Alam ko namang maganda ako, pero hindi man lang ako na-inform na sobrang ganda ko pala! Chos.
Pero seryoso na, nakaka-stress kasi mga manliligaw ko! Oha, mga! Baka nanggu-good time lang yung mga yun, ang gagwapo kasi nilang lahat! Parang nag-usap usap sila na ako yung susunod nilang pagti-tripan, ganon. Hindi naman sa panget ako para pagtripan... ganda ko kaya! Sabi yan ng Mommy ko kaya huwag na kayong magreact dyan!
Hindi ko rin naman maitatanggi na habang tumatagal na nakakasama ko sila, eh napapalapit din ang loob ko sa kanila. Kaya lang... hindi ko alam kung sino ang gusto ko! Parang pare-parehas ko lang naman silang gusto, landi!
I don't want to lose any of them but it's not possible to keep them all. Ano yun, pokémon sila? Gotta catch 'em all ang peg ko? Hindi! Baka masabihan pa kong malandi... medyo totoo naman pero hoy! Medyo lang naman guys!
Minsan sa buhay, kailangan mo talagang mamili. Your fate depends on the choices you make. Kaya bago ka magdesisyon, siguraduhin mo munang iyun talaga ang gusto mo dahil once na nakapili ka na, there's no turning back. English yun!
Pero unfair nga naman talaga ang tadhana, kung kelan namang okay na ang lahat, saka pa eeksena at maninira ng wala man lang pasabi.
Tsk! Nakakainis naman o!
Hi. I'm Ashlyn Lyra Morales, at ito ang kwento ng lovelife kong magulo.
---
Author's Note:
Hi. Hehe, sobrang cliché nito. Promise. Paalala lang kasi baka mag-expect yung iba masyado. Mababaw lang po akong tao. Chos. Haha.
BINABASA MO ANG
That Indecisive Girl
Teen FictionKung pahabaan lang naman ng buhok ang usapan, wag na kayong mag-sayang ng effort at sumubok na makipagpaligsahan kay Ashlyn Lyra Morales. Kakayanin niyo ba, tatlong naggagwapuhang manliligaw?! Pakitulungan na ngang mamili si Ash at stressed na stres...