*Lina's POV
"Good night. I love you too!"
"'Yan na naman ang 'i love you'-han niyo! As if mahal ka niya?!" sigaw sa akin ni ate pagbaba ko sa phone ko. Alam kong mahal talaga ako ni Eric. Magtatagal ba kami ng 2 years kung hindi namin mahal ang isa't-isa? "Ang mabuti pa, matulog ka na lang!"
Ako nga pala si Lina. Nasa 2nd year high school na, may kasintahan sa 1st year college. Oh di ba, bonga lang? Hahaha... Selos lang talaga ate ko, pano iniwan na naman ng boyfriend niyang luko-luko! Pero kahit ganiyan 'yan, alam kong mahal ako ni ate, at syempre ganon din ako sa kaniya!
-kinabukasan-
"BRUHAAAAAAAAA! LATE KA NAAAAAAAAA! GUMISING KA NAAAAAA!"
"Haaaaa?! Anong oras na?! Teka lang, eto na eto na!" dali-dali akong tumakbo papuntang banyo. Syempre late na ako eh, ano pa nga bang magagawa ko. Nakakainis talaga 'tong phone ko, ni hindi man lang nag-alarm! Bwisit talaga! Hayzzz.... Binilisan ko na lang ang paliligo ko, lalo na ang pagbibihis ko. Ayun, hindi rin naplantsyahan uniform ko, galing na bata! "Ate! Nakaplantsiya ka ba ng uniform ko?"
"Malamang hindi! Uniform ko ba 'yon?" syempre, expected answer. Ano ba Lina?! DUH? Obvious naman noh! Bahala na, Dali-dali rin akong bumaba sa hagdan, at pagbaba ko ...
O__________________________________________________O
"HAHAHAHAHAHAHA!"
"Ate naman eh! Nakakainis ka na! Tulog na muna ako! *haist* Tsk tsk tsk! Bahala ka na diyan!" luka talaga 'tong ate ko! Sabado nga pala ngayon! Hayzzz, eh bakit hindi ko natandaan? Kaya nga pala hindi nag.alarm phone ko! *haist*
"Kung ako sa'yo, magbibihis na ako! Eh ilang minuto na lang, dadating na sundo mo!"
SUNDO?! Anong sundo?!
Eto na naman si MISS makakalimutin! Bagal-bagal pa akong tumaas sa kwarto, eh hindi ko naman talaga alam kung anong meron ngayon ... ISIP-ISIP ... napapa-JIMMY NEUTRON na naman aketch! Hay nako naman... Bahala na nga 'yang sundo ko! Kung ano man 'yun ...
O_________________________________________________________________________O
oo, 'yan itsura ko, panong hindi magkakaganito itsura ko eh pano, saglit lang akong nasa baba, PUNO NA NG FLOWERS KWARTO KO. Ano 'to? Joke lang?!
"Happy monthsary babe!"
"AYY MONTHSARY!" ang pagkagulat ko... "Monthsary? O_________O OMG, patay, monthsary... miss makakalimutin, ano ba?!" syempre, nakalimutan ko na naman.
"Babe naman, kinalimutan mo na naman ba?" ang malungkot na pagsasabi ni Eric babe koooo...
"Sorry babe, makalimutan ko man ang monthsary, eh hindi ko naman makakalimutan na mahal kita! Huwag kang mag-alala, ha? I love you babe! Happy monthsary!"