~FEBRUARY~-

7 1 0
                                    


-

-^-

-

It is February and the month of love. At syempre dahil month of love ay magbibigay ka dapat sa taong mahal mo- and yes I had prepared a little something for the guy I like.

"Really Maqui, Chocolates... Asa tradition na 'yun ng Lola Mom mo. As you know your Lola Mom was from Japan and she always gave me chocolates at this time of year. It's good that you want to do this- ibibigay mo ba kay Marc ito iha?" masayang sambit ni Lolo Dad na may halo pang panunudyo sa huli

Napangiti naman ako at napatango, "Yes Lo, I'm planning to give him some. Pati na din yung mga kaklase kong lalaki annd my other friends."

Natawa naman si Lolo Dad, "Ah yes. As expected from my very loving apo."

"But I must remind you na dapat, yung lalaking mahal mo ang bibigyan mo. That would make the gift even sweeter." pagngiti niya at iniwan ako sa kusina

I'll sure do Lo...

~

"Morning Cassi!" masaya kong pagbati na ikinagulat ni Cassi

"Apo jusko marimar! Wag mo naman akong ginugulat ng ganon h*ta ka!" inis na sambit niya

Tumabi na lang ako sa kanya na may ngiti pa din sa labi

"Anong nakain mo at ang saya-saya mo? Ginayuma ka siguro talaga ni Marc- kaya nagtataka ako bigla kang nagkakaganyan eh nagco-complain ka lang sa akin nung nakaraan na sawang-sawa ka ng lagi siyang kasama." mahabang sambit niya na halatang ayaw talaga si Marc sa akin

Natawa lang akong umiling. Kinuha ko ang chocolates sa bag ko at binigay sa kaniya.

"Ba't to?" tanong niya na binukan ang box. Nagnining ang mata niya nang makita ang laman

"Sabi mo kas gusto mo yung cocolates na may caramel at pistachio. Kaya triny kong gumawa-" pero bago pa ako makapagsabi o makapagpaliwanag ng kung ano eh sumubo na agad siya

"Nyam." masayang sambit niya na nakathumbs up ang kamay at tila nagliliwanag ang mata

Natawa naman ako...

"So you're making chocolates." aniya habang ngumunguya

"For Marc?" pagtaas pa ng kilay niya

"For your brother." I corrected

Napangisi naman siya syaka ako sinapak sa braso.

"at buong akala ko bumuwag ka na sa Natequi!"

Napanguso ako pero di ko pa'rin winala ang ngiti sa labi ko.

"I'm planning to confess." pag-amin ko na ikinagulat niya

"Go Natequi!" pagcheer niya

Napasign naman ako agad na tumahimik siya kaya hininaan niya boses niya syaka natawa. Natawa din ako at pinagpatuloy niya lang ang pagchant niya.

"Good luck sister!"

Natawa naman ako.

Halos nagulat pa ako ng agad na bumukas ang pinto ng meeting room sa likod ko. Napatahimik ako nang magsalubong ang mga mata namin. Agad akong umiwas at napabaling na lang sa baba.

Nagulat naman ako ng bigla akong binulungan ni Cassi.

"Try mo ngang gumawa ng white chocolate with matcha nougat- maybe it would suit his taste."

Maqui: First SightedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon