Four

18 0 0
                                    

Arjay Grey

After we went to one of our business meeting with Lewis, we decided to go to see Camilla for a visit. And of course to see Eunice, kasi alam ko lagi itong nandoon dahil na rin sa malapit sila ni Camilla sa isa't-isa.

Gusto ko lang din siyang makita kahit na di niya ako kausapin o pansinin dahil na rin sa ginawa ko sa kanya noon. Siguro nga hindi niya kaagad agad malilimutan kung ano man ang nangyari noon. Of course that is her first heartbreak.

Nang makarating kami sa bahay nila Camilla ay tanging sila Tito Carlo at Tita Millitte- Camilla's parents , ang aming naabutan at mukhang nagmamadali pa sila para umalis.

Wrong timing pa ata?

"Tito Carlo, Tita Millitte where are you going? Mukhang may importante po kayong pupuntahan?" kaagad kong agaw sa kanilang atensyon.

Napatingin sila sa akin at lumapit saktong kakapasok lang namin ni Lewis. "Oh iho, you're here! Bakit napasyal ka?" tumingin ito kay Lewis at ngumiti."Oh, hi there Lewis!"

"We're just here to hang out with you Tito and Tita, and of course with Camilla." what an excuse?

Talaga lang ah?

Hang out with them and Camilla?

Or para lang makita si Eunice?

"Pero mukha po atang aalis kayo." dagdag ko pa. Dahil may nakita din akong maleta na binababa ng mga kasambahay nila.

Lumapit na rin si Tita Millitte sa amin."Oh well iho, may business trip kami abroad ng Tito mo kaya di kami makakasama sa hang out niyo. Intayin mo na lang ang pinsan mo at kayo na lang ang mag-bonding. At para na rin may kasama siya." nakangiting sabi ni Tita.

"Oo nga iho, para na rin kampante kami na may makakasama si Camilla habang wala kami. Pwede naman kayong mag-stay dito, bakante ang guest room. For sure sa kwarto ni Camilla mag-i stay si Eunice." pagkabanggit pa lang ni Tito sa pangalan ni Eunice ay siyang kalabog ng puso ko.

Hayst! Bakit ba ang lakas ng tibok ng puso ko kahit na pangalan pa lang niya ang naririnig ko?

Ganun na ba ako ka-baliw sa kanya?

Na kahit pangalan pa lang niya ay nararamdaman ko na kaagad ang pintig ng aking puso.

Is this what they called love?

Shit! Shit! Shit!

Napaka-corny at cringe ng iniisip ko!

Ano ba yan!

Hindi ko ipinahalata kila Tita ang excitement ko ng marinig ko ang pangalan ni Eunice." Ay ganun po ba Tito , siguro po baka di na rin kami mag-i stay since baka mailang lang sila Camilla. Uuwi na lang din po kami mamaya sa hotel na tinutuluyan ko."

The Love That Not Yet Started (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon