48. The scene that didn't make it (Wounded)

775 74 71
                                    


The whiff of nicotine spun my head around just in time to catch him making a beeline for me.

The healing of this wound is underway. Yet here I found myself flaying the scabs of an ancient injury. Unti-unting luminaw ang usok na nagpapalabo ng tanaw ko sa kanya na papalapit sa akin. Watching him on his way, the eye of the purpose directed only to me, the ball of anticipation pounced and left scratches like a wild beast raging inside my chest. But to feel the slow ripples of the floor beneath my feet, it's as if I am the one who's on my way... to him.

May pumigil sa kanya sa gitna ng paglapit. Lumalim ang dikit ng kilay nang binalingan ang kaibigan.

It was one of those nights; Smokes, booze and songs he tags me along with him every after gigs. Bago sumalang sa entablado, pinapatabi kay Charlie para bantayan lalo na ang pag-inom. Kada matapos naman ay kay Charlie rin ako hinahanap.

For the life of me, I couldn't seem to tell what made me pull my camera and aligned my left eye on the lens, like an eclipse. For some strange reason, I couldn't grasp what was about the night that made me capture him.

"Angelov!" A distant echo of my voice.

Awang ang bibig niya akong binalingan. At sa isang sambit ko sa kanya, agad niya akong nahanap kahit nakatago ang aking mukha sa likod ng camera.

I took a polaroid photo of him. A stolen shot. His lips are parted and a faint surprise etched on his semi-sober face. May sigarilyo sa kanyang kamay na isusubo pa lamang yata niya nang tinawag ko siya. He looked like a 90's dream boy aesthetic. Sa namumungay na mga mata gawa ng bumabalot na usok o ang sadyang malabong film ng litrato, nakaangat ang isang kilay niyang may matulis na arko na nagpapasuplado pa sa kanyang itsura.

"Ano iyan?" He drawled as he drew himself towards me, leaving one of his guest's talking mid-sentence. Nadepina ang gaspang sa boses dahil kakaubos lang ng pangatlong bote ng beer at katatapos lang din ng dalawang sigarilyo.

Nilagay niya ang hindi nagamit na sigrailyo sa kanyang tenga saka binalot ang braso sa aking baywang, niyayakap ako patagilid.

"Ikaw." I showed him the polaroid film.

"Hmm..." he hummed. He's in the middle of his drunken chuckles when he buried a kiss on my hair just at the side of my head. Humahalik siya habang inaalay ang buong bigat ng katawan sa paghilig niya sa akin. Before a groan could escape from me, he caught my hand and purposefully dragged me in the middle of the crowd. Nahawi ang mga tao sa pagdaan namin dahil maingay din si Angelov.

"Kunin niyo na lahat, 'huwag lang 'to!" Lasing niyang deklara at tinuro ako. "Mamamatay akong ipaglalaban 'to kaya tangina niyong lahat!"

Every cheer flaring up from the throats of his friends was fuel pouring more heat on my already blushing face.

"Ang possessive mo, gago! Wag masyadong sakalin, brad!" hagalpak ni Charlie. "At huwag itali. Hindi manok iyan!"

Angelov turned his face to me in an intentional slow motion. May kahulugan na agad sa titig niya hindi lang dahil sa lumalamlam na mga mata, kundi sa pailalim niya akong tinitigan. Tumutusok ang dila sa loob ng pisngi habang may pagpipigil sa ngiti. The look that never fails to rouse the biting shivers and feverish anticipation.

"Paano ba 'yan?" Mas umangat ang dulo ng kanyang labi at marahang binalot ng kamay niya ang aking leeg. "Gusto niyang sinasakal, e. Mild nga lang."

Sasabog na yata ang mukha ko sa pagtagas ng liyab habang bumibingi sa akin ang hiyawan ng mga tao roon. Binalot ako ng akbay ni Angelov saka itinago ang mukha ko sa dibdib niya na ramdam ko ang pag-alog dahil sa kanyang halakhak. With his lazy chuckles, I felt him kiss the top of my head.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY RANDOM POESIESWhere stories live. Discover now