Chapter 4

14 1 0
                                    

A/N:
may new character na naman dito. Si Robin Padilla- as Reuben Padilla, sya ang isa sa mga guard sa barko.

Reuben's pov.

Naka-on duty ako bilang isang gwardiya sa barko ng mapansin ko ang isang lalaking iba kung kumilos. Paikot- ikot lang ito sa loob ng barko na animoy nagmamasid o may hinahanap. Pero iba talaga ang kutob ko sa lalaking ito. Parang may masamang balak ito kung tititigan ng mabuti.

Palihim ko na lamang itong sinusundan kung saan ito magtutungo.

Hanggang sa laking gulat ko nang makita itong sinecheck ang isang klase ng bomba na nai-set nya na.

"Confirmed may masamang balak ka nga!" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa lalaki. Dali kong binunot ang baril at tinutok sa kanya. Itinaas naman nito ang dalawang kamay.

Kinuha ko ang posas pero bago ko man magamit iyon sa kanyang kamay ay pinagsusuntok na ako nito. Pambihira ang galing pala nito mangarate. Whata! Tang*na bat ba ako nagpadalos dalos, ako tuloy itong nakadapa habang tinututukan ng baril. Huwat! Pano nya naagaw ang baril? Pag minamalas ka nga naman oh.

"Wala ka ng magagawa, palibot ng bomba ang barkong ito!" Sabi sakin ng lalaki at agad akong binatukan dahilan para makatulog ako. RIP self. Naiwanan ka sa tabi ng bomba. Huwag naman sanang magutay-gutay laman ko dito. Sige tulog muna ako. Bye.

Luisa's pov.

"Heh! Sungit dyan kana nga!" Pag-iwan ko sa lalaki. Ang sungit pala nun, sana di nalang ako lumapit.

Medyo saddy face akong naglalakad. "Gwapo nga, ubod naman ng sungit." Bulong ko na tiyak na maririnig parin nung lalaki dahil sinadya kong lakasan ng kunti.

"Ano?!" Sabi na nga ba maririnig eh.

"Wala sabi ko, gusto ko lang makipagkaibigan kaso ang sungit mo!" Sagot ko dito.

"Hindi yan ang narinig ko!" Sabi naman nito.

"Eh... yung gwapo ba? Joke ko lang yun. Yung totoo ampangit mo talaga" pang aasar ko.

"Ah talaga!" Ani nito. "Oo." Ngiti ngiting sabi ko. Medyo inis na nga talaga yung lalaki, nahahalata sa expression ng mukha. Haha.

"Umalis ka na nga lang!" Inis na ngang sabi nito.

"Ok bye." Then I smiled. Haha. Bat ko ba pinagtitripan yung hilong-hilong lalaking yun. Pero infairness nasisiyahan ako sa kanya.
.
.
.
Pero panandalian lang ang sayang iyon. Napalitan din agad ng pangamba at pagkagulat dahil sa mismong pagtalikod ko ay isang malalakas na pagsabog ang naganap sa loob ng barko.

Yumayanig ang barko, parang lumilindol, pero ito ako tulalang nakatayo lang habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang hiyawan ng mga taong naguunahan palabas ng barko.

Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Anong nangyayari? Anong gagawin ko?


Lance's pov.

Isang pagsabog ang naganap sa loob ng barko ang nagpawala ng hilo ko. Anong nangyari?

Halos sa iba ibang parte ng barko ang sumabog ng sabaysabay. Mabilis ang pagkalat ng apoy, ang barko ang lumilindol at ilang saglit pa ay maaari na itong lumubog.

Lahat ng taong sakay nito ay natatarantang naguunahan palabas. Ang ilan sa mga ito'y naisipan nang tumalon sa dagat.

Napabaling ang tingin ko sa babaeng kanina ay kausap ko lamang. Hindi ito makagalaw sa kinatatayuan nya kaya dali ko itong pinuntahan.

"Hoy! Tara na!" Sabi ko dito. Napatingin lang ito sakin at bakas sa mukha nito ang takot.

Hinawakan ko ang kamay nito at Hinila pero pinigil nya rin naman. "Anong gagawin natin? Tatalon?" Tanong nito.

"Malamang." Bilis na sagot ko. "Hindi ako marunong lumangoy!" Sabi nito. "Ih kesa naman masunog ka."

"Pero..."

"Wag nang maraming sinasabi. Talon na!"

At sabay nga kaming tumalon ng dagat.


#LoveInParadise
Author Missy

Love In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon