Kabanata 39

4.5K 86 6
                                    

" SANDALI! SANDALI LANG VONN!"

Malakas na sambit ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig pa din sa direksyon ni Valerius. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang pilit na pinipigilan si Vonn sa paghila sa akin papasok sa van. 

Nanatili ang mga mata ko kay Bali. "B-bitawan mo muna ako, Vonn! "

Mas lalo kaming dinudumog ng tao kaya't wala na akong nagawa nang tuluyan na akong nahaklit ni Vonn sa bewang. Sinarado agad ng security ang van. 

Agad naman na tumingin ako sa bintana para silipin ulit si Bali pero wala na ito roon. Wala na roon ang nakaparada kaninang motorsiklo.

Ilang beses akong kumurap pero talagang walang tao roon. Am I imagining things? But... it feels so real! I can't just be imagining things! 

Alam ko... alam ko na nakita ko talaga siya. 

"Cassandra? Are you alright? Hinihingal ka. " 

Napalunok ako ng mariin bago inalis ang tingin sa bintana ng van. Hawak-hawak ko na ang aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Para itong nabuhay ulit pagkatapos ng ilang buwan. 

Hinawakan ni Vonn ang pisngi ko na ikinakibot ko. I simply smiled at him as he slowly removed his hand from my cheeks. 

" I'm okay... k-kinabahan lang sa dami ng tao."

Vonn locked his gaze on me for a few moments before offering me an opened bottle of water. Nilagyan niya iyon ng straw at itinutok sa bibig ko. "Drink this para kumalma ka. Your hands are cold."

Hindi na ako nagsalita at uminom nalang ng tubig para pahupain ang malakas na kabog ng dibdib ko. I've definitely seen him, right?! Si Valerius 'yon! 

We've been together for years, and I know every inch of him. Kahit singit no'n alam ko!

I'm sure it was my Bali.

The whole ride, I was preoccupied. Nakalimutan ko na yatang masakit ang katawan ko dahil sa labis na pag-iisip. Hanggang sa maibaba ako sa condo ay tulala lang ako. Ni hindi ko na napakinggan pa ang schedule ko na sinasabi ni Amira.

Tahimik na bumaba ako sa elevator at naglakad sa tahimik na hallway ng condo. Tinanggal ko na ang suot kong shades at balabal. Wala naman nang makakakilala sa akin dito. 

This floor was private. Pinili talaga ni Bali na dito ang unit namin. He wanted privacy for us.

I slowly punched the numbers into the lock, and I bitterly smiled when I saw it was our anniversary date. November 21. 

1-1-2-1.

I slowly opened the door, and the unit's typical silence greeted me. 

As I took off my sandals, I let out a heavy sigh. I slid my bag onto the couch and walked over to the refrigerator for a glass of water.

My stomach began to growl, and all I can think about right now is eating. Bigla yata akong naglaway nang maisip ang asado siopao ng 7 eleven. Ang problema ko lang ay paano ako makakapunta doon nang hindi ako nakikilala. I can't just walk right in there.

Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ako kaso hindi ko talaga natiis. I badly wanted to eat that asado siopao! Naiimagine ko na agad ang lasa sa bibig ko kahit hindi ko pa nahahawakan.

I dashed into my bedroom, looking for anything to wear in my closet, but all I found was Bali's familiar black hoodie. I couldn't stop myself from feeling a sharp pain in my chest. Kinuha ko iyon at kahit malaki ay isinuot ko pa din.

Hanggang hita ko ang haba no'n.

Nagpalit ako agad ng damit para kumportable. I just wore normal shorts and just the hoodie. .  I tied my hair into a bun inside para hindi mainit. Uuwi din naman ako agad. Pupuslit lang ako ng alis kahit alam kong bawal akong pumunta sa mga pampublikong lugar.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon