Chapter 2

2 0 0
                                    

[Kei's Pov]

"Ohmy,i can't wait Yams.Sana mas nadagdagan yung pogi ngayon kesa nung nakaraang taon"irit na sabi ni Max.Juskoo,Tong bruhang to lalaki lang talaga inaatupag.Paano kaya ang gaganda magiging future nito??

"Ayan.Diyan ka magaling Max eh.Kaya lagi kang napapagalitan ng Dad mo kasi lalaki lang inaatupag mo imbes na pag-aaral mo.Siguro naman ngayon seseryosohin mo na pag-aaral mo kasi graduating na tayo diba?"tanong ni Shanice.Ms.Word of Wisdom.Hindi naman katulad ng ibang babae diyan si Max.Hindi siya yung tipo na nagpapagamit.Mahal niya daw yung pagkakabae niya kaya wag daw kami mag-alala pero kahit na malay mo naman diba??Mahirpa na.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Max.Juskoo.Mukang na-sesense kong di pa magseseryoso to at parang mas lalala pa.

"Max,umayos ka ah.Kapag talaga hindi ka naka-graduate.Bahala ka iiwan ka na namin."sabi ni Shanice.Si Shan yung nagsilbi naming pinakamatandang ate.Lahat kasi kami ay only child lang kaya kami na rin yung nagtutulungan.

"Don't cha worry Yams.Anong silbi ng pera namin kung hindi gagamitin??"proud na proud na sabi ni Max.Bruha talaga to.

"Tsk.Tsk.Hindi lahat ng gusto mo nabibili ng pera Max.Tandaan mo mas masarap pa din sa pakiramdam yung talagang mismong pinagpaguran at sipag tiyaga ang naging puhunan mo."paliwanag ni Shan.

Napasimangot si Max.Nagkakaganyan lang yan kasi alam niyang tama na naman si Shan.What a word of wisdom nga naman?Hehehe.

Napansin na lang namin na nadito na pala kami sa tapat ng school.Pati ang natutulog na diwa ni NaiDy ay ginising na din namin.Juskoo.Puyat na puyat ang bruha.Nanonood na namon siguro to ng anime kagabi.Ahh by the way,nakatira nga pala kami sa isang bahay lang.Ni request ko yun sa Dad ko para hindi kami magkahiwa-hiwalay.Pumayag din naman si Dad kasi gusto niya rin daw na maging independent kami.So ayun same house same academy.Hehehe.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa Royal Academy,tilian kaagad ang mga estudyante.Pumapangalawa ang grupo namin sa mga sikat dito sa buong academy.Sino ang nagunguna??Sino pa ba edi yung grupo ni Rain.Tsk.

Nginitian lang namin yung mga estudyanteng bumati samin.Hindi plastic na ngiti kundi totoong ngiti.Mas masarap sa pakiramdam yung tunay ka sa kanila kesa hindi pagpapakatotoo.Nasa kalagitnaan kami ng pagalalakad sa corridor ng school namin ng biglang may tumulak samin kaya ang ending nagkandadapa-dapa kami dun sa may gilid.Leche.

"Owww,Hi beautiful girls!"mapang-asar na bati ni Rain.Ngumiti rin ako ng pagkatamis tamis.Tss.

"Hi,Mr.Rain Niccolo Villanueva"i said in husky voice.Kinagat ko din ang ibabang labi ko para damang dama.Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero nawala din iyon at napalitan ng nakakalokong ngiti.Sht.

"Wow.Di ko akalain na magagawa mo yun ha.You are really amazing"sabi niya sa tapat ng tenga ko.Ang init ng hininga niya para bang nakikiliti ako.

"Lahat kaya kong gawin kaya pwede ba tigil tigilan mo na ang pagpapansin samin."diin kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya at lumapit sakin.Habang lumalapit siya sakin ay siya namang pag-atras ko.Naramdaman ko yung malamig na pader sa likod ko.Shet.Dead End.

"Natatakot ka na ba Ms.Buenavista??Umpisa palang ang larong to kaya wag ka munang sumuko.Nag-eenjoy pa ko eh"sabi niya.Ahh,so ganon.Gusto mo ng laro ah.Pwes,pagbibigyan kita.Sana wag mong pagsisihan sa huli dahil mas masakit tong ibibigay ko sayo.

"Matatakot na ba ko??Bukod sa mukha mo ano pang nakakatakot sayo??"sarkastiko kong sabi .Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko,Yung tipong,isang galaw mo lang eh magtatama na yung mga labi namin sa isa't isa.Shet.Ayoko siyang maging first kiss.Yuck.

Love or Hate (Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon