9

183 4 0
                                    

I really like it when my mom got angry at me before. Masayang masaya ako kapag nagagalit si mommy sa akin kasi nakukuha ko ang atensyon niya but today is different. Ibang iba kasi napaiyak ko na siya at alam kong masakit itong lahat para sa kanya.

"I told you to stay away with boys kung hindi ka pa seryoso sa relasyon pero anong ginawa mo? Nagpabuntis ka at umuwi ka ditong mag-isa! Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo Lerha! Hindi man ako naging mabuting ina sayo pero hindi ako nagkulang sa pangangaral sayo alam mo yan!"

Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa sinabi niya.

I know that I put all the blame on my mom because she is not a good mother to me pero gaya nga ng sabi niya ay hindi siya nagkulang sa pangangaral sa akin. Lahat lahat ng pangaral na pwede niyang sabihin ay sinasabi niya sa akin pero ako itong hindi iyon sineseryoso kasi akala ko hindi iyon mangyayari sa akin. Now eto ako ngayon sa sitwasyong wala akong kasiguruhan kung makakaya ko bang panindigan. It's my own doing at kung nahihirapan na ako ngayon palang ay walang ibang sisisihin dito kundi ang sarili ko. Hindi si mommy at mas lalong hindi si Raige.

"Anak please..stop crying. This is not good for you." Papa said at pilit akong pinapatahan pero mas lalo akong humagulgol nang hinigit ako ni mommy para yakapin ng mahigpit.

Thats was very unexpected for me because I know that mom never cared for me eversince before.

"Stop crying sweetheart. Mom is here and I'm sorry for everything that I've said. I'm so sorry..naghalo halo na kasi lahat ng problema sa utak ko at hindi ko pa aakalain na ganito ang mangyayari sayo." She said and she even called me sweetheart na madalas niyang itawag sa akin noong bata pa ako.

"M-mommy..I'm sorry.." parang bata kong sambit at yumakap sa kanya habang umiiyak.

"It's okay sweetheart. No need to say it again and I know that this is hard for you but I am here. Me and your papa is here for you anak. We love you so much. Hindi ka namin pababayaan and starting from now ay susuportahan na kita sa lahat ng gusto mong gawin. We are here okay hmm?"

Hearing this from her feels so surreal and it calmed me and my heart so much. I really need this today and my mom is finally giving me this kind of treatment.

"Y-yes mom..thank you..thank you so much." I said as I hugged her so tight.

Akala ko ay mag-isa kong haharapin ang pagbubuntis ko ngayong hindi ko sinabi kay Raige ang kalagayan ko pero hindi kasi nandito si papa lalong lalo na si mommy na hindi ko aakalain na magiging maayos na ang pakikitungo sa akin.

After that day na nagkaharap at nagkausap kami ay lagi na niya akong inaalagaan. She's making time for me para maguide niya ako sa pagbubuntis ko and she's making sure also na hindi ko nakakaligtaan ang nga gamot na kailangan kong inumin.

Matagal ko itong pinangarap na mangyari and now it is really happening. Nawalan man ako ng matalik na kaibigan ay bumalik naman ang mommy ko sakin.

Those longing for a mothers care and touch that I am seeking from her fades away and replaces by her undying motherly love. I'm so thankful right now.

Now I'm wondering if I can be a good mom too with my child.

"I'm sorry if I can't give you the complete family that you deserve. But don't worry, hindi ko man pinlano na dumating ka sa buhay ko ay masaya parin ako. Masayang masaya at aalagaan kita sa abot ng makakaya ko kahit wala ang daddy mo. Mahal na mahal kita ngayon palang baby." I said habang hinihimas ang malaki ko nang tiyan.

I'm already in my seventh month of pregnancy at limang buwan na simula nang iwan ko si Raige.

During my first trimester ay sobrang nahirapan ako lalo pa at maselan ang pagbubuntis ko. Lagi ring hinahanap ng sistema ko si Raige lalo pa at siya yata ang pinaglilihian ko. Sobrang miss na miss ko na siya pero wala akong magagawa kung hindi ang makuntento sa mga pictures naming dalawa noon.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nawala ang taong napakahalaga sayo. Halos buong buhay ko ay kasama ko na siya noon. He's my bestfriend after all pero dahil sa pinili kong iwan siya ay nalulungkot tuloy ako ngayon. Tsaka..alam kong galit na yon sa akin at alam kong ayaw na niya akong makita pa.

Hindi ko nga alam kung magkikita pa ba kami lalo na at nasa Canada na ako ngayon kasama sina mommy. They migrated here at isinama nila ako kasi ayaw nilang mag-isa ako sa Cebu. Hindi ko na kasi muna binalak na pumunta ng Italy dahil nga sa pagbubuntis ko pero dito naman ako napasama sa kanila.

Matagal na pala kasi nilang plano na magmigrate dito sa Canada at hinintay lang nila akong matapos sa pag-aaral para makasama nila ako which papa insisted but it got moved dahil nga nawala ako ng ilang buwan. Papa is a half Filipino and half Canadian kasi at dito talaga siya lumaki sa Canada. He's a Surgeon at nagmigrate kami dito para imanage niya ang hospital ng family nila.

"Mom I'm tired and hungry tsaka pwede bang tama na yang kakabili ng mga damit at kung ano ano pa para sa baby ko? This is all too much!" Reklamo ko sa kanya kasi sobrang napapagod na ako ngayon kahit kaunting lakad lang.

Mom is really excited for her first ever grandchild at nang malaman niya kasing babae ang gender ng baby ko ay bumili agad siya ng madaming mga damit at kung ano ano pang gamit ng bata. Then ngayon nga ay isinama niya ako dito sa city para maglibot libot at ito nga at bumili na naman siya ng kung ano ano.

Iniwan na nga pala niya sa isang pinsan ko ang negosyo namin kasi nga dito na kami mamumuhay sa Canada kasama si papa at ang kapatid ko. Matagal na nga raw niyang planong igive-up ang pagmamanage doon kaso lang ay wala pang gustong pumalit sa kanya noon.

"Sorry sweety, I just can't help it. Come on. May alam akong magandang kainan natin." She said at sumunod lang ako sa kanya.

Buti nalang at hindi namin dinala si Laile kung hindi ay nagtatuntrums na yon ngayon.

Malapit lang ang restaurant kaya hindi rin ako napagod sa paglalakad.

"I'll just go to the restroom sweety. Dito ka lang muna." Tumango lang ako sa kanya at habang naghihintay ng pagkain namin ay tiningnan ko muna ang social media ko.

While busy scanning the feeds ay nakita ko ang post ng pinsan ni Raige habang kasama siya. He looks different in here at malayo ang masiyahing mukha niya noon sa ngayon. Ganito ba siya kaapektado sa  pagkawala ko or may iba pang dahilan? Napakalungkot kasi ng mukha niya dito sa picture.

I'm so pre-occupied with what I am doing thats why nagulat nalang ako nang may biglang humalik sa ulo ko. Nang lingunin ko naman ito ay agad sumilay ang ngiti ko sa mukha.

"Brail! You're here! You're not busy?" I asked as I kissed him on his cheeks then hugged him so tight.

"Nope and I missed you thats why I'm here."

Mas lalo naman akong napangiti nang sabihin niya yon. This guy.

He is Brailzon Lance Craig, ang lalaking walang ibang ginagawa kung hindi ang alagaan at pasayahin ako ng husto. Pareho sila ni Papa sa totoo lang at hindi maipagkakailang mag-ama sila. He's my stepbrother na hindi ako itinuring na iba. Tunay na kapatid na kasi ang turing niya sa akin simula nang magkakilala kami two years ago.

"Awwee! I missed you too big brother! Ilang araw kang free ha? Baka hindi ka na naman magtatagal?"

"I'm here for two weeks don't worry."

"Really?? But wait, two weeks? Alam ba to ng girlfriend mo? Baka magalit na naman yon sakin?" I said and he just shrugged his shoulders.

"Someone is coming." Bulong niya at hindi ko naman inaasahang makikita ko siya dito ngayon. I am just thingking about him awhile ago then now he's here.

-------

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon