I'm His Bestfriend

120 4 2
                                    

"I'm his Bestfriend" a short story.

----------------------------------

Kaibigan.

Ako yung laging nandiyan sa tabi mo,

Ako yung laging nandiyan kapag kailangan mo.

Ako yung laging nandiyan kapag nagpapatulong kang manligaw.

Ako yung laging mong matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

Ako yung lagi mong kasama sa oras man o kalungkutan.

Ikaw.

Ikaw yung kaibigan na laging nagpapasaya saakin.

Ikaw yung kaibigan na laging tumutulong saakin.

At ikaw. Ikaw yung kaibigan na mahal ko.

Tayo.

Meron bang ganun?

Meron... Dahil magkaibigan tayo.

Pero hanggang dun lang yun.

Hanggang magkaibigan nalang tayo.

Dahil merong kayo...at kaibigan lang ako sayo.

______________________________________

Haayyysss....sakit na ng kamay ko..tsk...

Pwede na tong epilogue...kailangan ko tong matapos at maipublish na agad...

Masasabi kong itong storya na ito...ito ang magiging pinakamakahulugan para saakin..

Gagawin ko ang lahat para mas maging maganda ang storyang ito...

Pero sana hindi pa ito yung huli...

"Huuyy! Anong iniiyak iyak mo dyan?"

Nagulat ako ng kalabitin ako ni Nick. Hindi ko pala napansin na naluha na ako...

" a-ahm...wala ano ka ba...naiyak lang ako sa story na naisip ko." I faked a smile para maniwala siya.

" tss...iyakin ka talaga.." Tapos sabay gulo ng buhok ko.

Siya si Nick. Bestfriend ko. Mabait. Gwapo. Maalaga. Palabiro. Mahangin. At baduy. Joke lang...

Best friend ko. Na mahal na mahal ko.

"Oy! Tulala ka nanaman sa gwapo kong mukha. Naiinlove ka na ba ha?" Sabay irap niya.

Sabi ko sa inyo eh.

" asa mo mukha mo nuh...tsaka wala ka sa kalingkingan nung mahal ko..duuhhh~"
Pang aasar ko na may kasama ring irap.

"Tsss....kailan mo ba ipapakilala sakin yang mahal mo? Hindi ko pa nakikilatis yan ha! Baka masamang tao." -nick

"Hindi ah.. Mabait na tao yun...at mahal na mahal ko yun.." - ako sabay kindat.

" siguraduhin mo lang. Kapag may ginawang masama yun sayo bubugbugin ko yun!" -nick

" haha...kung kaya mo...tsaka mabait talaga yun...soon...kapag ready na akong makilala mo siya sasabihin ko sayo." -ako

" may pa soon-soon ka pa...bahala ka..by the way..patulong naman rylie..pleaaasseeee.."- nick at ginamit pa ang baduy niyang puppy eyes

Tss...ginagamit niya yan kapag may kailangan siya. Baduy kaya.

" huhulaan ko...magpapatulong ka nanaman mangligaw?" -ako

" woah! The best ka talaga! Alam mo na agad sasabihin ko! Bestfriend talaga kita!" -nick

" tsss...tigil tigilan mo na nga ako sa pambobola mo...sige sige...sino ba ang malas na babaeng yAn?"

I'm his BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon