Entry #8: Buwan ng Wika pt.1

20 3 0
                                    




Soleil Maganda Legit Hindi Fake News


August 2021





Ang tagal ko na rin palang hindi nag-sulat dito sa diary. Miss niyo na ako, 'no? Char! Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung may huling nagsulat dito sa diary. Sa pagkakaalam ko si Ethan ang huling humiram nito sa akin. First week na ng August. Ang bilis lang! Buwan ng Wika na rin namin kaya pina-excuse ako ng adviser namin sa klase para mapag-usapan namin ang plano ng section namin para sa Buwan ng Wika. Ito kasi ang layunin ko bilang president ng klase. Hassle! Charot! Kasama ko rin naman si Uno kasi siya ang vice president ng klase.





Nasa office kami ni Sir Reese, nakaupo sa sofa na kaharap ng desk niya at nakaupo naman si Sir Reese sa swivel chair niya. May notebook ako sa kanang kamay habang ang ballpen ko naman ay nasa kaliwa. Left handed kasi ako.


Soleil: Sir ikot ka nga sa swivel chair mo.


Sir Reese: Ano ako, bata?


Tumawa na lang kami nang umikot nga si Sir sa swivel chair niya. Pagkatapos ng tawanan, naging serious na kami sa pag-iisip kung anong theme ang classroom namin. Every classroom kasi dapat naka-decorate inspired by cultures and landmarks ng iba't ibang lalawigan dito sa Pilipinas.


Soleil: Laguna na lang kaya? Province naman na natin 'yun. Lagay natin 'yung manok ng San Pedro sa tapat ng classroom natin para San Pedro, Laguna. Pak!


Uno: Something new dapat beh!


Soleil: Hmm... Uno, mag-isip tayo ng lalawigan na gusto nating maging theme ng classroom natin, tig-isa tayo, then mag-vote na lang mga kaklase natin.


Uno: Sure! We're a democratic country after all.


Sir Reese: Sige, kayo na ang mag-usap-usap tungkol diyan. Let's talk about the main program. Lakan at Lakambini, Balagtasan, Spoken Poetry, Pagsulat ng sanaysay, Poster Making, at Folk Dance ang sasalihan. 'Yung Folk Dance dapat buong klase then 'yung the rest kung sino ang gusto sumali.


Soleil: Noted, sir.


Sir Reese: After ng program, may boodle fight each classroom. Ayos ba 'yun sainyo?


Uno: Ayos na ayos sir! Pagkain ang pinag-uusapan, hindi tatanggi mga kaklase namin.


Sir Reese: Para sa boodle fight mag-ambagan ang klase. Ako na ang bahala sa pamimili ng mga ingredients at pagluluto kaya pag-usapan niyo kung ano ang pagkain natin para sa boodle fight. Soleil, inform Joaquin and Yaretzi about the ambagan since sila ang treasurer at auditor.


Uno: Yes po, sir.


Sir Reese: Kapag nalista niyo na ang mga sasali sa patimpalak at mga pagkain na gusto niyo, ibigay niyo sa akin.


Soleil: Okay po.


Sir Reese: Balik na kayo sa klase niyo. Thank you for the time.


Soleil: Thank you rin po sir!


Uno: Thank you sir!





Nang makabalik kami sa classroom, they immediately bombarded us with questions kung ano pinag-usapan namin sa office ni sir. Sinagot naman sila ni Uno habang ako naman ay nagreready na ng listahan para sa mga sasali sa program. Natigil ang ingay sa klase nang may kumatok sa pinto ng classroom namin. Binuksan ito ni Polaris at pumasok si Sir Reese.


Classroom Chronicles: Diary of Section STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon