THREE.

80 3 0
                                    

Namasyal kami ni Xyrus sa mall, nag disguise ako, ganun din ang ginawa ko kay Xyrus, para di kami gaanong dumugin ng tao.

Nagpunta kami sa toy store, may mga nakakapansin sa amin, pero hindi kami gaanong pinagkaguluhan. Maayos naman kaming nakapamasyal.

"Papa! Gusto ko nun!" Turo ni Xyrus sa mga laruan na naka display, hinila pa nya ang laylayan ng damit ko.

Binuhat ko sya, para mas makita nya ang mga laruan.

"Saan dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Yun papa oh," sabay turo nya sa Iron Man na laruan na naka display.

"Are you sure? Luma na si Iron Man Xy. May iba pang action figures dyan." Sagot ko sa kanya.

"But I like Iron Man papa, Tito Luhan said that Iron Man is awesome. And I watched Iron Man, gusto ko nun papa." Pag papaliwanag nya sa akin.

"Sige na nga, kuhanin mo na," sabi ko sa kanya at lumapit kami sa shelves para maabot nya ang box.

"Thank you papa!" Masayang sabi nya at niyakap nya ko.

"Anything for you buddy." Sabi ko at nag fist pound pa kami.

Nag libot pa kami sa mall, bumili din ako para sa sarili ko, nag arcade kami dahil gusto daw maglaro ni Xyrus.

"You want to eat something?" Pag aya ko kay Xyrus, dahil marami na kaming nalibot at napagod na sya kakalaro.

"Ice cream!" Sagot naman ni Xy sa akin, umalis na kami sa mall at nag drive papunta sa Baskin-Robbins.

Pagdating namin doon, buti wala masyadong tao. Pumasok na kami, binuhat ko syang muli para makita nya ang menu at ang flavors ng ice cream.

"Pili ka na Xyrus" sabi ko sa kanya. Nakita kong tinitignan nya bawat flavor na meron. Halos malibot na namin lahat ng freezer nila at nakita lahat ng flavors, natikman din namin isa-isa pero ang tagal nyang mamili.

Hay nako Hyejin, kasing bagal mo talaga tong si Xyrus kahit kailan. Di mapagkakailang mag nanay nga kayo.

Matapos ang halos sampung minuto naming pag tingin at pag tikim nya sa mga ice cream...

"I know what I will order papa!" Sabi ni Xyrus. Sa wakas nakapili na rin. Lumapit na kami sa counter para umorder.

Lumapit naman agad ang crew sa amin.

"May I take your order?" Tanong sa amin ng crew.

"Xy, ano daw sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Strawberry, tapos chocolate and peanut butter po. Palagay po sa cup ha?" Magalang nyang sagot sa crew.

Ano? Strawberry? Chocolate and peanut butter? Sa tinagal tagal namin na namili dun, naubos na ata yung plastic spoons nila para sa tasting dahil natikman na namin lahat yung flavor tapos yung paborito din pala nyang flavor ang oorderin nya? Itong batang to. He resembles his mother too much.

Bahagyang nangiti ang crew sa amin.

"I'll have two scoops of mint chocolate chip flavor, sa cone nalang." Sabi ko naman.

"Sorry ha? Ang tagal ba namin?" Sabi ko at bahagyang tumawa.

"Okay lang po," sabi naman ng crew at binigay na ang order namin.

Nagbayad na ako, naupo muna kami sa loob ng ice cream parlor.

"Manang mana ka sa mommy mo, tinikman na natin lahat yung flavors, sana sinabi mo nalang na yung favorites mo ang gusto mo." Sabi ko sa kanya.

My Answer Is You [EXO CHEN SHORT STORY: ONLY ONE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon