CHAPTER 1

22 5 0
                                    

Author's note: Maglalagay dapat ako ng song kaso parang wag na lang. But if you want you could listen to Apink's No No No while reading. Lalo yung first part, di ko alam ko tugma gawagawa ko lang yan. Hahahaha. Enjoy reading :)
UPDATE: Nilagyan ko na ng song :D

CHAPTER 1

"Don't be sad anymore~
You are not alone in this world
I will be the light you need at your darkest time

Just tell me all your pain
Just tell me all you dream
Come to me and I will comfort you~"

Naririnig ko nanaman yung kanta ko sa TV. Kung titignan mo sobramg puno ng encouraging words. Puno ng positiveness. Pero sino bang niloloko ko? Pinatay ko ang TV at huminga ng malalim "Ang galing mong motivational singer. Punong puno ka ng motivation sa buhay" di ko naman gustong mamatay na. Pero kasi at times feeling ko wala na kong pagmamahal na mararamdaman. Bukod kay God. Alam ko mahal Nya ko. Binigay Nya lahat ng pinagdadasal ko. Ang totoo, sobra sobra. Pero kasi may kulang. Kulang ng pamilya. Kulang ng acceptance. Lahat na ata ng relationship na meron ako puro shallow .pano di ko alam bakit lahat ng tao, tini-take advantage lang ako. Huminga ako ng malalim at humiga sa kama ko. Chineck ko ang SNS ko. Tinignan ko ang Twitter ko. May mga messages yung fans. Alam ko mahal nila ko pero di nila alam na facade lang ang Strawberry na kilala nila. Sino nga ba si strawberry? Oo masayahin ako. Pero kapag kasama ko lang ang mga tao. Masaya ako kapag sa harap ng camera. Ganon ba talaga pagcelebrity ka? Magaling kang umacting? Wala pang nakakapansin ng tunay kong nararamdaman. Wala din naman kasi sigurong hint sa kahit anong ginagawa ko kaya wala pang nakapansin. Oo, pwede ko namang sabihin..pero kanino? May willing bang makinig? Wala naman. Di din ako makapagpasched sa psychiatrist dahil sa busy schedule ko. Gusto ko talaga ng tunay na relationship hindi lang for camera and for people. Hindi sa sinasabi kong walang tunay na friendship pero siguro dahil lahat kami busy, wala ng oras to strenghten a relationship.

Nakita ko yung isang tweet ng fan ko.

Strawberryberry
@BerryLoyalforBerry

"Forever Happy si Ate Berry @StrawberryPay http:youtube.com/125819689"

Pinanood ko yung video. It was an interview last week. Nakita ko ang mga ngiti ng Strawberry sa screen. Ang saya saya nyang tignan. Fake. Tawa sya ng tawa. Tinanong sya ng reporter "So how's your love life? Balita ko never ka nagkaboyfriend. Is it true? Di ba parang ang lonely?" Umiling iling si Strawberry. "No! It's not lonely! Masaya ako for what I have. I am happy with life. Sapat na yung fans ko for me.dadating din yun one day. Wait ka lang" sinungaling. Sabi ni Strawberry. Naiinis ako sa sarili ko. Napakafake. Napakagaling magpanggap. Ang galing. Napakagaling. Sa inis ko nakatulog ako.

Paggising ko ng umaga, tumatawag na yung Manager ko. May schedule daw ako. Dumercho ako sa site. I was a little early dahil wala pa yung mga staff. Ako palang andun and yung photographer ngayon ko lang nakita. Been the endorser of this clothing line for 3 years kaya kilala ko na ang mga staff. Bakit kaya hindi si sir Masi ang photographer ngayon? Hindi naman sa wala akong tiwala dito sa photographer na to pero nagaalala lang ako kay sir Masi.

Lumapit ako dala dala ang coffee na dapat ibibigay ko kay sir Masi. Sinuri ko tong photographer. Mukang bata pa sya. Siguro kaedaran ko sya. Busy sya sa pagaayos nya sa camera nya. Makikita mo ang marahan nyang paghawak sa kanyang camera. Ingat na ingat sya dito. Makikita mo na napakaimportante ng camera na yun para sa kanya. Sa totoo lang. Nakakatuwa, kasi bihira akong makakita ng taong ganito. Hindi sa sinasabi kong hindi inaalagan ni sir Masi ang camera nya, pero iba kasi yung pagiingat na nakikita ko dito sa photographer na to. Lumapit na ko ng tuluyan at binati ko sya. "Good morning po! Asan po si sir Masi?" Mejo nagulat sya sa pag dating ko. Hindi nya sigurong inakalang maaga ako dito. "Ang aga mo naman Miss Strawberry" tumayo sya at inoffer nya ang inuupan nya. Umiling ako. At iniabot sa kanya ang coffee "Ito po oh. Para po maganda ang simula ng araw nyo" Ngumiti ako sa kanya. "Ay, salamat. Oo nga pala. Ako na ang photographer ngayon, may nagoffer kasi kay sir Masi sa ibang bansa eh. We'll be working together Ms. Strawberry from now on" inabot nya ang kamay ko at nakipagkamay."Ay! Ako nga pala si JH. It is a pleasure to work with you" makikita mo ang sinseridad nya sa mga sinabi nya. Gusto kong sabihin sakanya na Can I have your sincerity? Kung ganon lang kasi kadali kunin ang sincerity edi sana meron na ko nun.

Umupo ako sa may sofa. Dun sa malapit sa hamper. Ano kayang concept ng photoshoot namin. Tinitignan ko ang mga damit sa hamper habang nakaupo ako. I have a guess na it's for the summer collection, kasi makukulay yung damit. Pink, Yellow, orange, green. Lahat ng matitungkad at masarap sa matang mga kulay ang nakalagay doon. Ito ang isusuot ko. Kahit anong kulay at tingkad ng damit hindi nito mababago ang nararamdaman ko.kung kagaya lang ng damit ang nararamdaman, na madaling palitan at madaling tignan kung bagay matagal na siguro akong bumili nun.

"The concept is being happy and carefree, I guess naiisip mo na dahil sa mga damit na nakalagay dito." di ko namalayan na lumapit na pala si JH. Napatingin ako sa kanya. Napalunok. Di ko alam pero pakiramdam ko na kitangkita na ang pagiging malungkutin ko. Ngumiti ako at tumingin sa kanya upang di nya mapansin ang unang naging impresyon ng muka ko. "I bet that you would even make this shoot as a bouncy one. Let's work together cooperatively!" nag-"fighting" sign ako sa kanya. Ganon din ang ginawa nya. Isa isa ng dumating ang mga staff. Dahan dahan na umingay ang studio. Maya-maya lang ay nagsimula na kami. Maraming damit akong isinuot. Madaming hairstyles ang ginawa sakin. Iba't ibang posing ang pinagawa. Nakakatuwa. Di ko alam, pero sobra akong nafascinate dito kay JH. Napakapropesyonal nyang kumuha. kahit na mukang magkaedad lang kami. Ang galing nya. Hindi kagaya ko, puro kapekean lang ang ipinapakita. "Ok! Break time muna tayo! Ms. Strawberry, you could have a rest. You were here really early." suggest ni JH sakin habang inaayos nya ang mga gamit nya. "Salamat, JH."sabi ko ng mahina. Sinabi ko yun hindi dahil sa pagkuha nya sakin. Nagpasalamat ako kasi pinakita nya sakin na may mga tao pang kagaya nya. Na possible pa ang mga kagaya nya na mabuhay.

---------------------------------------

Sana po ay naenjoy nyo. Kasi naenjoy ko po yung paggawa nito. Hehehe. Hope you like it po. COMMENT, SUGGEST AND RATE. Comments and suggestion would really be a big help! :)

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon