Kung Wala Kang Gagawin
Habambuhay kang magiging tagahanga
Nakaabang sa bawat pagdating niya’t pag- alis
Gigising ka sa bawat umaga
Nang walang ibang nais kundi ang sundan siya
Mananatili kang isang usisero
Na nakamasid lang lagi at nakatanghod
Hindi ka aalis sa likod niya
Na para bang alila ka ng isang artista.
Isipin mo
Kung hindi ka kikilos
Magiging mas malungkutin ka
Dahil kahit nandiyan ka
Di ka naman niya nakikita.
Mas napapansin pa niya ang mga halaman at poste
Mas nararamdaman pa niya ang malamig na hangin
Baka mas may kiliting hatid pa ang ambong dumampi sa balat niya.
Alam mo
Hindi mo naman kailangang biglain
Higit na mas kapana- panabik ‘pag ginawa mo nang dahan- dahan
Hindi mo rin kailangang magmadali
Baka matakot naman siya sa ikikilos mo
Simulan mo sa paminsan- minsang pagtango
Kumustahin mo ang bawat umaga, tanghali, hapon at gabi niya
Ipakita mong lagi kang interasado sa mga ginagawa niya
Kung naiiyak na siya,
Bigyan mo ng panyo pero hayaan mo lang
Kapag masaya naman siya
Samahan mo sa pagtawa
At makinig ka lang lagi sa bawat kwento niya.
Dalawa lang naman ang maaaring mangyari
Ang palarin ka’t swertehin
O ang malugmok ka at malasin
Hindi madali ang sumuong sa ganitong laro.
Wala rin itong pangakong magandang bukas.
Tanging ang Diyos lang
Ang nakaaalam kung ano ang pwedeng mangyari.
Bagaman walang sigurado sa gagawin mo
Hindi ka tatandang tinatanong ang sarili mong,
“Paano kung may ginawa ako?”.
BINABASA MO ANG
Alam mo?
PoetryKung Wala Kang Gagawin Habambuhay kang magiging tagahanga Nakaabang sa bawat pagdating niya’t pag- alis Gigising ka sa bawat umaga Nang walang ibang nais kundi ang sundan siya Mananatili kang isang usisero Na nakamasid lang lagi at nakatanghod Hind...