Chapter I

40 5 4
                                    

"Ivy Meah, iiwan na kita dito at 'yong mga habilin ko, huwag na huwag mong kalilimutan. Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali." May tono na pagbabanta na habilin ni Mama bago umalis.

"Opo, alam ko po. Ingat kayo, Ma." *kiss* Pamamaalam ko kay Mama sabay halik sa pisngi at yakap bago n'ya ako iwan.

Nandito ako ngayon sa napili kong boarding house na tutuluyan ko sa aking buhay kolehiyo. Actually, hindi naman ako totally ang pumili nito dahil ni-recommend lang ito ng pinsan ko na nakakakilala sa may-ari nito. Hindi na ako tumanggi dahil maganda naman, simple at ligtas ang lugar.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit napatingin ako sa bakanteng higaan, double deck ito samantalang solo sized kama ang akin. May dalawa pa nga pala akong makakasama sa kwarto na ito ngunit sabi ni Tita Myla na s'yang namamahala nitong bahay baka bukas o sa isang araw pa sila darating. All girls ang bahay na ito na s'yang ayon na ayon naman sa'kin *smirk*.

[ALARM CLOCK]
"I DON'T KNOW WHO LOVES ME
AND I DON'T CARE IT'S A WASTE ANYWAYS
A ROMANTIC FEELING THAT SCARES ME A BIT
SWEET AND BITTER CHOCOLATE
THE TASTE AT THE END IS ALWAYS THE SAME
LIKE SADDEST MOVIES
THERE'S ONLY A TEAR AROUND MY EYE
I KNOW, THE SWEET LOVESONG THAT WORD OF PLEDGE
WHEN YOU TURN BACK THAT FAMILIAR SOMEONE
SORRY I'M AN ANTI-ROMANTIC
I WANT TO RUN AWAY FAR-"

Padapa kong kinapa at pinatay ang aking cellphone dahil nag-alarm lang naman ito at naantala ang aking beauty rest. Ugh! Napakusot ako sa'king mga mata, nakatulog nga pala ako matapos kong ayusin ang aking mga gamit. Hmm, what time is it? 5:40 P.M. ahhh yes, yes! Of course, it's time for sunset viewing.

*click* Photography is one of my habits I've been loving since I learned how to capture moments.

Ahhh~ Iba talaga ang dating sa akin ng paglubog ng araw *smiles*.

Nakakatuwa lang dahil two storey itong bahay at itong balkonahe dito sa second floor na ang paborito kong parte nito dahil nakapaperfect ng spot na 'to for relaxation while watching the sunset. Ang sarap lang tambayan, perfect!

"Looks like we made it
Look how far we've come my baby..."

Huh?! Sino 'yung kumakanta? Akala ko ba ako pa lang mag-isa ang nandito ngayon dahil hindi pa dumadating ang mga magiging housemates ko? Dala ng kyuryusidad sinundan ko ang boses ng kumakanta kasabay ng himig ng gitara.

Dito ako napunta sa tapat ng kabilang kwarto at dahil sa sobrang pagtataka sumilip ako sa nakabukas na pinto.

Napatigil ako nang makita ko ang isang babaeng may katamtamang haba ng buhok, matangkad, morena, simpleng manamit na naka denim short lang at oversized T-shirt habang pikit matang kumakanta habang tumutugtog ng kulay krema na gitara. Okay IM, that's a lot of checking!

Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa higaang double deck nang bigla niyang imulat ang kanyang mga mata at biglang napalingon sa akin. Bigla s'yang nataranta at biglang napatayo. Shaks! Natakot ko yata.

"Hmm hi?!" Nasabi ko na lang. Halata pa rin ang gulat at taranta sa hitsura n'ya habang nakaharap sa'kin dito sa pinto. "Sorry, naabala yata kita." Medyo napapahiya ko pang pagpapaumanhin. Hindi pa rin s'ya umiimik at nakatingin lang sa'kin kaya ipinagpatuloy ko ang pag-i-explain. "May narinig kasi akong kumakanta, na-curious ako kasi akala ko wala pa akong kasama dito sa bahay kaya sinundan ko ang boses mo." Pagpapaliwanag ko nang biglang mag-vibrate ng cellphone ko *buzzzzz buzzzzz*, may tumatawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Kissed a Girl (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon