Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunog yung cellphone ko. Ano ba ito! Ang aga aga! Sinagot ko ang tawag at balak sanang ratratin ng mura kung sino mang itong istorbo na ito!
"Tang--" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan na ako kung sino man ang tumawag sakin
"Tangina mo rin! Late ka na naman! Putangina mo ka, ngayon dadating yung bago nating boss! Pukinginang ina ka! Oo tarantado ka inuunahan na kita!" nanlaki yung mata ko ng marinig ang boses ni Victor sa umaga Victoria sa Gabi pero hindi yun ang dahilan kundi sa sinabi niya na ngayon dadating ang bago naming boss!
"ANO?! AKALA KO BA NEXT YEAR?!" Tanginang babaklitang ito! Ginogoyo na naman ata ako.
"TANGA KA TALAGA KAHIT KAILAN! BOBO!" Pabalik na sigaw niya sakin aba! Gago ito ah!
"ANONG SABI MO VICTORICO DEMASALAN?! SINO ANG BOBO?" pabalik ko din na sigaw sa kanya
"Ako ateng, sabi ko nga ako ang bobo. Ito naman, Ang sabi ko, bumangon ka na dahil ngayon na siya dadating galing sa planeta ng mars! Churva bels! Wikkie wikkie na ateng okay?" Napangiti naman ako sa sinabi niya, alam talaga nito kung kailan siya titigil. Tinignan ko yung orasan sa tabi ko at
"Putangina ko!" Napasigaw ako dahil takte! 9:00am na pala! At 9:30 ang pasok ko.
"Oo putangina ka talaga kaya magbihis ka na dahil pag late ka babye worky worky ka na!" Pagkatapos niya sabihin yun ay binabaan na niya ako ng cellphone Gago talaga.
Agad naman akong napabangon sabay takbo sa CR, shit talaga! Makaka medal na talaga ako!
------------
Habang nasa byahe ako ay nagiisip na ako ng dahilan para makalusot ulit. 9:15 na kaya pa siguro ito habulin pero ayos na yun may plano kung sakaling hindi umabot may Plan B ako.
"Sir.. sorry po kasi nahulog sa imbornal yung babae kanina i help her kasi kawawa naman diba?"
"Sir sorry talaga hindi ko naman alam na magtatae yung aso namin! Huhuhu"
"Sorry sir kasi si betlog yung pinsan ko muntik ng---"
Nawala ako sa aking pagiisip ng may biglang bumangga kay Woody. Tangina! Ang woody ko! Malalagot sakin ang hinayupak na yon! Kung sino man siya! Bwisit nagulo pati rin buhok ko!
Sinilip ko muna ang kotse na bumangga sakin at tinignan ang plate number..
EMV16
Eh? Bakit dalawa lang ang number? Usually sa mga kotse tatlo ang nakalagay, Hindi, bahala na! Wala akong paki kung sino mang gagong siraulo na may ari sa kotse na iyan! Galit ako, at pag galit ako nangangagat ako.
Bumaba ako sa kotse ko at sinilip kung ano sira ni Woody, my precious car! Ang laki ng yupi niya sa likod, halata na malakas yung impact. Hindi pa nga bayad ito may sira na agad? Pano na to? Wala na akong pera!
Tinignan ko naman yung kotse na bumangga sakin at puta! nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko, anak ng tupang may puting peklat! Teka? Puting peklat?
Napailing na lang sa mga naiisip ko lintek sino ba ang hindi magugulat sa kotse na nasa harapan ko ngayon?
Isa lang naman po itong Shelby mustang GT500 sa madaling salita isang sports car ang nakabangga sakin, Kahit gustong gusto ko mag fan girl sa kotse niya dahil first time ko nakakita di bali na lang no!
Kaya pala ang lakas ng loob na bumangga ng kotse ng may kotse! Malalagot talaga ito sakin! Raratratin ko ito.
Lumapit ako sa kotse niya at kinatok yung salamin.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Perfect
RomanceZeleste Maryota Aquino -- isang babaeng madaling magtiwala sa mga tao for short uto-uto. Have been fooled for so many times by men, ratratera din at walang class sa katawan. Elfin Marco Villanunez -- aka Mr. Perfect, Lahat ng gusto o mahihiling ng...