Ang Simula

43 3 2
                                    

Sabi nila lahat ng tao ay nararapat na makatanggap ng pangalawang pagkakataon. Pero sa isang anghel na napunta sa impyerno dahil sa isang pagkakamali na lubusang ikinagalit ng Panginoon, matatanggap pa kaya Niya akong muli?


Alam 'kong mapagpatawad ang Poong Maykapal. Walang hanggang pagmamahal sa kanyang mga anak ang inialay Niya. Ngunit pareho lang pala kami ng tao. Makasalanan. Makasalanan!



"Caden, sinuway mo ang Aking utos." Lumuhod ako sa harap Niya. Takot ang nanaig sa aking katawan.


Tumigil ang mga kapwa 'kong anghel na tumutugtog ng harpa at nakakabinging katahimikan ang umiral sa kaharian ng Panginoon. "Hindi ko po sinasadya, Ama." Nangangatal 'kong sagot sa Kanya. Lubos akong nagsisisi.


"Alam mo na ang tama at mali. Alam mo na ang pagkakaiba nito! Nagpatalo ka sa temptasyon. Hinayaan 'mong kontrolin ka ng kasamaan. At dahil diyan, makaaalis ka na sa Aking paraiso." Natigilan ako sa sinabi Niya. Bakit? Hindi Niya ba ako mapapatawad? Hindi pa ba sapat na nagsisi na ako?


Nanatili akong nakapikit at nakatungo sa Kanya. Naramdaman 'kong nag iba ang aking paligid. Para 'bang may humihigop sa akin? Sa aking pagmulat ay napagtanto 'kong nalalaglag na ako mula sa kalangitan papuntang impyerno. Hindi ko maigalaw ang aking pakpak!


Iniwagaswas ko ito ngunit hindi pa rin ako makalipad. Unti-unting umiinit ang aking katawan. Ramdam ko ang mainit na singaw ng impyerno sa aking balat. Naririnig ko na ang hinaing ng mga makasalanan. Ng mga kapwa 'kong makasalanan.


Bumagsak ako ng marahas sa nakalalapnos na lupa ng impyerno. Kararating ko pa lamang ay pinarurusahan na agad ako. Sa sakit ng pagkakabagsak ko sa lupa ay hirap akong kumilos kung kaya't nanatili akong nakadapa.


Marahan 'kong iginalaw ang aking pakpak, maayos naman ito ngunit anong nangyari kanina? Nakarinig ako ng yabag ng paa na papalapit sa akin. Bahagya 'kong tiningala ang nilalang na nasa aking harapan na.


Malaking pangangatawan, itim at pula ang awra na bumabalot sa kanyang pagkatao, pulang mga mata, mahabang buntot, at dalawang naglalakihang sungay ang naaninag ko. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na para 'bang nag-aalok ng tulong.


"Maligayang pagdating sa anghel na nahulog mula sa langit. Caden ang iyong ngalan, tama ba?" Tumawa ito ng nakakakilabot. Tumango ako bilsng pagsagot sa kanya. Siya na ba?


"Tama ka. Ako nga, ako nga si Satanas. Ang iyong bagong hari at ikaw ay ganap na demonyo na." Humalakhak siya at marahas akong itinayo at dinala sa loob ng kanyang kaharian.


Isa na akong demonyo. Hindi maaari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon