Entry #7: Classmate

23 3 0
                                    




Ethanol

July 2021


Ethan: One hour 'yan, kuya!


Alas onse ng tanghali. Tirik na tirik ang araw. Nag-cutting ako kasi ayoko sa teacher namin sa TLE at Science. 'Yung isa, palagi akong pinapahiya at 'yung isa naman hindi nagtuturo nang maayos. Nasa computer shop ako malapit sa school para makatakbo ako kapag lunch time na. 12:20. May isang oras pa ako.


Ethan: Tangina sino huling gumamit nito? (inamoy ulit ang headphones) Ang asim ah!


Bata: Gago kuya ito huling gumamit, oh! (sabay turo sa batang naka-blue na sando)


Bata 2: Gago ikaw kaya!


Ethan: Nag-away pa amputa parehas lang kayong maasim!


Bata 2: Mas maasim ka!


Ethan: Tanga naliligo ako! Tas itong pabango ko? Bench Cologne 'yan!


Bata: Sino?


Ethan: Ha?


Bata 2: Hatdog


Bata: Sino nagtanong?


Ethan: Tangina mo ah walang respeto sa nakatatanda.


Bata: Nyenyenyenye





Hindi ko na lang pinansin 'yung dalawang bata. Binuksan ko na 'yung computer at pumunta agad sa youtube para magpatugtog ng "DOTA o Ako". Tangina jeje na kung jeje pero ito talaga jammings ko kapag nasa computer shop. Pero kahit na "DOTA o Ako" ang pinapatugtog ko, hindi DOTA ang lalaruin ko. LOL aka League of Legends ang lalaruin ko.








One hour later...





Ethan: Kuya pa-exte-


Hiro Biscuit is calling...


Ethan: Oh gago?


Hiro: Mag-eextend ka pa 'no?


Ethan: Pano mo nala-


Hiro: Tanga lunch na bilisan mo tumakbo ka na!


Ethan: Ay putcha 'di ko na namalayan! Bye na nga!


Hiro: Bye! Bilisan mo gago!





Madali kong sinara ang bag ko tas mabilis na tumakbo papuntang school. Nang makarating ako sa likod ng school, hinagis ko pataas ang bag ko para mapunta sa kabilang side ng abandonadong gate. Sumunod naman ako. Tinaas ko kaunti ang pants ko at umakyat sa railings ng gate. Binilisan ko agad ang paglakad ko papunta sa canteen para hindi ako mahagip ng mga teacher. Nakita ko sila Hiro na kumakain sa table malapit lang sa back door ng canteen.


Ethan: Wazzup mga pangit!


Maia: Nag-cutting na naman.


Kino: What's new?


Ethan: Kapag hindi kasi ako nagcucutting nanghihina ako.


Hiro: Right timing ka gago.


Ethan: Ha?


Hiro: Walang teacher next subj.


Ethan: 'Yun oh!


Classroom Chronicles: Diary of Section STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon