( Isang taon makalipas umalis ng Mama nila )
Ellayza Pov
Maaga akong gumising ngayon kasi may pasok pa ako.
Yehey! I'm at nursery already.
Susuutin ko na naman ang uniform ko at makakapaglaro kasama mga kaklase ko.
Kundi lang talaga masyadong magagalitin ang guro namin baka lagi akong nag-eenjoy pumasok sa'ming munting silid-aralan.
Kaso wala, masyado siyang strikto lalo na sa'kin kahit wala naman po akong ginagawa.
Sige po at ako'y maliligo muna para makapaghanda na sa pagpasok.
Pagkatapos kong maligo, excited na akong sinuot ang uniform ko.
Masyado siyang cute.
Stripe siya na usual naman sa mga uniform, sabi ni Inay.
Pink and white ang saya at white din yung blouse pero may lineage na pink at may ribbon lace sa gitna.
Ang cute talaga!
Sinuklay ko na ang aking buhok na hindi naman naayos kasi ang liit ko kaya nagpatulong ako kay Kuya Alfred.
"Kuya Al, Kuya Al" sigaw ko.
"Suklayan mo po ako."
Agad naman niyang sinuklay ang buhok kong mahaba-haba na din.
Sa kanya lang ako nakikisuyo kasi masyadong bad si Kuya Ken.
Ayaw niya yata sa'kin kahit magpinsan kami. Masyado daw kasi akong makulit.
Wala na si Inay.
Umalis na patungong trabaho pati nadin si Papa.
Ang kapatid kong bunso naman ay si Tatay ang magbabantay.
Nang nakaayos na ako, kinulit ko si Kuya Al na ihatid ako.
Natatakot kasi talaga ako sa teacher namin.
Nang makarating sa munti naming silid ay naroon na ang iba kong kaklase.
Si Aileen, yung favorite ni Ma'am Emma. Hindi ko alam bakit basta siya talaga yung favorite.
Si Russell Rave na kinakapatid ko. Anak po kasi siya ni Ninang Lucille.
Si Arlinda na bff ni Aileen na minsan bff ko din.
At iba ko pang mga kaklase.
Ako talaga ang masyadong napapagalitan ng teacher namin.
'Diko alam yung dahilan pero lagi niya akong pinagagalitan.
Kahit k'onting mali ko lang pinupuna niya kaagad.
Tulad nalang ngayon, nagsusulat kami sa papel.
Ginagaya namin ang nakasulat sa matigas na papel na ibinigay samin, parang karton po siya.
Ang sabi pangalan daw namin.
Sa pagkakaalam ko kasi mahaba pangalan ko.
Nakakapagod isulat kaya madami akong erasures. Panay sulat at bura ako.
Nang makita ako ni Teacher.
"Ano ba naman Ellayza , nakadadalawang papel ka na ha! Di mo padin makuha! Palibhasa bobo kasi." Sabi niya sa'kin.
Napaluha nalang ako kahit hindi ko naiintindihan mga sinabi niya.
Halatang galit na siya.
Ikukulong na naman ako neto sa cr namin at 'di palalabasin hanggang mag-uwian.
BINABASA MO ANG
ALLEGORY OF AN ABSTRACT (ON- HOLD)
SpiritualEllayza have been in hell for the past 16 years of her existence. She came from a broken family. She was raised by her grandparents along with her little sister and two cousins in father side. Lumaki siyang salat sa pagmamahal at aruga ng isang magu...