First Last Dance

55 0 0
  • Dedicated kay Vianca Santos
                                    

Naalala ko nung araw na yon, nakatanga ako sa bintana ng classroom namin. Kahit alam kong wala akong makikita, kundi ang building ng mga 3rd year students na palakad-lakad lang sa hallway, pagkakatiyagaan ko nalang tingnan ang pwedeng tingnan. Oo na, sige, bored ako. Eh ano naman magagawa ko? Si Ma'am Linda busy sa kung anong mga papel, ang klase may sari-sariling mga grupo, tawa dun tawa dito, usap dito usap dun, at ang mga babae ay lumalandi dito lumalandi dun.

I sighed, anu ba pwedeng gawin? tanung ko sa sarili ko. Edi makipag-usap! Kitang ito lang best friend mo di mo kinakausap! sabi ng boses na nasa isip ko. Tiningnan ko si Vivian sa isang tabi, ayun nakikipag-usap kay Gary para ring wala ako. Busy,eh! Ayoko namang istorbohin. Alam mo naman yung "privacy", no? Pasigaw kong sinabi sa isip ko.

Yes, alam ko mukha akong baliw ngayon. Yung boses sa isip ko kasi (or should I say my "inner self") ay yung nabubuo sa isip ko pag nag-iisa ako at walang maka-usap. Parang siya (yep, "sya") yung nagpapalipas ng oras ko kapag yung mga kaibigan ko ay masyadong busy na makipag-usap sa akin.

Dahan-dahan ako yumuko sa desk ko, getting ready para matulog (walang ngang magawa dba?), at parang on cue, sabay tawag ni ma'am sa akin.

"Rose!" sabi ni Ma'am Linda.

"Yes Ma'am?" ang aking sinagot.

"Kasama ka sa Dance club diba?" ang tanong ni Ma'am sa akin pero hindi siya tumingin.

"Opo." "Ah, sige, kasama ka sa cotillion."

... *silence*

Wait, cotillion? "Um, Ma-" "Sa mga kasama sa cotillion, bukas, after school, ang practice. Make sure that you will bring an extra t-shirt." Ang sabi ni Ma'am at bumalik siya sa kanyang mga papel.

And I stare at her in slience.

Teka, ano nga ulit yung itatanong ko? Ah, ayun! "Uy, Viv!" Tinawag ko ang aking kaibigan na ngayon ay busy makipag tawanan kay Katy, isa pa sa aking mga friends.

"Oh, ano meron?" Ang tanong nya sa akin. "Uy, Rose! Rinig ko na kasama sa mga napili sa cotillion, ah. Swerte mo naman." Sabi naman ni Katy.

"Oo, nga eh. Ay, ano nga pala yung cotillion?" innocently kong sinabi. "'Di mo alam?" unbelievably na sinabi sa akin ni Katy. I shook my head as a reply. "Hindi e." Nagbugtong-hininga si Vivian sa harap ko. "Rose," sabi nya. "Ang cotillion ay isang patterned dance na kadalasan na sinasayaw sa mga special and formal events or parties." Ang paliwanag nya sa akin. Minsan, aamin ko na mas matalino pa sa akin si Vivian. Minsan rin nagtataka ako kung bakit di sya nakakapasok sa top.

So, inaamin mo na bobo ka? Sabi ni Lindsay sa akin (O, ano paki nyo? binigyan ko ng pangalan anong magagawa nyo, gusto ko e). Baliw, di kaya at tumahimik ka nga sa isang tabi? Bigla-bigla ka nalang sasabat eh. Sabi ko naman pabalik.

Che, bahala ka sa buhay mo. galit na pasabi ni Lindsay.

"Uy!" Kinawayan ako ni Katy malapit sa mukha ko. "Huh?" "Anong 'huh?' Tulala ka nanaman e." sabi nya sa akin. "Ay, pasensya na." Kinamot ko ang likod ng ulo ko at ngumiti ng konti. Sabay silang nagbugtong-hininga. Minsan kailangan nila akong pagtiyagaan, talagang clueless ako sa mga bagay kung minsan.

"So, yung mga sinsabi nyong special events or parties ay parang nung Valentine Dance natin?" tanong ko sa kanila, getting back to the subject. "Oo, at sasayaw ka sa harap ng buong student body." Sabi ni Vivian sa akin.

..... *again, silence*

"Wait! Teka! Sasayaw ako? Sa harap ng maraming tao?" I exclaimed. It's the end of the world for me. "Oo. Pero syempre di ka mag-iisa. May kasama kang magsasayaw, parang partner." sabat naman ni Gale na bigla nalang sumulpot kung saan. "Ahh ..... ganun ba?" Nag-nod sila sa akin in agreement. "Ehhhh! Kahit na! Sasayaw parin ako in front of a huge crowd." Sabi ko naman. "Hindi naman ganong ka-huge" Sabi ni Gale. "Pero lahat ng HS students pupunta diba?" sabi ni Kate. "Oo, nga." pa-agree na sinabi ni Vivian sa kanila.

I hit my head on the desk. To be honest, yes, ayaw kong sumayaw sa Valentine Dance namin.

"Awww, wag ka naman ganyan, Rose. Sanay ka naman dba? Majorette ka naman sa school band natin eh." Vivian pat my back and I groan in response. "Iba ang pag-twirl ng baton sa pagsayaw, Viv." ni-reply ko sa kanya. Yes, marami ring nanonood sa akin tuwing nagper-perform ako kapag majorette ako. Pero, it's a whole big difference pag sinabing sasayaw ka sa harap ng maraming tao. Kahit may ka-partner kang iba. Iba ang pag-majorette sa pagsasayaw no!

I sigh again. "Wala akong magagawa. Kasama na ako at final na ang mga magsasayaw."

"Yey!" Sigaw ni Katy at Gale. "Yan dapat. Sige, We're looking forward ah? Galingan mo sa practice bukas."

Nag-ring ang bell as a signal na tapos na ang mahabang kaparusahan namin sa paaralan. Umalis na sina Gale at Vivian, marami pa daw silang gagawin at planong pumunta sa fast food pagkatapos. Hay, mga mang-iiwan.

Eh, ikaw kasi. Di ka marunong makihalubilo. Ayan, iniwanan ka. Kawawa naman. Sabi ni Lindsay na  parang nakikipag-usap sa isang bata. Pwede bang manahimik ka? Alam mo yung bawal gumala dahil masyadong over-protective ang mga magulang mo? Minsan nakakainis pag meron kang boses na laging nanggugulo sa isip mo eh.

K dot.

Finally! "Uy, pagkatapos ng practice nyo bukas, sabihin mo sa amin kung sino naka-partner mo ah?" Sabi ni Kate sa akin at sabay syang tumakbo paalis.

"Ahh .... ok?" Pabulong ko sinabi sa sarili ko.

Oo nga no. May makaka-partner ako sa sayaw. Sino kaya?

Malalaman mo nalang. Uy, excited ka no? Pabirong sinabi ng bruha sa akin. GRRRRR! Alis. Sabi. Eh. At tinulak ko sya sa sulok ng aking kaisipan. (Para naman magagawa ko yun no ^_^)

Pero ... talaga. Sino kaya makakapartner ko? Baka ... Siya na yung hinihintay ko. Fudge!!!! Alis! Alis! Alis! Remove that thought! Never mangyayari yun! At sino naman ang magkakakagusto sa isang dork na katulad ko? Wala yan sigurado. I'm not that kind of girl na nagsusuot ng damit ng  GRO no! I prefer to be conservative, hmph!

Lumakad na ako palabas ng gate pero hindi matangal-tangal sa isip ko kung sino ang aking makakapartner.

Sana naman siya na nga ... At tuluyan na nga akong tumakbo para maka-alis at makalimutan ang iniisip ko ngayon. Sa totoo nyan, kahit sinasabi kong ayokong magka-lovelife, gusto-gusto kong magkaroon ng lalaking mag-aalaga sa akin. Wala rin akong pinagkaiba sa mga babae dyan sa tabi-tabi.

~So ... VOTE? COMMENT? FOLLOW? Ito po ang first tagalog story ko so pagpasensyahan nyo na po and yes, based on a true story po ito at aaminin ko na may mga dinagdag ako sa talagang totoong nangyari so .... Yun. Thank you whoever will read this.~

First Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon