Seraph

0 0 0
                                    

*This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of author imagination or used in fictitious manner.*

Nikki's POV

Hi my name is Dominique Anne but almost everyone calls me Nikki, I am 25 years old and currently living here in Italy. Currently working sa isang company as a front desk. Let's just say na I'm living the life that most of the girls wanted. I am financially stable and may blooming na lovelife. His name is Christoff but we call him Chris and he's working as a chef sa isang kilalang restaurant dito sa Milan. We are actually planning to live together, but not now. Let's say na we are still enjoying the life that we have as long as hindi pa kami nagsasama sa iisang bubong kasi let's be honest na mag iiba yung takbo ng buhay mo once na tumira kayo sa iisang bahay.

"Good morning Nikki." Bati sakin ni Raymond. Sabay abot niya sakin ng breakfast ko. "Pinapaabot ni bossing." Napa smile na lang ako.

"Thank you Mond. Have a nice day." Naka ngiting kong bati naman sa kanya. He is Raymond or Mond for us and he is the one na nagpakilala saming dalawa ni Chris. Parang every morning palagi na lang may padalang breakfast si Chris kay Mond. Currently sila kasing dalawa ang magkasama sa bahay.

"Are you coming this Sunday?" tanong sakin ni Mond.

"No, papaubaya ko muna sa inyo si Chris. Boys night out niyo po yun." Sagot ko naman sa kanya. Chris already told me about that. And wala naman problema sakin since kilala ko naman lahat ng tropa niya.

Mond was the last one to enter the company like always. Let's say na siya yung pala tandaan ko na once na pumasok na siya means lahat naka pasok na sa office. So basically kapag nakapasok na siya mejo maluwag na ako sa work ko. Napatingin naman ako sa breakfast na dala niya para sakin. I couldn't help but smile and remembered how we both started. Ang bilis ng panahon, who would have thought na tatagal din kami ng halos apat na taon na.

*6 months later*

This is the day that we are finally waiting for. Magka holding hands kami ni Chris habang nakatingin sa building ng lilipatan namin. Yes we've finally decided na mag live in na. And today is the day na lilipat na kami. Medyo excited at kinakabahan kaming dalawa habang paakyat sa bagong bahay namin. Hindi ko alam kung normal lang ba to pero parang sasabog na sa kaba yung puso ko. Nagkatinginan kaming dalawa nung nasa tapat na kami ng pinto ng bagong bahay namin.

"Love.." tawag sakin ni Christoff. Napatingin ako sa kanya ng naluluha and tumango ako sa kanya. The way he looked at me kasi seemed na para bang humihingi siya sakin ng permission para buksan yung pinto sa harap namin.

The moment na nabuksan niya yung pinto, hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Inakay ako ni Chris papunta sa sala namin. Halos hindi na ako makahinga sa pag iyak. Napa tingin ako sa paligid and mas lalo akong naiyak nung nakita ko ang buong pamilya namin kasama ang mga kaibigan namin.Punong puno ng mga lobo na may mga pictures namin ang sala, nagkalat din ang petals ng roses at may mga kandila din na naka form ng puso sa gitna.  Napahagulhol nako ng bigla kong nabasa kung ano ang hawak nila. "Will you marry me?" napatingin ako kay Chris may mga luha din sa mata niya and slowly he kneel in front of me.

"Nikki, my love.." he started "the moment that I saw you I never really thought of becoming your partner since kaibigan mo si Mond, naisip ko na imposible na walang namamagitan sa inyong dalawa. Until inamin sakin ni Mond na may girlfriend na pala siya, ldr nga lang. Hindi kita agad agad niligawan kasi natakot ako. Natakot ako kasi alam kong hindi ikaw yung tipo ng babae na pang sandalian lang. Bago kita niligawan non sinigurado ko muna sa sarili ko na handa na ako sa panghabang buhay na commitment kasama ka. At heto na nga, sa harap ng pamilya nating dalawa, sa harap ng mga taong importante sating dalawa..." walang tigil ang pag iyak ko, napatigil siya para huminga ng malalim, ramdam ko ang kaba niya. Ramdam ko din kung panong nangangatal ang mga kamay niya na nakahawak sakin. Unti unti niyang inilabas ang singsing galing sa bulsa niya "Love, my Dominique Anne Santos will you give me the honor to be your partner for the rest of your life? Will you marry me?" unti unti naman akong tumango and I softly said "Yes my love, I will." Unti unti niyang isinuot sakin ang singsing at niyakap niya ako ng mahigpit. Nagsimula namang sumigaw ang mga tao sa paligid namin at sunod sunod silang nagsabi ng Congratulations samin. Yung dapat simpleng salo salo lang dahil sa paglipat namin naging double celebration dahil sa proposal at sa paglipat namin. Hindi ko ma-describe kung gano kasaya ang puso ko ngayon kasama ang mga taong mahahalaga samin at ang taong makakasama ko sa habang buhay.

SeraphTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon