Prologo

9 1 0
                                    




Prologo

Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang isang tao ay hindi mabubuhay ng walang kaibigan?

Masasaktan sila, iiyak, at madudurog ang mga puso pero nagagawa pa rin nilang magmahal muli.

Ano ba ang kagandahan sa pagmamahal ng ibang tao bukod sa sarili mo?

Hindi ba't sakit lamang ang makukuha mo sa kanila, dahil makikilala mo sila, magiging malapit kayo sa isa't isa, makakahanap siya ng iba tapos iiwan ka na.

Hindi ba sila nagsasawa sa routine na ito? Hindi ba't mas magandang magbuklat na lamang ng libro at ibigin ang taong hindi naman totoo?

Araw-araw man nilang sabihin na hindi totoo ang mga tao dito ay iisa lang naman ang dahilan kung bakit at papaano ka nila masasaktan, ang pagiging taong laman ng iyong isipan.

Sa lahat bagay sa buong mundo, hindi lang naman tao ang magpapasaya sa 'yo.

Ano ba ang magagawa ng pagmamahal bukod sa pagpapaiyak nito sa mga tao?

May sira ba sa ulo si Kupido at pinapana niya ang taong hindi naman tinadhana ang mga puso?

Malabo ba ang mga mata nito na pati ang pagpana ay hindi sakto?

"Sehana!" napabalikwas ako ng tayo ng may marinig pa akong isang boses sa aking isipan, Sehana...

Siya pala ang babaeng matagal ko nang naririnig ang mga sinasabi tungkol sa pag-ibig.

Tila isang misteryo sa akin kung bakit ayaw niya na umibig sa isang tao.

Nasaktan na ba siya noon ng sobra na siyang dahilan bakit ayaw na niyang umibig pa?

Ngunit ang pinakamalaking katanungan na nabubuo sa aking isipan ay sino..sino si Sehana at bakit ko naririnig ang boses niya, ang nasa isip niya, ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Anong koneksyon ko sa kaniya at bakit ganito lagi ang nasa panaginip ko tuwing ako'y matutulog.

Sino ka ba Sehana?

"Hindi ko alam, Eros. Sapagkat hindi naman akong purong diyos na katulad mo, magtanong ka sa iba baka alam nila ang kasagutan d'yan." Napabuntng hininga ako ng marinig ang sagot ni Eion, hindi ko maintindihan kung ako lang ba?

Dapat ko na bang tanungin si Ina?

Paano kung masama ang nangyayari sa akin at hindi dapat ito nangyayari sa isang diyos na katulad ko?

"Naniniwala ka ba sa soulmate, Eros?" tanong ng isang nympa na kasama namin sa pagpupulon, "Siyempre naman naniniwala ka doon, ikaw si Kupido 'di ba?" natatawa pang dagdag nito, "Sa tingin ko ay kung sino man ang Sehana na ito ay soulmate mo, hindi naman masama sa isang diyos ang magkaroon ng soulmate, hindi ba? Iyon ang pinakamalapit na kasagutan sa iyong tanong. Naririnig mo siya dahil siya ang other half mo. Alam mo naman siguro ang kwento noong una hindi ba? Na ang mga tao ay binuo ng na dalawa ang ulo, apat ang kamay, apat ang paa na may dalawang kasarian, kaya may isang diyos na hinati ang mga ito at pinaglayo ng lugar, kumbaga sa hahanapin nila ang isa't isa sa paglipas ng panahon, sa mga lugar na tatahakin nila para mahanap ang taong iyon ay mahuhulog ang damdamin nila sa iba't ibang tao, ang akala pa nga ng iba ay nahanap na nila ang totoo nilang kabiyak ngunit hindi pa pala ito ang mga iyon kaya patuloy ang reincarnation, hanggang hindi nila nahahanap ang totoo nilang kaiyak ay patuloy nilang hahanapin ang isa't isa na walang memorya o walang alam kung anong hinahanap nila ngunit alam ng puso nila na may hinahanap sila, siguro ganito rin ang kaso sa iyo. Naririnig mo siya dahil diyos ka at hindi normal na tao, naririnig mo siya dahil nabubuhay na siya sa taong ito. Siguro ay gano'n nga, dahil matagal ka na naman na nabubuhay ngunit nitong mga nakaraan mo lang ito naririnig siguro ay tumuntong na ang soulmate mo sa edad na labing-anim na taon ng kaniyang buhay."

"Ngunit akala ko ay si Eros lamang ang tanging diyos na hindi maaari na magkaroon ng nararamdaman sa isang mortal?" tanong ng kaibigan kong nympa na si Celeste.

"Iyon din ang pagkakaalam ko, hindi ba Eros?" napatango na lamang ako sa mga tanong nila.

Hindi ba't wala akong nararamdaman na kahit ano mang damdamin na tulad ng aking Ina at ng iba pang diyos?

"Nakakainis ka naman kasi, Sehana. Sinabi ko na sa iyo na maghanap ka na ng totoong tao hindi 'yung puro libro ka na lang at 'yung blondie na nasa panaginip mo." Saad ng isang babae na kasama ni Sehana, pansin ko lamang na lagi niyang sinesermunan si Sehana pagdating sa libro niya at mga lalaki.

"Ayaw ko nga kasi, nakakakilig ang mga tao sa libro tapos kapag totoong tao ay nakakadiri na at 'yung tao sa panaginip ko na si blondie ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha, hindi ko alam pero ramdam ko 'yung koneksyon ko sa kaniya."

"Ang panaginip ay hanggang panaginip lang, huwag mong asahan na totoong tao si Blondie. Nagsimula lang naman iyan noong nagdiwang ka ng ikalabing-anim na kaarawan, you're 19 na ngayon turning 20 tapos umaasa ka pa rin na totoo iyang si Blondie."

"Hindi naman ako umaasa na totoo si Blondie, at kung totoo man siya imposible naman na magustuhan niya ako at mas lalong imposible na magustuhan ko siya. Kung magkakagusto man ako sa totoong tao mas gugustuhin ko pang saksakin na lang ang sarili ko, nakakadiri."

"Hihintayin ko talaga ang araw na kakainin mo ang mga salitang lumalabas sa bibig mo ngayon, tatawanan ka namin once na nalaman namin na nai-in love ka sa isang Blondie."

"Whatever. If mai-in love talaga ako sa isang tao hindi ko ma-imagine ang sarili ko, grabe trauma lang din naman ang ibibigay niyan."

"Nako, kung naririnig ka man nung Blondie sa panaginip mo tatawanan kita, Sehana." Natatawang saad ng isang babae.

"Oy, ngumingiti si Eros, naririnig niya siguro ang boses ni Sehana." Hindi ko namalayan na may ngiti na palang naka paskil sa aking mga labi, hindi ko inaasahan na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Napalingon naman kaming lahat ng biglang tumayo si Celeste.

"Ay wala, selos iyon." Natatawang biro ni Eion.

Selos? Bakit naman maninibugho si Celeste at bakit?

Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Eion sa aking balikat, "Huwag mo na pansinin si Celeste, ikaw ba naman pangakuan na papakasalan sa pagtanda." Natatawang biro nito.

"Huwag ka kasing mangangako sa isang tao—este sa isang nympa, Eros. Sinasaktan mo ang damdamin ni Celeste 'e.

"Nangako ba ako na siya ang makakasama ko sa habang buhay noong bata pa lamang kami?"

"Ibig mo bang sabihin ay nung bata pa lang siya at nabubura na naman ang iyong mga alaala noong nakalipas na isang daan na taon? Oo, nangako ka sa kaniya."

"Pero bakit naman niya seseryosohin?"

"Ito ang tatandaan mo Eros, kaya namin na makalimutan kung anong kukuhanin namin sa isang silid na pinuntahan namin pero may mga bagay kami na hindi nakakalimutan, alam namin kung saang lugar, anong oras, sino ang nagsabi at kung ano ang sinabi ng isang tao."

Nang matapos ang asaran at usapan namin ay napagdesisyunan ko na itanong ito sa aking Ina.

Nakita ko siyang nakatingin sa kawalan habang hawak ang isang rosas, "Naparito ka, Eros. May kailangan ka ba sa akin?"

"May nais lamang akong itanong, bakit may isang tao na laging nasa aking panaginip at lagi kong naririnig ang tinig sa aking isipan, Ina?"

Napansin kong nanlaki ang kaniyang mga mata, at unti-unting may nabuong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Siguro ay nangyayari na." Saad nito nang humarap sa akin, "Sa tingin ko ay ito ang pinaka nakakatakot na taon na mararanasan mo, anak. Mangyayari na ang nasa propesiya, isang malaking pagbabago ang magaganap sa mundong ito at sa mundo ng mga tao."

"Pagbabago? Anong propesiya?"

"Isang anak ng Diyosa

Iibig sa isang mortal

Babaeng ipinanganak sa buwan kung saan unang tumubo ang mga rosas,

Babago sa mundo na hindi inaasahan.

Ang kaniyang pagdating ay kasusuklaman,

Pagmamahal na nais ay hindi masusuklian"

Pagmamahal? Hindi masusuklian? May pag-ibig bang hindi kayang suklian?

The Lost ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon