prologue

289 15 0
                                    

"ikaw lagi mo nalang pinapahiya ang pamilya natin, bakit hindi mo nalang gayahin si Mika. Mabait at talentado hindi katulad mo na kahihiyan lang ang dala"galit na sigaw sakin ng aking ina.

"Sor--"bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap na ako ng malakas na sampal at kasabay nun ay ang pagbuhos ng aking mga luha.

"Puro ka nalang sorry, alam mo kung anong magpapagaan ng aking loob ha" sabi sakin ni ina pero iyak lang ako ng iyak.

"Magbago ka, hindi yung lagi mo nalang pinapahiya yung pamilya natin at alam mo sana hindi nalang kita pinanganak at nung pinagbubuntis pa lamang kita ay sana pinalaglag na kita" sigaw ulit sakin ni ina kaya napatingin ako sa kanya na umiiyak.

Napakasakit hindi sobrang sakit hindi ko na kaya.

"Hindi ko naman po hiniling na mabuhay eh".sigaw ko pabalik sa aking ina pero nakatanggap ulit ako ng isang malakas na sampal.

"Yun na nga eh hindi mo hiniling pero nabuhay ka parin"galit na sigaw sakin ng aking ama kaya napatingin ako sa kanya na kadadating lang at nakita kong kasama nya ang aking kapatid na si Mika, nakayakap sa kanya si Mika habang umiiyak. Ako din po ama, yakapin nyo din po ako.

"A-a-ama"naiiyak kong saad kay ama.

"Bakit mo sinira ang mga gamit ni Mika at sinagot sagot mo pa yung ina mo" galit na sabi nya sakin.

"Wala po akong sinisira"umiiyak kong sabi sa aking ama pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Sinungaling, alam mo bang mahal ko ang mga gamit ko, inalagaan ko yun pero  sinira mo lang" umiiyak na sabi ng aking kapatid na si Mika, dinaluhan naman agad sya ni ama at ina.

Tumingin sakin si ina ng masama bago inalo si Mika na tumahan na.

"Tahan na Mika ibibili ka nalang namin ng bago okay"sabi ni ina kaya lumabas na ako dahil ang sakit na sobrang sakit.

17 years old palang ako pero ito na agad yung nararanasan ko, anak din naman nila ako ah pero bakit hindi nila ako mabigyan ng konting atensyon, mabait ako pero hindi nila yun makita dahil yung atensyon nila ay nakay Mika, gusto ko makaramdam ng pagmamahal ng magulang pero wala, wala akong matanggap o naramdaman.

Yung lalaking mahal ko gusto si Mika, puro nalang mika, ayoko na please kunin nyo na ako.

Pagkatapos kong umalis ng mansion namin ay tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nadapa ako at tumama yung ulo ko sa bato.

"Sa wakas" yan ang huling sinabi ko bago magdilim ang aking paningin.


________________________________¢

Reincarnation of Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon