Chapter 1: Stalker

23 1 0
                                    

Ashlyn's POV

"Sure ka ba talaga, daddy? Okay sayo dito? Di ka man lang ba magpo-protesta?" sunod sunod na tanong ko sa aking minamahal na itay. Paano ba naman kasi, basta basta nalang pumayag sa utos ni Mommy na lumipat na kami ng bahay! Tsk!

"Oo naman. Bakit, ayaw mo ba dito? Maganda naman yung bahay ah."

Bumusangot nalang ako at naglibot libot sa lilipatan naming bahay. Okay naman siya, magandang maganda nga eh! Kaso, hindi na ko makakatambay lagi kila Sav! Hindi kaya ng lalakarin lang. Hay. Ramdam ko nang tatamarin na ako magpunta sa kanila.

Matapos ko libutin ang bahay, pumunta ako sa isang malapit na playground. Halos katapat ng lilipatan namin. Yung tipong isang tumbling lang, andun ka na. 

Naupo ako sa swing at nag-isip isip. Nakakainis naman kasi yung mga magnanakaw na 'yun eh! Kung hindi lang sana sila umepal sa buhay namin, edi sana hindi nag-alala 'yung Mommy ko na nasa States pa kasama ang kuya ko at hindi pinagpilitang lumipat kami ng bahay. Naisip ko rin 'yung byahe ko papunta sa school araw araw. Kung 'yung sa dati nga naming bahay, ang layo na eh. Paano pa kaya dito? Eh kung lumipat nalang kaya ako school? Wala naman akong kaibigan dun sa school ko bukod kay Sav. Mga pa-chix tao dun. Pero ayoko pala! Si Sav na nga lang kaibigan ko, iiwan ko pa? 

Dahil miss ko na si Sav, tinawagan ko siya.

[Hello?]

"Sav! Hi! Andito ako sa lilipatan naming bahay, ang layo nito sa inyo! Di na walking distance!"

[Share mo lang? Joke! Hahaha!]

"Tsk, nakakainis naman 'to eh," sabi ko at saka ibinaba ang phone. Barahin naman daw ba ako?

Maya maya lang ay tumawag si Sav. Sinagot ko naman. Bait ko eh. 

[Eto naman, joke lang kasi! Haha!]

"Eh nakakainis ka kasi eh! Nagluluksa na nga ako dito. Layo pa nito sa school natin."

[Lipat nalang kaya tayo? Joke, 'wag pala. Paano nalang ang love story namin ni Blake kung lilipat pa ako!]

Natawa naman ako sa sinabi niya. Si Sav talaga, baliw na baliw dun sa Blake Diaz na 'yun.

"Sus, 'wag ka na umasa dyan. Ubod kaya ng sungit 'yung lalaking 'yun!"

[Wag ka nga! Nakakadagdag kaya sa charms niya 'yung pagsusungit niya!]

"Oo nalang."

Kung ano ano pa ang pinag-usapan namin ni Sav nang bigla akong may napansing paparating. Teka, namamalik mata lang ba ako o si Blake Diaz talaga 'yun?

"Sav, sabihin mo nga sa'kin, sa Northwoods ba nakatira 'tong crush mong si Blake?"

[Hmm? Ayon sa facebook niya, 'dun nga siya nakatira. Bakit?]

"Si Blake nga ata 'to. Naglalakad sa street namin, may kasamang girlalu!"

[ANO?! Sundan mo, dali! Alamin mo kung sino 'yun! Tsk!]

"Dapat pala hindi ko nalang sinabi," bulong ko pero mukhang narinig ni Sav sa kabilang linya.

[Hoy! Bestfriend mo ko! Sundan mo na sila, please?]

Wala na akong nagawa kaya padabog akong tumayo at sinundan ko 'yung Blake niya. Parang hindi naman niya shota 'yung babae kaya sinabi ko kay Sav na uuwi nalang ako. Pero naggalit-galitan ang loka at napilitan akong sundan pa sila.

"Ay, Sav! 'Yung babae! Naka-cling sa braso ng Blake mo. Hahahaha, sawi ka!"

[Aba at naku-]

Hindi na natuloy ang sinasabi ni Sav dahil naputol ang tawag. Bigla naman siyang nag-text.

That Indecisive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon