Chapter 2

70 8 4
                                    

-IMELDA-

Matiwasay akong nagtatrabaho sa aking pwesto kahit walang katapusan ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Hirap maging maganda ರ╭╮ರ

A/N: Palit nalang tayo mama meldy ಥ‿ಥ

May kumatok nanaman pero katrabaho ko na ang nagbukas kaya hinayaan ko nalang.

"Flowers for Imelda Romualdez po" sabi ng delivery boy.

Gwapo yung nag-deliver kaya itong katrabaho ko ay umaandar nanaman ang kaharutan.

"Salamat" sagot ko dito.

Nang makaalis na ang nag deliver ay nilapitan ako ng katrabaho/kaibigan ko.

"Alam mo imelda, sa dami ng nagpapadala sa iyo ng bulaklak araw araw, pwede na gawing flower shop  itong opisina natin". Pang aasar nito.

"Pasensya kana, nagkaroon ka ng magandang katrabaho e" sagot ko dito.

Umupo siya sa gilid ko kaya binasa ko nalang muna yung sulat na nakaipit sa bulaklak.

"For you, Imelda" -Ferdinand.

Kahit maikli lang yung sulat hindi talaga pumapalya sa pagpapakilig tong lalaking to e. Ilang araw na din simula ng unang pagkikita namin. Natanggap din naman ni daniel na liligawan ako ni ferdinand kaya kinabukasan nun ay nagsimula na siyang magpadala ng mga bulaklak sa akin.

"Ang swerte mo naman pala, isang Ferdinand Marcos ang manliligaw mo".

ako lang to💅

"Hindi naman". sagot ko nalang dito.

"Alam mo, nung wala ka pa kanina, nakailang beses tumawag yan, tinatanong kung nakarating ka na daw ba"

"Ano namang sinabi mo?" tanong ko dito.

"Syempre wala ka pa, masyado syang excited, napaka effort naman pala nyan ni Mr.Marcos at pati numero ng kumpanya natin e kinuha." sagot nito.

"Grabe ka!" sabay hampas ko sa braso nya.

"Alam mo bang hiningi nya din ang numero mo?" sabi nito sakin.

Juskolord sana hindi niya binigay, hindi ko na nga binigay sakanya nung isang araw dahil hindi ako mapakali pag kausap sya.

"Ibinigay mo naman?" takang tanong ko.

"Aba oo naman" sagot nito.

"E bakit mo naman binigay?!" Inis na sagot ko dito.

"E sabi niya kakausapin niya daw si Mr. Romualdez e kaya ayun binigay ko"

"Talagang matalino siya ha, tignan lang natin" *maghintay ka ng matagal bago kita sagutin*

"Huy grabe ka naman makataray! Ang swerte mo nga at isang Ferdinand Marcos manliligaw mo e yan ang pinaka gwapong politician dito sa Pilipinas" sagot nito.

"Ako rin naman ang pinaka magandang babae dito sa Pilipinas kaya quits na kami" sagot ko dito.

"Aba'y napakahangin mo nga naman talaga imelda ano?" Pagtataray nito sakin.

"Hindi ako mahangin, nagsasabi lang ako ng katotohanan" sagot ko dito.

"Tss, makaalis na nga at ako'y haharot este magta-trabaho na." Sagot nito.

Ipinagpatuloy ko nalang din ang trabaho ko para mamaya ay maaga akong matapos at makauwi.

:>>

My First LadyWhere stories live. Discover now