Chapter 1

15 1 2
                                        

Giovanni 

Paulit-ulit na sigawan ang naririnig ko sa isang kanto malapit dito sa paaralang pinapasukan ko. Halos magkumpulan na ang mga estudyante dahil sa nabubuong away. Kahit kailangan talaga, basta may away, ang daming nakakasagap.

"Hayop ka! Hindi ka ba talaga madadala? Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo na akin lang si Tristan? Akin lang siya! Kaya kung ayaw mong masaktan, layuan mo siya," nanggigigil na sigaw ng isang babae.

Umagang-umaga pero ito kaagad ang bumungad sa akin. Unti-unti akong lumapit sa mga nagkukumpulang estudyante at bahagyang sumilip para makita ang nangyayari.

"Ano ba! Huwag ka ngang malikot. Sandali nga, umusog ka muna. Tabi! Gusto ko ring makita," naiinis na bulungan ng mga babae sa harapan ko.

Pasimple kong tinulak itong lalaking nasa unahan ko at bahagyang tumingkayad. Sa wakas, nakikita ko na rin. Medyo mainit sa pakiramdam pero ayos lang. Gusto kong malaman kung anong nangyayari.

"Sisiksik para sa tsismis!"

"Ano bang pinag-aawayan nila?"

"Grabe, palaban si Ate!"

Sunod-sunod na bulungan ang naririnig ko at ang iilan sa kanila ay talagang ginagatungan pa.

May dalawang babaeng nagsasabutan at kapuwa magulo na ang buhok nila. Bakas sa mukha ng isa ang matinding galit na tila may masamang ginawa ang kaaway niya na hindi niya kayang palampasin. Ano kayang nangyayari?

Bahagya akong nagulat at kasabay nito ang hiyawan ng mga nanonood nang mabilis na binigyan nang malutong na sampal ng babae ang nananabunot sa kanya. Grabe, hindi ko inaasahan 'yon.

"Ayan ang nababagay sa malanding katulad mo. Walang sa 'yo Leona, hindi mo pag-aari si Tristan. Hindi siya gamit na p'wede mong angkinin. Tigilan mo na ang kahibangan mo. Umagang-umaga, nananaginip ka," mariing giit nito at akmang tatalikod nang biglang hatakin ng babae ang buhok niya.

Mas lalong dumarami ang mga nanonood dahil sa tensyon sa pagitan ng dalawa. Sinasabi ko na nga ba, basta may sabutan, siguradong lalaki ang pinag-aawayan. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

"Ang suwerte naman nitong si Tristan para pag-agawan."

"Sila ba ni Leona?"

Hindi na maipinta ang mukha ni Leona dahil sa sinabi ng babae. Nanggigigil na siya at hindi na kayang pigilan ang sarili sa sobrang galit. Mas lalong umiinit ang ulo niya dahil sa tapang na ipinapakita ng babaeng kaaway.

"Kerida! Malandi! Hipokrita! Sa tingin mo ba maloloko mo ako? Kilala na kita Patricia, puro kalandian ang alam mo. Alam kong ginagamit mo lang si Tristan dahil sa pera niya. Papansin ka, para kang linta na dikit nang dikit sa kaniya," buong lakas na sabi niya at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ni Patricia.

Malakas ang pakiramdam ko na si  Leona talaga ang mabuti rito. Halata naman kasi sa kilos at pananalita ni Patricia na lahat ng gusto niya ay kailangang makuha.

"Papayag ka ba ro'n, Patricia? Laban!"

"Hindi naman pala siya sa 'yo! Mang-aagaw ka pala!"

"Grabe, wala naman pala kayong relasyon."

"Assumera ka, Leona!"

Tila hindi naman nagustuhan ni Patricia ang naririnig at buong p'wersang tinanggal ang nakakapit na kamay sa buhok niya.

Sinasbi ko na nga ba na ito ang gagawin niya. Mas lalo sìyang magmumukhang mahina kung hahayaan niya lang si Leona. Kung wala siyang ginagawang masama, hindi siya dapat matakot. Pero mukhang siya naman talaga ang nagsimula ng away.

MU SERIES: THE CHASING EPITOMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon