Chapter 2

17 0 0
                                    

Yatta! Sa wakas tapos rin! Sorry if i kept you waiting! Anyways, ito na ang Chapter 2!! ^^

Ang buhok ko ay nakadikit sa pawis kong mukha. Para namang sasabog ang dibdib ko kada hakbang ko sa sahig. Ang hininga ko ay tila nauubos na sa sobrang pagod. At ito pang mga paa ko ay parang bibigay habang ako'y tumatakbo. Kailan pa ba kayang naging masyadong matarik ang hagdanan na to? Di lang naman ang hagdanan ang problema ko, late na ako sa practice! (T_T)

Ay, kawawa naman si Rose. Male-late sa kanyang practice. Nakatulog kasi sa library e, tsk. Kung hindi lang sya nagpaka-nerd at nagbabasa ng libro... sabi ni Lindsay.

Alam mo, I hate you. sabi ko sa kanya.

Aww~ Ang sweet mo naman. I love you too~!

Grrrr! Tahimik! 

 Halos nagkandarapa na ako habang tumatakbo ako pataas ng hagdan. Isa sa mga kinaiinisan ko sa paaralan na to ay ang mga marble staircase*. Sa sobrang rami ng hagdanan dito minsan mawawala ka nalang e. Masahol pa doon, kung pupunta ka sa rooftop, e di anrami mo pang kailangang akyatin. Bakit ba di nalang sila gumawa ng elevator? (-.-") Then again, di ganung kayaman ang school na to. 

Sa di kalayuan nakikita ko na rin ang pintuan papunta rooftop at binilisan ko pa ang aking takbo.

Hay! Sa wakas! Langit, naabot rin kita!

Dali-dali akong pumasok sa rooftop, kung saan kami magpa-practice at  umupo sa tabi ng grupo ng mananayaw. 

"Lord, thank you po at naka-abot pa ako." pabulong kong dinasal sa Panginoon. Minsan, kahit maliit at di pansin ang mga binibigay Niyang blessings sa yo, mapapadasal ka nalang. Matapos kong kalmahin ang tibok ng puso ko, pinagmasdan ko ang mga kapwa kong mananayaw na either nakikipag-usap sa iba o nagmumukmok sa isang tabi. Gaya ko :)

"Wow, marami rin palang kasama dito," bulong ko. " Ma pa ang mga 3rd year nandito." Sa di kalayuan, napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Ay, si Arthur pala yun akala ko si Gary. Si Arthur Gonzales ay ang sikat na 3rd year student sa school at ang nakakatandang kapatid ni Gary (kung di nyo sya kilala, go back to the first part of the story). Sikat si Arthur sa mga babae kahit walang sinasalihan na kung anuman. Mabait siya in someways at gentleman kung minsan.

Wow, paano mo naman nasabi na gentleman siya? Ay, may past kayo no. Pabirong sinabi nanaman ng bruha sa isipan ko.

Masasabi ko na gentleman siya kahit isang beses ko lang siya nakita, ok? At wala kang pake kung may "past" man kami o wala! 

Di ganung ka-interesado si Arthur sa mga bagay katulad ng mga big events sa school. Kaya ang pinagtataka ko ay bakit sya nandito?

Huy. Bakit naman anrami mong alam sa lalaking yan? Tanong ni Lindsay sa akin.

"Wala ka nang paki doon." Nagbugtong-hininga ako dahil di ko alam na ganitong ka-boring ang practice na to. Nagpakapagod pa ako sa pag-akyat dito, nakakainis! At di lang yun, asan ba ang magtuturo ng sayaw sa amin?! Mag-iisang oras na ah! And as if on cue ulit, dumating ang isang matangkad na lalaki, na parang isang ordinary college student lang, at tumayo ng tuwid sa harap namin. Tumahimik na rin ang rooftop pero dahil sa katahimikan na to, parang may multong nakatanaw sa likod mo. Let's just say na nakakatakot yung lalake sa harap namin. At least, para sa akin.

"Alright. Good afternoon sa inyong lahat, ako nga pala ang choreographer nyo para sa cotillion. Pasensya na kung na-late ako sa practice dahil nagkaproblema sa ... transpo. Anyways," Patuloy siyang nagsasalita, pero lahat ng words ay pumapasok sa tenga ko at lumalabas sa kabila. Inaantok ako. (-_-) *yawns* Sana pala nanatili ako sa library. At least doon tahimik di katulad dito, OP ka na nga, boring pa ang nagsasalita sa harap mo.

"Alright! Form a line based on your height! One line for boys! One line for girls!" Ulit, dali-dali akong tumayo at hinanap ang aking height.

"OK, arms forward, raise!" sabi ng choreographer at sinunod nga namin. Naka-ayos na kaming mga babae at being as manly as they are, nagtatagal ang mga lalake sa paga-adjust ng kanilang pila.

"Boys! Double-time! Double-time!" Habang sumisigaw ang choreographer sa harap, I quietly prayed to God na sana isang lalaking may modo at di bastos ang makakapartner ko. 

Dios mio, sana po matino ang partner ko. Sana po matino ang partner ko. Sana po matino ang partner ko .... Paulit-ulit kong dinadasal sa isip ko ang aking hiling pero nadistorbo ng may nagsalita.

"Um ... ok ka lang?" sabi ng isang mahinahong boses sa tabi ko.

I broke away from my trance and cleared my throat. "Ah! Oo, ok lang ako." I said shyly.

At pagkatingala ko .... 

"Ay, buti naman," ngumiti siya at tila ang mundo ay napuno ng napakaraming ilaw. Inabot niya ang kanyang kamay sa harap ko at sinabi,

"Ako nga pala si Arthur Gonzales. Nice to meet you."

Hagdan* - ang setting na pinili ko sa story ay talagang napakaraming hagdan at talagang mapapagod ka.

So, ayun tapos na :) Sana nagustohan nyo. Pasensya na kung di maganda ang romance, di talaga ako magaling sa genre dito. So again, I hope you like it ^^ ~ Be Awesome Everyone!!  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon