Prologue
Ang Pangako
Umiiyak ang batang si Alexis dahil aalis na ang kaniyang kababata. Tutungo na kasi Ang pamilya nito sa ibang bansa, kailangan kasing mag migrate ng pamilya nito sa amerika dahil may sakit na ang abuelo nito. Wala nang mamamahala ng kompaniyang itinayo ng abuelo nito kung hindi sila aalis. Ngayon lamang din nito sinabi na aalis kung kailan isang linggo na lamang ay aalis na ang mga ito.
"Huwag ka nang umiyak Alex, babalik naman ako." Pangaalo Ng batang lalake na si Matteo.
Si Matteo ang kababata ni Alexis. Ma-edad lamang ng apat na taon si Matteo, hindi nalalayo sa edad Ng nakaatatandang kapatid ni Alexis na si Alexander. Si Alexis ay siyam na taong gulang at trese anyos naman na si Matteo.
Magkapit bahay lang silang dalawa, hindi mayaman sina Alexis di gaya nina Matteo. Sadyang madiskarte lang ang kaniyang magulang kaya naman nagging magkapit bahay sila ni Matteo.
Isang guro sa pampublikong paaralan ang ina ni Alexis, Isa naman inhinyero Ang ama nito. Dalawa lamang na magkapatid si Alexis at ang kuya niyang si Alexander. Samantalang solong anak lang si Matteo, mayaman din ang mga ito. May sariling kompaniya ang ama nito, mga hotel at resort Ang pagmamayari ng pamilya ni Matteo. Sila rin Ang may ari ng subdivision na tinitirahan nila Alexis. Bukod pa ang pagawaan ng wine sa ibang bansa na siyang pagmamay ari naman ng abuelo ni Matteo.
"Pero sabi mo diba matagal kapa babalik? Paano na ako? Wala nang makikipaglaro sa akin." Umiiyak na tugon naman ng batang si Alexis.
"Huwag Kang mag-alala ibibilin kita kay Macy, pwede kayong maglaro noon diba friend mo din siya. At isa pa pinsan ko iyon kaya hindi ka niya papabayaan, Siya Ang magiging kalaro mo kung hindi ka gusto nung ibang bata. " Wika ni Matteo sa kababata, ayaw man niya itong iwan ngunit kailangan.
"Pero iba pa din 'pag ikaw yung nandto. Pinagtatanggol mo ko sa mga nambubuly sa akin. Eh si Macy pareho lang kaming binubuly ng mga iyon. Wala na kaming tagapagtanggol."lalo naman umiyak si Alexis.
Ayaw niya talagang umalis ang kaniyang kababata, siguro nga tama ang kaniyang ina. Masyado na siyang attached sa kababata, palagi daw kasi niya itong bukang bibig.
"Hayaan mo pag sasabihan ko ang mga batang iyon para hindi nila kayo gulohin pa ni Macy. Tapos hintayin mo lang akong bumalik ha." Sabi ni Matteo Kay Alexis.
Ayaw man ni Alexis ay wala na siyang magagawa pa, disidido na ang pamilya ni Matteo. Sa sobrang sama ng loob, ng batang si Alexis ay hindi na lamang siya umimik at yumakap na lamang siya sa batang si Matteo.
***
Dumating ang araw ng pag-alis nina Matteo, ay hindi na naman maawat ang luha ng batang si Alexis. Nalulungkot siya dahil siguradong maraming taon bago muli sila magkita nito.
Tahimik lamang na lumuluha sa isang tabi si Alexis. Nangako man ang kababata ay hindi iyon sapat para kay Alexis. Hindi kompleto ang araw niya ng hindi nakikita si Matteo, ngunit wala sa kaniya ang desisyon nasa magulang ito ng kalaro.
Ayaw pang umalis ni Matteo dahil nalulungkot at naaawa siya kay Alexis. Puno na kasi Ng luha ang mukha nito at tahimik na umiiyak. Kaya naman hindi na rin niya napigilan na lumapit ulit sa kababata at hinila ito para sa isang yakap.
" Huwag kana umiyak Alex, pangako diba babalik ako. Hintayin mo lang ako, 'pag malaki kana at wala parin ako 'wag ka muna magpapaligaw ha. Hintayin mo lang ako bumalik, ako magpapakasal sayo. Para lagi na tayong magkasama, tapos hindi na kita iiwan." Nangangakong Sabi ni Matteo.
Hindi naman makasagot si Alexis dahil ayaw lumabas ng mga salita sa kaniyang bibig. Kaya naman tango na lamang ang naging sagot niya sa kababata saka mas mahigpit na yumakap.
Nang bumitaw sa pagkakayakap si Matteo ay niyaya na ito muli ng mga magulang. Kaya naman muli itong nagpaalam Kay Alexis bago sumama na ng tuluyan sa mga magulang at sumakay na ng kotse.
Ayaw man makita ni Alexis na umalis ang kaibigan ay sinundan niya pa rin ito ng tingin hanggang hindi na ito maabot ng kaniyang tanaw. Sabi niya sa kaniyang sarili na panghahawakan niya ang pangako ng kaibigan.
-done
(705words)
YOU ARE READING
I Love you from Afar
RomanceSiguro lahat naman nakakaramadam ng paghanga, lalo na kung malakas ang dating ng isang tao. Lahat naiistar struck sa mga gwapo o magandang artista. At hindi iba doon si Alexis, marami siyang i-dolong artista lalo na sa mga lalake na puro daw crush...