No one believed me

58 6 16
                                    

Warning: Rape and violence. Read responsibly.

_//_//_//_//_//_

Samantha's pov

"BREAKING NEWS: Laganap sa bayan ng Isidro ang pagkawala ng mga babaeng nasa edad 13-19 anyos. Ayon sa mga otoridad ay wala pa rin silang nalalakap kung bakit at paano sila nawala-"

Napailing nalang ako dahil sa kalokohan ng kaibigan kong si Yen pinrank ba naman kami na may parang sumusunod sa kanya kaya nataranta talaga kami ng bonggang bongga. Halos utusan ko na nga ang Tricyle Driver kanina na paliparin yung sinasakyan namin kanina nung papunta kaming dalawa ng isa ko pang kaibigan na si Elora, sakto kasing mag kasama kami nung tinext niya kami. Kaso nung pag dating namin sa kinalulugaran niya ang naabutan namin ay ang tumatawang Yen na parang wala nang bukas nakarating pa sa mga pamilya namin ang kalokohan niya dahil nga sa taranta at pag aalala namin ni Elora ay nasabi namin sa kanila kaya ayon lahat kami inis sa kanya na tinawanan lang ng loka.

Napahinto ako nang may lumipad na Flyer sa harapan ko kaya pinulot ko yon at tinignan.

Nakaramdam naman ako ng awa sa bagong babae na nabiktima ng suspect sa pagkawala ng mga dalagita. Maganda siya, lahat naman ata ng mga nawawalang babae ay may masasabi ang itsura.

Nag patuloy ako sa pag lalakad dito sa may kadilimang iskinita wala masyadong napapadaan sa banda rito dahil malayo pa ang mga kabahayan dito at tsaka may daanan doon sa kabila papuntang terminal na kadalasang dinadaanan ng mga tao, napili kong dumaan dito dahil mas malapit rito ang terminal ng mga sasakyan at dahil narin sa mag aala siyete na ng gabi napatagal kasi ang pag sermon namin kay Yen dahil sa kalokohan niya.

Nakaramdam ako na para bang may sumusunod sakin, sa totoo lang ay kanina ko pa ito nararamdaman, na para bang may nag mamasid sakin. Kinabahan ako dahil ako lang ang mag isa ngayon hindi ko kasama si Elora dahil dumiretso na siya sa bahay ng kaklase niya dahil may gagawin daw silang research at doon narin daw siya mag papalipas ng gabi. At bukod sa mag isa ako nasa madilim at hindi mataong lugar ako, sumigaw man ako ng tulong alam kong imposibleng may makarinig sakin. Kinakabahan na ako kaya pasimple kong inabot ang cellphone ko at umaktong parang wala akong nararamdamang sumusunod sakin nag kunyari rin akong may ginagawa sa cellphone pero sa totoo lang ay hinahanap ko ang number ni Elora

To: elora ubod ng ganda.

bes, feel kong may sumusunod sakin. anong gagawin ko?

*/sent

Hinintay kong mag text sakin pabalik si elora sakin. At lalo kong naramdaman ang tensyon ng atmospera ng paligid nung naramdaman ko na parang bumilis ang lakad niya base narin sa naririnig kong ingay ng natatapakan na basura sa gilid kaya binilisan ko din ang pag lakad ko. Nang naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko ay nanginginig ko itong tinignan.

From: elora ubod ng ganda

Wag ako be, busy ako. si Yen nalang ang pag tripan mo hmp.

Nakaramdam ako ng panlulumo sa sagot niya sa akin. Kaya dali dali akong nag reply.

To: elora ubod ng ganda

elora... hindi ako nag bibiro. please, sinusundan niya parin ako. natatakot na ako.

*/sent

Naiiyak na ako pag ka send ko sa kanya non at feeling ko ay hindi niya na sasagutin ang text ko na yon kaya gamit ang nanginginig kong kamay ay nag text ako kay Yen.

To: yen-tot

yen, tulungan moko natatakot na ako. nandito ako sa eskinita na dinaanan natin nakaraan. may sumusunod sakin, please

One-shot storiesWhere stories live. Discover now