*Budget Hearing at the Philippine Congress*
IMELDA
"Paz, hindi pa ba matatapos yan? Kanina pa tayo andito ehh inaantok na ako." Reklamo ko
"Malapit na, last na itong sunod na mag i-ispeech" sagot nito sa akin.
"Kung bakit pa kasi biglaan tayo pinapunta ni daniel dito, hindi ako nakapag ayos masyado, tignan mo naman itong suot natin." sagot ko dito.
"Hayaan mo na, maganda ka pa rin naman kahit hindi nakaayos eh" pambobola nito.
"Huwag mo nga akong bolahin" balik ko dito.
Hindi na nito pinansin ang sinabi ko dahil magsasalita na ang pinaka huli.
"Ang ganda ng speech ni Ferdinand ano?" Sabi nito.
"Sino yun?" Sagot ko dito.
"Yung tumatakbong congressman ng ilocos!! Ay nako bagay kayo nun imelda!!" Kinikilig na sabi nito saakin.
Nako naman... Ni hindi ko nga alam kung naka move on na ba talaga ako kay Ninoy, mahigit ilang buwan na din mula ng magpaalam kami sa isa't isa at ipagpalit nya ako sa isang haciendera. Ayaw ko nang balikan ang ala-alang iyon.
"Huy imelda tulala ka dyan!" Tinapik nito ang aking kamay.
Nabalik ako sa reyalidad ng gulatin ako ni Paz. Ang asawa ng aking pinsan na si Daniel.
"Aray ano ba yan!" Reklamo ko.
"Anong aray? Masakit ba speech ni Ferdinand?" Tanong nito sakin.
"Hindi yung speech ni Ferdinand. May lamok kasi na kumagat sa binti ko" balik ko dito.
" Ahh akala ko ano na eh" sagot nito.
-Makalipas ang limang minuto-
"Ay tapos na agad ang speech ni Ferdinand! Ang ganda pa naman!" Reklamo ni paz.
"Parating na ba si daniel? Gusto ko na makauwi at inaantok na ako." sagot ko dito.
"Parating na iyon dito dahil tapos na sila" sagot nito sakin.
Habang naghihintay ay tinuloy ko nalang ang pagkain, habang kumakain ay parang may nararamdaman akong nakatingin sa akin hanggang sa...
"Ayy ayun pala si Ferdinand oh, nakatingin sayo" pabulong na sabi nito sakin.
Na curious din ako kung ano bang itsura nung Ferdinand na sinasabi ni paz kaya nilingon ko ito.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis tibok ng puso ko.
"Huy imelda! Nakatulala ka kay Ferdinand! Ikaw ha!" Pang aasar ni paz sa akin.
"Tumigil ka nga jan, tinignan ko lang naman yung sinabi mo" sagot ko dito.
Hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako dahil paniguradong sasabihin nya to kay daniel at aasarin nanaman nila akong dalawa.
"Oh ayan na pala si daniel" sabi nito sa akin.
Nagkunwari nalang ako na tinitignan ang aking kuko dahil parang may nakatitig pa din sa akin at naiilang ako.
FERDINAND
Kakatapos lang ng speech ko kaya pinuntahan ko muna si Mr. Romualdez para magpaalam na iinom lang ng tubig. At pumayag naman ito.
Pagpasok ko ng kantin ay uupo na sana ako ngunit nakuha ng babaeng nakaupo sa gilid ang atensyon ko.
"Napaka ganda mo."
Sa sobrang pagkatitig ko sakanya ay hindi ko namalayan na kinalabit na pala ako ni Mr. Romualdez
YOU ARE READING
My First Lady
Romantizm"I Don't Believe In Courship, It's a Waste Of Time, If I Love A Person, I Will Tell Her Right Away, But For You I'll Make An Exception, Just Love Me Now, And I Will Court You Forever." -Ferdinand Marcos