Chen's POV
Sinama ko sa practice si Xy ngayon, sa dorm muna kami nagpunta dahil maaga kami umalis, tumambay muna kami doon at sasabay nalang sa mga members papunta ng SM building.
Di kami kumpleto ngayon at bukas, may guestings ang iba, kaya sa SM building lang kami imbis na sa mismong concert venue ang practice namin. Bukas palang kami makukumpleto.
Mainam na rin iyon, dahil mahirap na, malawak ang concert venue, mamaya malingat ako at mawala si Xyrus, at kung saan mag susuot, malikot kasi eh.
Di man kumpleto, andito naman ang vocal line kaya mapapractice namin ang mga ballad songs at karamihan ng ibang kanta namin.
Nag practice kami ng "What If", "What is Love", at "Beautiful". Yung parte ni Luhan hyung sa What is Love, si Lay hyung na muna ang kumanta.
Tapos kinanta rin namin ang "My Answer" yung chinese version.
Para sakin, lahat ng album na nagawa namin through the years, Yung unang mga album namin ang pinaka memorable sa akin, saka ang EXODUS na album namin, dahil yung unang mga albums namin, lahat ng masasayang memories namin as OT12, nandoon, ang EXODUS naman, with all the struggles and hardships na dumaan sa amin, nalampasan namin at yung album na iyon, it always gets me. Para bang bawat kanta, konektado sa buhay ko. Para bang lahat ng kanta, may moment na maikakabit doon.
Habang nasa practice kami, di naman na bored si Xyrus, may iPad naman sya, and he even borrows our phones, minsan doon sya nag lalaro ng games.
Nakipaglaro din sya kay Manager hyung, lumibot pa sila sa building, pag balik pa nga ni Manager hyung sa practice room namin, di na nya kasama si Xyrus.
Sabi nya hiniram muna ito ng mga SNSD noonas, saka ng Red Velvet, lumibot din daw sila sa practice room ng iba pang mga idols. Babalikan nalang daw nya ito o kaya isa nalang daw sa mga SNSD noonas ang maghahatid sa kanya sa practice room namin.
Di maselan si Xyrus, mahilig makisama sa iba yan, noong mas bata sya, nasali pa yan sa "The Return Of Superman" dahil alam nilang papatok ang show dahil si Xyrus ang baby ng EXO.
Binalik ni Sunny noona sa practice room namin si Xyrus. Nagpasalamat sya dahil pinahiram daw namin si Xyrus. May napaglibangan daw sila at medyo nabawasan ang pagod nila.
Nang maihatid nila si Xyrus, naupo naman ito sa sahig kasama namin, saktong water break naman namin nang maihatid si Xyrus.
"Oh, Xy! Kumusta? Saan ka nanggaling?" Tanong ni Sehun kay Xyrus nang makarating ito sa tabi ni Sehun, nag fist bump pa silang dalawa.
"Ok naman po! Mababait sila noona sakin. Saka magaganda sila Tito! Ang daming girls kanina, nilalapitan ako, gwapo kasi ako e." Masigla pero pilyong sagot ni Xyrus.
Itong batang to, nawa'y wag maging playboy balang araw, aba bata pa alam alam na yung maganda, sexy. Nako, ito kasing si Maknae Line, kung anu-ano ang tinuturo. Isama mo pa si Chanyeol na malakas mang trip, natututo ng kalokohan yung bata.
Wow self uplifting ako ha? Dama ko ang pag lutang ko sa ere. Haha. Joke lang. Kung makapag salita ako parang di ako ang troll ng grupo, oo maloko ako pero di naman gaano pag andyan si Xyrus.
"Nakakita ka ba ng maraming chicks? Hayaan mo pag may time, isasama ka namin Xyrus, boys night out!" Sabi naman ni Kai.
Nabatukan sya ni Kyungsoo ng wala sa oras.
"Aray naman hyung! Masakit yun ha?" Reklamo ni Kai.
"Kung maka aya kayo sa bata ha? Bad influence talaga kayo." Sagot naman ni Kyungsoo sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Answer Is You [EXO CHEN SHORT STORY: ONLY ONE]
FanfictionI really want you to know that from the start, My answer is YOU.