Feisty Witty 2

2 0 0
                                    

"Zeleste dali! Andyan na si boss!" Sigaw sakin ng ka-team ko na si Desiree. Hay nako talaga.

Tumayo ako at pumunta na sa 10th floor. Ngayon kasi ang "tunay" na pag dating ng new boss namin. Hayop na yun ilang araw kaming pinasa na dadating na siya, tokis talaga.

Habang nakasakay ako sa elevator ay narinig ko na naman ang chismisan ng mga mapapangit kong workmates.

"Grabe bes, ang pogi talaga ni sir! Nakita ko kanina sa parking lot parang ang sarap niya kainin! Hihi" sabi ng babae na malaki ang ilong.

"Uy! Baka may makarinig sayo mahiya ka naman, pero in fairness a bes true ka dyan" sagot naman ng kaibigan niyang mahaba ang baba. tapos sabay pa silang naghigikgikan.

Tsk! Grabe talaga mga kababaihan ngayon buti na lang ako, kahit mahilig ako sa gwapo ayoko naman ng bulgaran kong sinasabi, saka hello? Boss namin tapos ganyan. Maling mali ito.

Pagkarating namin doon ay may natanaw akong isang lalaki sa unahan na naka coat and tie. Teka kilala ko ata ito ah! Lumapit pa ako at laging gulat ko ng...

"Art?!" With matching gulat action pa yan. Bakit andito siya?! Makikipag balikan na ba siya sakin? Baka mag propropose?

Gaga! Tanga ka talaga kahit kailan sa lalaki Zeleste! Pinalit ka nga sa matanda mahal ka? Gago!

Bwisit ka talagang inner voice ka! Pati ito sinisira mo.

"Hi Zeleste" sabay smile niya sakin at lumabas ang mapuputi niyang ngipin na parang di na totoo, minsan nga iniisip ko na baka pustiso lang siya e.

"B-bakit ka andito?" Nauutal kong tanong. Bwisit ka Zeleste! Akala ko ba wala na?

Ang pogi parin naman kasi talaga ni Art. Yummy pa din. Hihi

Pinilig ko yung ulo ko para mawala yung nasa isip ko. Iba parin talaga ang epekto ng tukmol na ito sakin, sayang nga lang at pinalit niya ako sa isang gurang na malapit na matigok.

"I'm here for business matters, you still work here?" Ibang klase! Umi-english na to. Dati nga ipa-spell mo ang "width" hindi pa alam.

"Oo, ibang iba ka na ngayon ah? Kamusta naman yung matanda na pinalit mo sakin? Patay na ba?" Hindi ko intensyon na sabihin yun kaso nakakainis lang kasi pag nakikita ko siya bumabalik lahat ng alaala ko nung gabi na iniwan niya ako para samahan yung matanda na yun! Masakit pa din.

"Yup, last month lang" tapos ay tumawa siya. "Ikaw? Balita ko may bago ka ngayon ah?" Aba! Updated ang loko may feelings pa talaga to sakin, pero sorry siya mahal ko talaga si Kid.

"Ah. Oo. Nagtratrabaho siya sa field" bilang karpentero. "Masaya naman kami at alam ko na hindi niya ako iiwan" katulad ng pag iwan mo sakin.

"Well, that's good to hear." Nawala ang pag re-reminisce namin sa nakaraan ng may bigla tumawag sa pangalan ko.

"Ma'am Zel pasok na po kayo sa office ni boss, andun po sila." Tumango ako para sabihin nasusunod na ako.

Bumaling ako ulit kay Art at nginitian siya, kahit naman na hindi naging maganda ang ending namin masaya padin ako at nakilala ko siya.

Sumunod ako sa secretary ng boss namin at dahan dahan na pumasok. Shit. Bakit ganun ang tahimik naman sobra akala mo may prayer meeting sa loob.

Baka maman meron talaga

Oo nga ano? Ay! Ano ba naman yang iniisip ko.

Tuluyan na akong pumasok at nakita ko si Sir. Gor nasa harap kasama yung dalawang head. Teka mga superiors yung andito ah? Bakit nasama ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon