Two

13 0 0
                                    

Arjay Grey

After so many years, since our family migrate to abroad. This is the first time that I will be going back to the Philippines. Pinadala ako ni daddy para mag-asikaso ng business dito. Hindi naman ako nagre-reklamo, siguro I'll treat this as my vacation na rin, sobrang naging busy din kasi ako sa studies ko abroad. Kaya need ko ng relaxation for awhile.

Kasama ko na umuwi ang best friend ko na si Lewis dito sa Pilipinas, gusto din nito na kahit papaano ay makapag-enjoy. Dahil katulad ko ay masyadong stress din ito sa kanyang studies.

Simula nung umalis kami after New Year sa bahay nila Camilla ay ngayon na lang ulit kami magkikita ng pinsan ko. Close kami ni Camilla sa isa't-isa, she treat me as his big brother and I also treat her as my sister.

"Hey couz, long time no see." sabi ko sa pinsan ko ng makauwi ito galing school. "Wow! You're a beautiful lady now." lumapit ako dito at yumakap. Then I whisper."Dati ang payat at kulot ka pa." pang-aasar ko at sinabayan pa ng tawa.

Mahina niya akong siniko, kaya napalayo ako sa kanya." Arghh! I hate you brute! Hindi ka pa rin nagbabago isip bata ka pa rin."naiinis na sabi nito sa akin.

Isa sa bonding namin ni Camilla ang mag-asaran, satisfied na kami kapag nagtatagumpay kami na inisin ang bawat isa. Pero kahit ganun hindi kami nagtatampo sa isa't-isa.

"What? Anong hinahanap mo? May naiwan kila Camilla?" tanong ni Lewis ng mapansin nito na kanina pa ako kapa ng kapa sa bulsa.

Kakaalis lang namin kila Camilla dahil kailangan naming magpahinga since kaka-uwi lang namin. Medyo may jetlag pa kami sa naging biyahe namin. Si Lewis na ang nag-prisintang magmaneho ng sasakyan.

"Oo bro' naiwan ko yung wallet ko kila Camilla." sagot ko."Pero hayaan mo na baka balikan ko na lang buk--"

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag-u turn si Lewis."Di pa naman tayo nakakalayo e." sabi nito at tinahak na ang daan papunta kila Camilla.

Ewan ko ba pero feel ko gusto din nitong bumalik kami para makita ulit si Camilla. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagka-gusto nito sa pinsan ko. Pero ng makarating kami sa bahay nila Camilla ay hindi naman ito bumaba para sumama pa sa akin.

Nagdahilan ito na kukunin ko lang naman ang wallet ko kaya hindi na niya kailangan pang sumama sa loob. Hindi na lamang ako nakipag-argumento pa at pumasok na sa bahay nila Camilla.

Nagdere-deretso lang ako sa pagpasok sa loob."Couzzzzzzzz, I forgot my walle--" naputol kung ano pa man ang gusto ko pang sabihin ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan na makita ko ngayon.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng makita ulit ang babaeng ni-reject ko at ang taong nag-lakas ng loob na umamin sa akin ng totoo niyang nararamdaman.

Ang babaeng gusto ako noon, pero parang kapatid lang ang ang naging tugon ko sa kanyang nararamdaman.

Ang babaeng huli ko na na-realize na gusto na din hindi bilang kapatid kung hindi higit pa dun.

Halata ang gulat sa mukha ni Eunice ng makita ako, siguro di rin nito inaasahan na andito na ako. Alam din kasi nito ang ginawang pag-migrate namin sa America.

"Oh, sorry akala ko walang bisita si Camilla."nagsalita na ako ng di siya nagsalita. Iniwasan kong wag ma-utal at nag-tagumpay naman ako."By the way, where is she?"

The Love That Not Yet Started (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon