KABANATA 01

31 2 0
                                    

Palabas palang ako sa 7 eleven ng biglang bumuhos ang malakas na ulan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Palabas palang ako sa 7 eleven ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. May mga ilang students din ang nagtakbuhan para makahanap ng masisilungan yung iba naman pumasok sa loob para sumilong at yung iba nag stay lang sa labas kagaya ko.

Pinanoud ko yung mga sasakyan sa harapan ko, since friday at oras ng uwian ng mga studyante at mga empleyado punuan ang mga jeep. Rush hour na rin tapus malakas pa yung ulan kaya pahirapan sumakay yung mga iilang students. May mga ilang matapang na sumugod sa malakas na ulan makauwe lang.

Naghintay ako saglit na baka huminto ang ulan, wala kase kung dalang payong tsaka malapit lang naman yung dorm ko dito kaya pwedeng takbuhin ang kaso sobrang lakas naman ng ulan. Buti na lang talaga wala akong pasok ngayon, mahigit 2 weeks palang naman ako sa school kaya nag aadjust pa ako. Malapit lang din sa school yung dorm ko kaya hindi hussle umuwe.

Naghanap rin kase ko ng trabaho ngayon, pauwe na sana ako kaso naalala ko wala na palang stock sa dorm kaya dumaan muna ako sa 7 eleven para bumili ng pagkain ko. Masyado kaseng mahal yung mga pagkain sa loob ng school kaya sa labas na lang ako bumibili.

Napatingin ako sa mga lalaking palabas ng 7 eleven, agaw pansin sila dahil sa lakas ng ingay nila. Mas rinig ko pa ata ang tawanan nila kesa sa ulan. Mukang naghaharutan sila at inaasar yung isang barkada nila.

Maliit lang yung space sa labas ng 7 eleven, kaya medyo umatras ako sa likod dahil anim sila at baka mabangga ako kung di ako tatabi.

"Ex kase ni Nixon yung judge kaya na ligwak tayo e." Sabay tawa ng isang lalaking may dalang drum stick.

"Dapat binalikan mo muna tsaka tayo nag audition e." Asar pa ng isang lalaki may dala namang gitara. Nagtawanan naman sila na tila walang pake sa paligid nila.

"Gago di ko naman alam na isa siya sa mga magiging jugde, edi sana may comeback!"

Napairap na lang ako dahil sa ingay nila at binalewala yung presensya nila. Ang malas naman kase kung kailan pauwe na tsaka naman bumuhos yung malakas na ulan hindi tuloy ako makauwe.

"Ang tagal naman ni Seymour! Saan niya ba pinarada yung van?" Napatingin ako bigla sa lalaking nasa tabi ko lang. Tamad na nakatingin siya sa mga kasama niya, kita sa kanya yung antok at pagod, napansin ko din na siya lang yung tahimik sa kanila dahil panay ang ngisi lang niya.

"Chill bro dinaanan niya pa si Kamilla, on the way na yun." Sagot naman ng isang kasama niya.

"I'm tired!" Namamaos na sabi niya. Bahagya niyang inayos yung magulo niyang buhok at binasa ang mga labi niya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's wearing a faded plain white shirt, black ripped knee jeans and pair of white Nike shoes.

ButterfliesWhere stories live. Discover now