( 4 years ago )
'Ma, wag mo kaming iwan ma.'
Lumuluhang pigil ng magtatatlong- taong gulang na bata sa paalis na ina.
Pinipilit nitong ilabas ang mga damit na sinisilid ng ina sa kanyang maleta.
Ang ina ay panay ang lagay ng gamit nito pero ang bata ang tagatanggal at ibinabalik sa kama.
Paulit-ulit na ganun ang ginagawa nila ng mainis na yung Ina dahil sa kakulitan ng bata.
'Ano ba Ellayza, wag mo akong guluhin baka mapalo kita.'
'Ayaw ko lang naman po kayong umalis Mama. Pa'no na ako? Pa'no na kami nila Papa? Pa'no na si Eshayra?' humahagulhol na sabi ng kawawang bata.
Mas lalo pang lumakas ang iyak nito.
'Makinig ka Ellayza' sabay lapit sa batang umiiyak.
'Aalis si Mama para sa inyo ni Eshayra. Aalis si Mama para magtrabaho nang sa gayon ay makapagpadala para sa birthday mo at para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan' sambit nito habang pinipilit na itago ang nagsisibagsakan niyang luha.
Di man niya gustuhin ang umalis pero yun ang nararapat para di na siya masaktan.
'Matalino ka Ellayza kaya maiintindihan mo din pagdating ng panahon but for now be a good and strong girl for your little sister.'
Right! For her little sister kailangan niyang maging malakas.
Pinahidan ng bata ang mukha na napuno ng luha sabay sabing,
'Sige po Ma, mag-iingat ka po doon. Don't forget na magpadala for my birthday. Balik ka po kaagad ha? Mamimiss ka namin!'
'That's my girl' pagpuri pa ng ina sa panganay na anak.
Pinupog niya muna ng halik ang bunsong anak na nasa kuna't mahimbing na natutulog, ang bunsong anak na magdadalawang- buwang gulang pa lamang pagkatapos ay hinalikan sa pisngi ang panganay.
Mamimiss ko ang mga anak ko sa loob loob ng ina.
Sino ba naman kasi ang magulang na gustong mawalay sa mga anak diba?
BINABASA MO ANG
ALLEGORY OF AN ABSTRACT (ON- HOLD)
SpiritualEllayza have been in hell for the past 16 years of her existence. She came from a broken family. She was raised by her grandparents along with her little sister and two cousins in father side. Lumaki siyang salat sa pagmamahal at aruga ng isang magu...