Giovanni
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa park. Inaasahan ko na itong mangyari pero ang hirap pa ring tanggapin na wala na akong pag-asa. Ano na ang gagawin ko?
"Bakit ba kasi ang taas ng pangarap ko? Mahirap lang kami, bakit ba hindi ko na lang ito tanggapin? Monteccilo University, mukhang hanggang pangarap ka na lang talaga," mapait na bulong ko bago ibagsak ang katawan sa upuan ng seesaw.
Tirik na tirik ang araw pero nandito ako at nakaupo habang pilit na isinisisi sa tadhana ang lahat. Hindi talaga patas ang mundong ginagalawan natin. Marami ang mga nagpapakasaya sa pera nila pero paano naman ang mga tulad naming hindi pinagpala?
"Ano ka ba naman, Gio. Matanggal nang sinabi sa iyo ng mama mo na huwag mong kunin ang law dahil hindi niyo kaya at wala kayong pera. Ang tigas kasi ng ulo mo, nagpupumilit ka pa," naiinis na bulong ko sa sarili.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at unti-unti kong nararamdaman ang panunubig ng mata ko. Gusto kong maging maging lawyer simula bata at pinangako ko pa sa sarili na aabutin ko 'yon ano man ang mangyari. Pero paano na ngayon, anong gagawin ko?
Ang sakit lang isipin na hindi ko na p'wedeng tuparin ang pangarap ko dahil wala kaming pera. Ang hirap tanggapin.
"S-Sinong nariyan? May tao ba?" naniniguradong tanong ko nang may marinig akong mahinang pag-iyak malapit sa inuupuan ko.
Dahan-dahan akong bumaba sa upuan at unti-unting sinundan ang tunog. Ang akala ko kanina ako lang ang nag-iisang tao rito sa park dahil pasado alas onse na rin ng umaga.
"T-Tristan..."
Mas lalong lumalakas ang iyak nito habang palapit ako nang palapit sa slide. Sigurado akong may tao sa likod noon. Hindi ako p'wedeng magkamali.
"T-Tristan, bakit ba kasi siya pa? Alam mo naman na ginagamit ka lang niya. N-Nandito naman ako..." mahinang sabi nito.
Unti-unti akong umikot sa slide at tama nga ang hinala ko, dito nanggagaling ang mahihinang pag-iyak na naririnig ko kanina. At sadyang maliit nga ang mundo dahil ito ang babaeng pinapanood ko kanina sa may kanto.
"Ang buong akala ko pa naman, ako lang ang nag-iisang may sayad na iiyak dito sa park kahit na tirik na tirik ang araw. Tingnan mo nga naman, mukhang mali ako," seryosong sabi ko habang papalit sa harapan niya.
Bahagya siyang natigilan nang mapansin ang presensya ko. Ilang segundo niya akong tiningnan at pagkatapos nito ay muli niyang iniyuko ang ulo at nagpatuloy sa pag-iyak. Ano bang problema niya?
"Ang suwerte mo naman dahil may panyo ako sa bulsa ngayon. Kunin mo, alam kong kailangan mo 'yan. Huwag kang nang mahiya dahil hindi ko pa naman 'yan siningahan. Kunin mo na," bulalas ko pagkatapos ilahad ang kamay at iabot sa kanya ang panyo.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Gaano ba kalaki at kabigat ang problema niya para umiyak? Ako nga dapat ang umiiyak sa amin ngayon.
"Uupo ako, ah."
Muli ay hindi niya pa rin ako pinansin kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na umupo sa tabi niya. Bahala na kung madumihan pantalon ko.
"Ano bang nangyari at umiiyak ka rito nang nag-iisa? Iniisip mo ba si Tristan? Magkuwento ka at makikinig ako. Hindi tayo magkakilala kaya puwede mong sabihin sa akin dahil hindi kita huhusgahan. It's better to talk to stranger, 'di ba?" muling sabi ko at sa pagkakataong ito ay bahagya kong hinaplos ang buhok niya.
Hindi pa rin siya umiimik. Hindi ko na alam kung paano ko ba siya matutulungan. Handa naman akong pakinggan ang kuwento niya dahil baka may malaking problema siyang pinagdaraanan.
BINABASA MO ANG
MU SERIES: THE CHASING EPITOME
Novela JuvenilSi Giovanni ay isang estudyante sa kolehiyo na nangangarap na makapag-aral sa Montecillo University para tuparin ang pangarap niyang maging isang abogadong tagapagtanggol. Simula bata pa lang ay pangarap na niya ito sa kadahilanang napagbintangan an...