. Labanan ito kung gaano kayaman at kalakas ang pamilya mo. Mas malaking donasyon na ibibigay, mas maraming pribilehiyo ang matatanggap mo.
Si Giovanni ay isang estudyante sa kolehiyo na nangangarap na makapag-aral sa Montecillo University para tuparin ang pangarap niyang maging isang abogadong tagapagtanggol. Simula bata pa lang ay pangarap na niya ito sa kadahilanang napagbintangan ang tatay niya sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Galit siya sa mga tagausig sa hukuman dahil wala itong ibang ginawa kung hindi ang idiin ang papa niya para lang maisara na ang kaso.
Sa lugar na pera at koneksyon ang mahalaga, paano magagawa ni Gio na makipagsabayan sa lahat? Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya? Magagawa kaya niya na makatagal sa lugar na ito? Magtatagumpay ba ang isang tulad niyang nangangarap na makapag-aral at malinis ang pangalan ng tatay niya?
Nagsimula na ang panibagong taong panuruan. Kumapit ka nang mahigpit para hindi maiwanan. Maraming rebelasyon ang magsisilabasan. Handa na ang Montecillo University. Ikaw, nakahanda ka na ba?
•
•
•Emergo, Montecillo!

BINABASA MO ANG
MU SERIES: THE CHASING EPITOME
Teen FictionSi Giovanni ay isang estudyante sa kolehiyo na nangangarap na makapag-aral sa Montecillo University para tuparin ang pangarap niyang maging isang abogadong tagapagtanggol. Simula bata pa lang ay pangarap na niya ito sa kadahilanang napagbintangan an...